"Weh? Na-meet mo kapatid ni Maxuelle?"Tumango na lang ako habang nakatingin sa laptop ko. Sinearch ko talaga kung sino si Lavienth Romero. Nung una ay puro private ang lumalabas pero dahil magaling ako, nabuksan ko pa rin sila.
"Natulungan mo siya, 'di ba?" pagtatanong ni Pamela.
Nandito kami sa bahay nila Coco at kumpleto kami. Napag-usapan naman namin na dito na matulog. Wala kasi yung mga magulang niya kaya bumalik muna si Coleen dito.
Tumango ako sa kaniya. Wala talaga akong masabi man lang tungkol kay Lavienth. Hindi binanggit sa akin ni Maxuelle itong batang 'to, e.
Kailangan updated ka, ghorl?
"Edi sabihin mo doon sa Lavienth, icrushback ka ng kuya niya." walang kwentang sagot ni Pamela.
"Boba. Kulang ka lang sa tulog." pagtataray ni Jen. Ngumuso naman si Pam.
Napatingin naman ako kay Dia dahil kanina pa siya tahimik at nakatulala. Napatingin siya sa akin nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Nginitian ko siya at bumalik na sa pagkakatingin sa laptop.
"Kamusta naman sa bagong linipatan mo, Coco?" pagtatanong ni Chin habang lumalamon.
"Ayos nung una pero naiirita ako sa mga lalaking tumatambay sa tabi ng bahay ko. Ang iingay nila." stress na sabi ni Coleen. Napatawa naman ako.
"Pwede ka namang mag-condo." suggest ni Jen.
"Ayoko. Dagdag gastusin." pagtanggi ni Coco.
Natigil ang pag-uusap namin nang parang may kumalabog sa labas. Sunod sunod ito na parang binabato ang bubong ng bahay nila Coco.
"Teka, ako na ang titingin." sambit ko at tumayo.
"Sasama ako." pagsasalita ni Dia na kinagulat ko. Dahil straight siyang nagtagalog.
Napatakbo ako papuntang pinto nang may kumalabog ulit. Nasa likod ko naman si Dia at naramdaman kong sumilip siya sa bintana.
"Anong meron?" pagtatanong ko nang makitang nanlaki ang mata niya.
Napatingin lang siya sa akin at hindi sinabi. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang mga naka-motor na humarurot na palayo.
Napako ang tingin ko sa isang lalaki na duguan. Walang buhay.
"Ano bang nangyaya-"
Huli na bago ko balaan si Coco. Napako rin ang tingin niya sa patay na puro tama ng baril. Maya maya ay nanginginig na siya at may tumulo na luha sa mata niya.
"Coco, shh." Pinunasan ko ang luha niya at hinila siya papasok sa bahay.
"Ayoko pumasok, Mimi. N-natatakot ako." sambit niya habang nanginginig. "Ayoko sa d-dilim."
Pinabuksan ko lahat ng ilaw kay Pamela. Pinainom ko siya ng tubig para kumalma ng konti. Bakit kasi lumabas siya agad?
Nagkumpulan kaming lahat sa sala habang hinihintay dumating ang mga pulis na tinawag ni Dia. Si Coco naman ay medyo kumakalma na pero mahigpit parin ang kapit sa braso ko.
Palaisipan pa sa amin kung bakit may nangyayaring ganito dito.
"Hindi safe dito sa subdivision niyo." pagsasalita ni Chin. Hindi sumagot si Coco. Tahimik lang siyang nasa tabi ko.
Siya ang pinaka matatakutin sa aming lahat.
Pati si Pam na laging maingay ay nanahimik. Siguro ay nagpoproseso pa sa utak niya ang naganap sa labas. Pinakaunang beses ko rin itong naranasan pero nagulat lang ako.
Nang dumating ang mga pulis ay hinila ko si Coco para lumabas. Pero hinawakan niya ako ng mahigpit.
"Shh. Kailangan ako sa labas. Dito ka muna kay Pamela." pagpapakalma ko. Tumango na lang siya.
Lumabas na ako at pumunta sa direksyon ni Dia na kinakausap ng mga pulis. Kinausap rin nila ako at tinanong.
Nang makuha na ang bangkay ay lumapit sa amin ulit ang isang pulis. "Sa ngayon, kami muna bahala dito sa bangkay. Iimbestigahan muna namin siya. Tawagan niyo kami kung may kahi-hinala dito sa subdivision niyo." paliwanag ng pulis. Tumango lang kaming dalawa ni Dia at pumasok na sa loob.
Nakita ko agad si Coco na natutulog sa sofa.
"Magpahinga muna tayong lahat." sambit ko. Hindi biro ang nangyari ngayon.
"JENNIEEEEEEEE!!"
"ANO?! AGA AGA SIGAW KA NG SIGAW!"
"YOU'RE SHOUTING DIN NAMAN!"
Apat na araw na ang nakalipas pagkatapos ng pangyayaring 'yon. Back to normal na naman kaming lahat.
"Ayan na naman sila." pagsasalita ni Chin habang lumalamon. "Wala namang bago."
"Asahan mong tumahimik 'yang mga 'yan." bored na sabi ni Coco.
Nandito pa rin kami sa bahay nila. Sobrang busy ata ng mga magulang nito dahil apat na araw din hindi umuwi.
Napatigil ako sa pag-nguya nang magring ang phone ko. Nang tignan ko ay number lang ito.
Tumayo ako at sinenyasan sila na sasagutin ko muna. Pumunta ako sa garden nila Coco at doon sinagot.
"Hello?" pagsasalita ko.
"Hi, Mimi."
Nagulat naman ako nang marinig ang boses ng lalake. Napatakip pa ako sa bibig ko nang mabosesan siya.
"Maxuelle?"
"Ako nga." sabay tawa niya. Holy shet, bakit ganoon? Ang pogi!
Tinatakpan ko ang bibig ko kapag kinikilig para hindi niya marinig. Halos gumulong na rin ako dito sa garden nila Coco.
Nag-usap kami halos 2hrs. Patigil tigil nga lang dahil may limit yung tawag.
"Oo nga, e. Tapos alam mo ba-"
"Mimi!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita si Chin.
"Sino kausap mo? Kanina ka pa diyan ah. Lumamig na kape mo." nakahawak pa siya sa bewang niya habang sinasabi 'yon.
Narinig ko naman na tumawa si Maxuelle.
"Sige na. Susunod na lang ako." sagot ko. Pumasok na siya sa loob na nakacross arms. Badtrip si ate mo.
"Sige na, Max. Pasok muna ako sa loob. Napagalitan na ako ni Chin." sambit ko at tumawa.
"Bakit? Bawal ba tayo magusap kahit nasa loob ka?" pahabol niya pa. Sabihin niya lang, gusto niya ako kausap. Hehe.
"100% sure, makikinig sila sa usapan natin tapos sisiraan ako sa iyo. Kilala ko na mga 'yan." sambit ko at tumawa ulit. Yun yung ginawa sa akin last time. Grabe, napakasama ng ugali nila. Paano ko kaya sila naging tropa?
Tumawa din siya. "Ganon ba? Sige, pasok ka na."
"Sige. Sa susunod ulit."
Papatayin ko na sana yung tawag pero may narinig pa akong sinasabi niya.
"Ano?"
"Sandali lang." sagot niya.
Hinintay ko muna yung sasabihin niya pero hindi siya nagsalita.
"Uy! Are you there over the pader?" pagkukulit ko.
Narinig ko pa ang tawa niya.
"Ano.."
"Ano?" inip na sambit ko. Ano ba 'to? Pabitin pa.
"Pwede manligaw?"
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...