PT 10

28 3 0
                                    


Nagtuloy tuloy ang paguusap namin kahit sa internet lang. Ilang linggo na rin kaming ganito. Hindi ko nga siya nakikita dahil hindi naman ako pumapasyal sa mall dahil may exam kami.

Madami akong nalaman tungkol sa kaniya. Tulad ng tatay pala niya ang may-ari ng mall na 'yon. Nagtataka pa nga rin ako kung bakit siya doon nagtatrabaho kung mayaman naman sila. Natanong ko na sa kaniya iyon pero umiiwas lang siya sa tanong kaya hindi ko na pinilit.

Masasabi ko na ring close kami. Nagkakamustahan at bumabanat na rin ako. Hehe.

"Hoy!" binatukan ako ni Coleen kaya bumalik ako sa realidad. Pero totoo lahat ng sinasabi ko kanina ah. Promise. Mamatay ka man.

"Ano ba?! Batok ka ng batok!" sigaw ko.

"Kinakausap kita tapos nakatulala ka?! Sinong hindi mababadtrip?!" sigaw niya pabalik.

"Oh, ano bang kasing sinasabi mo?" tanong ko para manahimik na siya.

"Nandito na tayo. Kanina pa kita tinatanong kung saan tayo magsisimula," inis na sagot niya.

6am palang kasi at naisipan namin magjogging. Oo, kami lang dalawa dahil tulog pa yung iba.

Bumaba na ako agad at hindi sinagot ang tanong niya. Nagsimula akong magstretching. Pumunta din naman siya sa tabi ko at nakisabay na rin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na kaming tumakbo. Scam 'to e. Sa una, akala mo ang dali dali magjogging pero nung nakalahati na namin yung kalsada kung saan kami nagsimula, parang nanlalambot na yung tuhod ko.

Tumingin ako kay Coleen at nakita ring hirap na hirap na siya.

"HAHAHAHA tangina, anong mukha 'yan?" pagtawa ko na lalong ikinabagal ko sa pagtakbo.

"Gago. Ang hirap kaya," hingal na hingal na sambit niya.

May nakita akong bench at umupo muna doon. Hinayaan ko si Coleen magjogging magisa.

"Nangiiwan amputa," sambit niya at umupo din sa tabi ko. Inabutan niya ako ng tubig na tinanggap ko naman.

"Sanay ka naman na iniiwan," paghugot ko. Tumingin siya sa akin ng nakakadiri. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

Kinapa ko ang leggings na suot ko kung nandoon ba yung phone ko pero narealize ko na wala nga pala itong bulsa.

"Phone ko, neng?" tanong ko kay Coleen na kumakain ng binaon niyang vegetable salad.

"Nasa kotse ata," sagot niya habang nanguya. Kinuha ko na lang ang towel sa maliit na bag ni Coleen na ang lawak ng space kahit ang liit. Pinunasan ko ang pawis ko sa leeg.

"May nabasa ako about kay Max," pagoopen ni Coleen ng topic.

"Ano 'yon?" interesado akong bumaling sa kaniya. Syempre, crush ko 'yon e.

"Favorite niya itong kinakain ko," sambit niya. May tiwala naman ako diyan kay Coleen. Mas magaling pa 'yan magstalk kaysa sa akin.

"Talaga?" napaisip ako. May naalala ako tungkol sa vegetable salad. "Favorite din 'yan ni Lee, e."

"Exactly," tinutok pa niya ang kutsara sa akin. "Hindi mo naman magugustuhan si Maxuelle kung wala siyang katulad kay Lee," pangaasar niya sabay tawa ng malakas.

"Alam mo, tangina mo." inis na sambit ko. Si Maxuelle ang main topic namin dito tapos sisingit niya si Lee.

Ay, ako pala ang nagbanggit sa kaniya.

"Parang may masama nga akong pakiramdam diyan kay Maxuelle na 'yan. Feeling ko iba intensyon sa iyo," bitter na sambit niya habang ngumunguya.

"Feeling mo lang 'yon. Alam mo, dapat sinusupport mo na lang ako," inis na sabi ko. Ganyan siya kasi Lee pa rin daw malakas. Duh. Past is past.

"Bahala ka. Basta iyon pakiramdam ko," pagpupumilit niya.

"Maiba tayo. Nabalitaan ko na lumipat ka daw sa isang apartment. Anong trip mo?" tanong ko. Bigla bigla na lang lilipat. Paano kung hindi pala safe doon?

"Ah, iyon ba?" kumamot siya sa kilay niya. "Ayoko na sa bahay, e. Sobra na pagkokontrol nila Mama." pag-amin niya. Naawa naman ako sa kaniya kasi totoo naman. Gusto ni Tita, nakokontrol niya lahat.

"Mag-ingat ka sa bagong linipatan mo. Balita ko din, madaming tambay doon na pasaway." pagpapaalala ko.

"Ang dami mo namang nasasagap. Sino ba nagbabalita sa iyo?" tanong niya.

"Dia. Nakita daw niya kotse mo sa isang apartment nung naglalakad siya pauwi."

"Ha?" Bingi talaga 'to, oh.

"Uulitin ko p-"

"Paanong pauwi. Ang layo ng school ni Dia doon sa apartment ko pati yung bahay nila." takang tanong niya sa akin.

"Oo nga, 'no? Bakit hindi ko naisip 'yon agad?"

"Baka naman may jowa," dagdag ko.

"Edi siya na." bitter na sambit ni Coleen.

Ayan na naman siya. Wala kasing lumalandi sa kaniya dahil napakabastos niyang kausap.

"Excuse me?" pagsasalita ng nasa gilid ko. Napatingin naman ako sa kaniya at napakunot ang noo. "Bakit?"

"Uh, may phone ba kayo? Pwede makihiram? Sorry sa istorbo." nahihiyang sambit ng isang babae.

"Anong gagawin mo?" pagsasalita ni Coleen.

"Patawag lang ho." sagot ng babae.

"Ay, wala akong pantawag. Si Mimi ata meron."

"Gaga. Nasa kotse mo phone ko, hindi ba?" pagtataray ko.

"Uh.. Ganon ba." pagsasalita ng babae.

"Here." pag-abot ng phone ni Coleen sa babae. Nagulat naman ako nang makitang akin 'yon.

"Sabi mo nasa kotse?!"

"Gusto ko lang makachikahan ka." sambit ni Coleen.

Inabot muna sa akin nung babae para matype ko ang password at pinatawag na siya.

"Hello po, manong... Opo, nasiraan po ako tapos nalowbat phone ko, e... Sige po... Huwag niyo na lang po sabihin kay Kuya.. Sige po, salamat." rinig kong sabi niya. Pati nga si Coleen, nakikinig e.

Inabot na niya sa akin yung phone ko at ngumiti sa akin. "Ay, tapos na?"

"Opo. Maraming salamat."

Tinanguan ko siya. Akala ko ay aalis na siya pero nandito parin siya sa gilid ko.

"Bakit?" pagtatanong ko.

"Ano pong pangalan niyo? Para kapag po nagkita ulit tayo, babawi po ako sa iyo." sambit niya.

"Hindi na kailangan, ano ba. Ako si Mimi at ito, si Coco." pagturo ko kay Coleen. "Parang friends narin tayo. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Lavienth po." sagot niya.

"Lavienth lang? Wala kang surname?" barumbadong tanong ni Coleen kaya hinampas ko siya.

"Nagtatanong lang, e." bulong niya.

Tumawa naman ng mahina yung babae. "Meron po. Lavienth Romero." sagot niya.

"Romero?!"

---

Sorry. Busy sa online class.

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon