PT 12

28 3 0
                                    


"Sana all liligawan." pagsasalita ni Pamela. Kwinento ko kasi sa kaniya at kay Coleen. Maski ako ay hindi makapaniwala. Sabi na nga ba at crush din ako non, e.

"Wow, Mimi! Blooming ka ngayon, ah? Bagong dilig po?" pangaasar ni Coco. Gago nito, napakabastos.

"Ulol. Virgin pa ako." sambit ko.

"Pero feel ko talaga, hindi ka sineseryoso ng Maxuelle na 'yan."

"Napakabitter mo! Kinikilig nga ako sa kanila, e." pagsasalita ni Pam. Tama ka diyan, Pamela.

"Palibhasa sayo walang nanliligaw." pangaasar ko.

"Duh. Marami kaya." saad ni Coco at umirap.

"Ang tagal naman nung Tres Marias." inip na sabi ni Pam. "Magsisimula na yung trabaho mo, e."

"Ayos lang naman sa akin kahit late sila makarating." saad ko.

"Mimi, magsisimula na! Nandito na si Tristan!" tawag sa akin ng isang staff. Tumango na lang ako sa kaniya.

"Paano ba 'yan pre, maririnig niyo ulit mala-anghel kong boses." mayabang kong saad.

"Bayabas." sambit ni Coleen at binato ako ng fries sa mukha.

"Baboy mo." saway ni Pam sa kaniya.

Pinunasan ko ang mukha ko at naglakad na papuntang mini stage kasabay si Tristan. Habang nag-aayos siya ng gitara niya ay pasulyap sulyap siya sa pwesto nila Coco.

"Mamaya pa dadating si Jen." pangaasar ko.

"Tinanong ko ba?"

"Halatang halata ka, besfren." saad ko at tumawa.

Nag-iba ang ilaw dito sa loob ng coffee shop kasunod ang pagtugtog ni Tristan.

Shallow by Lady Gaga

Tell me somethin', girl
Are you happy in this modern world?
Or do you need more?
Is there somethin' else you're searchin'  for?
I'm fallin'
In all the good times, i find myself longin' for change
And in the bad times I fear myself

Pagsisimula ni Tristan. Gulat pa ako hanggang ngayon dahil hindi ako nainform na magsisimula na agad at eto ang kakantahin. Ang taas kaya nito.

Kumanta na ako sa parte ko. Muntik pa ako matawa nang makita si Coco at Pam na nagpapatawa. Mga inutil.

Sanay na rin ako sa mga ganito kaya hindi ako nahihiya sa maraming tao. Sumasali ako sa mga singing contest noon. Minsan panalo, minsan bokya.

I'm off the deep end, watch as I dive in
I'll never meet the ground
Crash through the surface, where they can't hurt us
We're far from the shallo-

Naputol ang pagkanta ko nang mahagip ng mata ko si Maxuelle sa labas ng coffee shop kasabay ng pagpatay ng ilaw dito sa loob.
Nagulat ang mga customer at yung iba naman ay napairit pa. Oa gago.

Kahit walang ilaw ay kitang kita ko si Maxuelle sa labas na nakikipagusap sa mga katrabaho niya dahil nakita ko doon yung manager niya. Halos idikit na niya yung sarili niya kay Maxuelle. Mabait tingin ko sa kaniya sa una pero ngayon parang ahas na.

Kulang na lang sumanib ka kay Maxuelle, bruha.

Bumukas naman ang ilaw dito sa loob kaya ang mga customer ay natuwa. Bumaba na rin kami sa mini stage dahil naputol ang pagkanta namin.

"Sorry doon sa kanina, Mimi at Tristan. Hindi na talaga 'yon mauulit." paghingi ng tawad ni Cindy.

"Ayos lang 'yon, gaga." sambit ko.

"Ha? Gaga?"

"I mean, si Lady Gaga favorite kong singer pero ayos lang naman." palusot ko. Manager nga pala namin 'to.

"Ah." tango tango niyang sambit. "Pwede na kayong umuwi. Baka pagod na rin kayo galing sa school niyo tapos ganito pa." dagdag niya.

"Ayos nga lang. Sige una na kami." walang kwentang sabi ni Tristan at umuna na maglakad.

Naiwan namang nakanganga si Cindy sa trato ni Tristan.

"Pagpasensyahan mo na 'yon. Wala kasi yung crush niya." saad ko. Tinapik ko pa ang balikat niya at naglakad na rin.

"Hindi na talaga dumating yung tatlo." reklamo ni Coco.

"Pinagusapan na natin ito, 'di ba?" sambit ko.

"Gusto ko lang naman na kumpleto tayo." saad niya at sumimangot. Binuksan ko na ang pintuan at lumabas.

"Hulog na hulog ba, pre?"

Nakarinig ako ng tawanan sa gilid ko at nakita ko sila Maxuelle. Napatingin siya sa akin at nagulat.

"Mystique!" tawag niya sa akin. Naramdaman ko namang nasa likod ko na ang mga kasama ko. Kinurot pa ako ni Pam sa tagiliran.

"Aray!" daing ko.

Napatingin ako kay Maxuelle at nahiya nang konti sa kaingayan ko.

"Bakit?"

Nakitingin sa akin lahat ng tropa niya at yung manager niya kaya naiilang ako.

"Nandiyan ka pala." nahihiyang saad niya. Kanina pa talaga ako nandito. Malabo ba mata mo? Na sa sobrang labo hirap ka na makakita ng iba.

"By the way, tawagan kita mamaya." sambit niya at kumamot sa batok niya.

"Sus." bulong ni Tristan sa tabi ko kaya liningon ko siya at pinanlakihan ng mata.

"Oh, bakit?" tanong niya. Lumingon ako kay Max at ngumiti. "Sure."

"Sige. Una na kami. Ingat ka." paalam niya. Tumango ako sa kaniya at kumaway.

Akala ko ay aalis na siya pero lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

Teka wait-

Putangina, ano?

Hinalikan ako sa pisnge?

Wotdofok.

Gulat akong tumingin sa kaniya. Nakangiti naman siyang tagumpay at ginulo ang buhok ko. Kasabay non ay naglakad na siya palayo kasama ang mga tropa niya na inaasar na siya ngayon.

Yinugyog naman ako ni Pamela na nagpabalik sa akin sa realidad. Napairit pa siya ng mahina.

"Ang swerte mo, neng." saad niya.

"Gago, may pakiss si mayor. Edi ikaw na." sambit ni Coco at tinulak ako ng mahina.

"Putangina, nananakit na kayo." saad ko habang nakangiti. Sino bang hindi kikiligin? Crush ko lang noon, manliligaw ko na ngayon. Oha.

"Tsk. Ang bobo naman niya gumanap." pagsasalita ni Tristan. Napatingin kami sa kaniya lahat.

"Ha?"

"Lumayo ka sa kaniya." sambit ni Tristan at nakapamulsang naglakad palayo.

"Anong problema non?" tanong ni Pamela.

"Same vibes talaga kami ni Tristan. Hindi porke kinilig ako sa inyo ay boto na ako kay Maxuelle." duro pa niya sa akin. "Dalawa na kaming nagsasabi." dagdag pa niya.

"Bitter niyo. Hindi lang kayo mga crinushback, e." pambabara ko.

"Ouch naman sa akin na walang jowa since birth." sambit ni Pamela at umarte pang nasasaktan.

"Hindi bagay."

Natigil ang paguusap namin nang may tumawag sa akin. Inaasahan ko na si Maxuelle 'to pero si Papa pala.

"Hello? Bakit, pa?"

"Mimi! Ang mama mo!"

---

._.

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon