PT 17

23 2 9
                                    


"Wow, bouquet. Kanino galing 'yan?" pagtatanong ni Jen nang makasalubong ko siya. Kinuha niya sa'kin ito at napansin niya ang letter sa loob. Kinuha niya ito at binasa.

Bigla na lang niyang hinampas sa'kin yung letter kaya nagulat ako. Nangaasar ang tingin niya sa'kin na parang may clue na siya kung sino si M.

"Kinikilig naman ako sa inyo. Sana all." sabi niya pa. Inirapan ko na lang siya at natawa rin. Ako rin naman kinilig. Sobra sobra pa nga.

Sabay na kaming naglakad pauwi. Hindi pa naman ako uuwi. Pupuntahan ko lang si Coleen sa bago niyang apartment. Sakto naman doon din ang direksyon kung saan ang bahay nila Jen at Dia.

"May chika ako sa'yo." pagoopen ko ng topic.

"Ano?"

"May transferee kami. Weird nga. Nasa kaligitnaan na tayo ng year." sambit ko.

"Sa amin din meron." boring na sabi ni Jen. Eh? Madami pala nagtransfer ngayon?

"Sino naman daw?" tanong ko. Kung kailan malapit na matapos ang school year. Tsaka magsisilipatan.

"Cyril? Hindi ako masyado nakikinig e. Pangalan lang narinig ko." Jen shrugs. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman kilala.

Nagpaalam na kami sa isa't isa nang liliko na ako. Dederetso pa kasi siya dahil doon yung bahay nila. Ako naman ay kailangan lumiko dahil medyo sa loob ang apartment ni Coco.

Tahimik lang akong naglalakad habang nakanta kanta. Nakakita pa ako ng patay na pusa sa isang tabi kaya napangiwi ako.

"MAMAAAAA!!" sigaw ng nasa likod ko. Medyo pamilyar ang boses pero hindi ako lumingon. Wala naman akong anak e.

"Ma!" napatalon ako sa gulat nang may tumabi sa akin na lalaki. Ngiting ngiti pa siya.

Teka, eto yung transferee kanina ah? Bakit siya nasunod sa akin? At bakit niya ako tinawag na Mama?

Huwag mo sabihing...

"KOKOKRUNCH?!" nanlalaki pa ang mata kong nakatingin sa kaniya. Lalo namang lumaki ang ngiti niya. Tangina siya pala 'yon?!

"Teka wait!" pag-angal ko. "Sure ka bang si Koko ka? Masasapak kita." hamon ko sa kaniya. Iniiscam ata ako nito, e.

"Ako rin ma. Masasapak kita." pagsusungit niya sa akin.

Confirmed.

"Gago hindi ako makapaniwala!" sigaw ko at yinakap siya. "Ang laki mo na!"

"Oo tapos gwapo rin." sambit niya at nagpacute. Nagacting naman ako na nasusuka kaya napatawa kami parehas.

"Si Coleen nga pala?" biglaang tanong niya.

Nangaasar na tumingin ako sa kaniya habang pinapatuloy ang paglalakad.

"What?" tanong niya.

"Ikaw ha. Hindi mo pa pala nakakalimutan ang first love mo." pang-aasar ko at tumawa ng sobrang lakas.

"Shh ka lang, ma. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan siya."

Pinalungkot ko ang mukha ko at umarte pang naiiyak.

"Nakaraang taon lang siya nawala.." pagaacting ko. Binagalan ko pa ang lakad ko para mas kapani-paniwala.

Tumingin ako sa kaniya at bakas ang gulat sa mukha niya. Natatawa ako sa reaksyon niya pero hindi ko pinahalata bagkus pinalungkot ko pa ang mukha ko.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya at mukhang maiiyak na.

"Nakagat ng langgam." bulong ko.

"Ha?"

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon