Price Tags (MKT #1)
Mystique Trinidad and Maxuelle Romero---
"Hoy," sinipa ng kaklase kong babae ang upuan ko kaya iritadong tumingin ako sa kaniya.
"Tangina, anong problema mo? Kitang may ginagawa," iritang sagot ko. Epal amp.
"May ass ka?" tanong niya ulit. Tanga naman nito magtanong. Paano ako nakakaupo?
"Gago ka ba? Malamang," nakakunot ang noo ko at maangas na sumagot.
Napatawa siya ng malakas nang mapagtanto ang tinanong niya. Halos humalakhak na siya. Pamatay ang tawa amp.
"I mean, kung may assignment ka ba?" tumatawa paring tanong niya.
Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya. Assignment lang pala, ang gago.
Pumasok ang prof namin at pinagpatuloy ang hindi natapos na lesson kahapon dahil kinapos sa oras. Sobrang inaantok ako habang nakikinig. Pakshet ba naman ng boses nito, parang binabasahan kami ng fairytale na storya para makatulog.
"5 minutes na lang," sambit ng prof namin. Bigla akong nabuhayan ng loob at nakinig dahil 5 minutes na lang. Malapit na matapos, e.
Pagkatapos niya magdiscuss, linagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko at linabas ang polbo ko at liptint. Nag-ayos ako saglit at tinapon na lang 'to sa bag ko basta basta. Sa bahay ko na lang aayusin.
Saktong lumabas ako ng room ay tumawag sa'kin si Coleen, pinsan ko. Sinagot ko naman 'to agad.
"Oh? Awas ka na?" bungad ko. Pinagusapan kasi namin kanina na mamamasyal kami.
[Malamang. Tatawag ba 'ko sa'yo kung nandito prof namin?] pambabara niya. Putangina nito, ah.
"Saan ba tayo magkikita?" pagtatanong ko ulit. Pahabaan na lang ng pasensiya.
[Sa sementeryo, ata] walang kwentang sagot niya. Napapikit ako ng mariin sa inis. Tumingin muna ako sa paligid bago magsalita.
"Sumagot ka ng maayos, tangina mo." inayos ko ang strap ng bag ko sa balikat ko at naglakad palabas ng school habang hawak ang cellphone kong nasa tenga ko.
[Sa SM Calamba nga! Malapit lang naman tayo doon,] hindi ko medyo naintindihan ang sinabi niya dahil ang ingay ng mga sasakyan sa background ng tawag.
"Ano?" iritadong tanong ko.
[SM CALAMBA!!] sigaw niya. Linayo ko ang cellphone sa tenga ko saglit at minura siya bago ko binaba.
Sumakay ako ng jeep papuntang Calamba, malapit lang naman dahil nasa Mamatid ako.
"Bayad po. SM Loob po, estudyante." sigaw ko kay manong driver. Napasulyap din ako sa poging nasa dulo kaya umayos ako ng upo at nagpacute ng konti.
Nang inabot ng driver ang sukli ko, kinuha ito ng pogi at inabot naman sa'kin. Kunwari naka-poker face ako pero kinikilig na talaga ako. Putangina, pogi 'yan, e.
Sabay pa kaming bumaba sa SM Loob at nagpalinga linga ako dahil nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa'kin. Talaga namang may hinahanap ako.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...