"WHAT THE FUCK, JENNIE?!""OH ANO NA NAMAN?!"
"WHAT SHIT ARE YOU DOING THERE?! MASTURBATING?! YOU'RE SO TAGAL!"
"TEKA NAMAN, DIANE! NAGTOTOOTHBRUSH PA AKO!"
"Ang ingay ng kambal," reklamo ni Chin habang kumakain ng tinapay.
"Wala namang bago. Parang mga aso't pusa parin," pagsasalita naman ni Coco.
"Kahit nga nung pinapanganak na 'yang dalawang 'yan, nagtatalo pa kung sino mauunang lalabas," napatawa pa ako sa sinabi ko. Si Pam naman ay nasamid pa sa kape niya at tumawa ng malakas. Nahawa tuloy sa tawa niya si Coco at Chin kaya natawa rin.
"Siguro kapag nagkakambal si Pam, ang pangalan ay Sam," pagsingit pa ni Coco. Medyo bet.
"Naisip ko rin 'yan," tumango tango pa si Chin at sinawsaw sa kape ang tinapay niya.
"Siguro kapag nagkakambal si Coco, ang pangalan ay Koko," pangaasar ni Pam at tumawa ng sobrang lakas. Si Coco naman ngayon ang nasamid sa kape niya at umubo ubo pa kaya napatawa na rin ako.
"Incest ang mangyayari," pangaasar lalo ni Chin kaya sinamaan nito ng tingin ni Coco. Sobra pang lumakas ang tawa dito sa kusina na sinabayan ko na rin.
"Tanginamo,"
"Tanginako," pagbabago ni Chin at ngumisi pa ng nakakaasar.
Mabait naman si Koko, mas matanda sa akin ang lalaking 'yon pero tinatawag akong Mama. Kinulang kasi sa aruga ng nanay niya.
Bigla kaming nakarinig na parang nabasag sa taas pero wala ni isang gumalaw o nagreact sa amin, nanatili lang kami sa upuan namin habang naghihintay ng susunod na ingay.
"WHAT THE FUCK, JENNIE?!
"TANGINA, AKO NA NAMAN?!"
"YES! I'M NOT THE ONE NA TANGA TANGA NAMAN?! BUY ME NEW PERFUME, YOU SHIT!"
"ANG GASLAW MO KASI KAYA NABASAG! AKO PA SINISISI MO?!"
"Putangina, nakakarindi," pagtakip ko sa tenga ko. Lagi silang nagbabangayan na halos magiba na bahay ni Coco o bahay nila.
"Paano kapag may nabasag doon na gamit mo?" rinig kong tanong ni Chin kay Coco.
"Sasampalin ko silang dalawa,"
Buti na lang at nakauwi na ang mga bisita ni Coco. Hindi ko nga naabutan si Maxuelle, eh. Hindi ko na alam kung anong ginawa niya pagkatapos niyang magwalis. Masyado akong naenjoy sa boses ni Lee.
Hindi pa ata ako nakakamove on. Pakening shiet.
Siguro kaya naging crush ko lang si Maxuelle gawa ng gusto ko lang ibaling sa iba ang sarili ko. Nandoon pa ako sa point na hinahanap hanap parin si Lee.
Wtf, pacorny na ako ng pacorny.
---
Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw. Napagusapan na naman namin na pumuntang mall pero as always, busy si Chin.
Ako talaga ang unang nag-aya. Syempre, para makita ko si Maxuelle.
Nalaman ko na working student pala siya. Salesboy siya sa mall na 'yon at matagal na siya. Dinadayo din lagi ang shop nila dahil sa kaniya.
Paano ko nalaman? Vinisit ko lang naman ang page kung nasaan ang mga fans niya. Bigtime, may fans.
Kasabay ko si Jen na bumaba sa tricycle dahil malapit lang naman ang mall sa paaralan namin. Siguro, nandito na si Dia. SBIS siya nagaaral kaya lalakarin niya lang. Ewan ko ba sa kambal na 'to, pinaghiwalay ng nanay nila para hindi magrambulan sa school.
"Sino 'yan, ha?" pagsilip ko sa ka-chat ni Dia dahil nadatnan namin siyang nakaupo sa labas ng Starbucks habang seryosong nakatingin sa cellphone niya.
Mabilis naman niya itong in-off para hindi ko makita. Naningkit ang mata ko sa kaniya nang bumaling siya sa akin.
"Uh," bakas sa mukha niya ang kaba. Tumayo ako ng maayos at tumingin kay Jen na nagtataka na sa amin ni Dia. Tinapik ko ang balikat ni Dia na parang nangaasar pa, hindi ko naman nakita, eh. Gusto ko lang mangasar.
Biglang dumating si Pam at Coco kaya nawala ang pangaasar ko kay Dia.
Narinig ko pa ang paghingang malalim ni Dia. Pangalan lang naman nasilip ko, Gilbert pala, ha.
"May bibilhin akong damit. Samahan niyo ako," pangunguna ni Coco sa paglalakad kaya sumunod na lang kami. Titingin na rin kami.
Habang naglalakad kami ay nagtitinginan sa amin ang mga tao. Sino ba naman ang hindi mapapatingin kung mga naka-uniform pa kami at iba iba pa kaming pinanggalingan na school.
Pagkakita ko palang ng pangalan ng shop nila ay kinilig na agad ako. Nandoon na crush ko, syempre. Uwian na ng mga SBIS, e.
Nang nasa tapat na kami ng shop nila ay naghalo ang kilig at kaba sa loob-loob ko. Pinagpawisan pa ako kahit aircon. Hindi ko alam gagawin ko sa loob. Magtitingin ba ako ng damit o siya titignan ko?
Kung hindi pa ako hinila ni Coco, hindi ako makakapasok sa loob, nakatulala pa ako sa harap. Nakakahiya.
"Goodmorning, ma'am," bati sa amin ng saleslady na nasa bukana ng shop. Malaki itong shop nila. Bahay na ata namin 'to, e.
Itong mga kasama ko naman ay pachill-chill lang. Nakataas pa ang noo pagkapasok na parang mga richkid. Si Coco lang naman ang bibili.
Parang ang bilis ng mata ko dahil kahit nasa dulo si Maxuelle ay nakita ko parin siya. Nagdiwang naman ang mga malalandi kong cells pero parang tumigil nang makita ko na may kausap siyang babae.
Yun yung babae nung nakaraan, ah?
Naningkit ang mata ko at sinuri ang babae. Base sa uniform niya na kakaiba sa ibang staff, manager ata siya.
Dalaga pa ito tignan. Siguro, 20+?
Atras, Mimi. Wala tayong laban diyan.
Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Pam papunta sa direksyon nila Maxuelle kaya todo pumiglas ako. Kinabahan ako lalo.
"Uy, teka! Saan tayo pupunta?!"
"Pipili ng damit. May bagay daw kasi sa iyo doon sa dulo," simpleng sagot ni Pam habang hinihila parin ako. Ako naman ay binabawi ang kamay ko pero nagmamatigas talaga si Pam.
"Bagay sa akin yung nasa dulo?" tanong ko. Nang alam kong hindi na ako makakawala sa hawak niya, nagpahila na lang ako sa kaniya.
"Boba," lumingon si Pam at inirapan ako habang tumatawa. Hindi ko naman kasi masyado narinig yung sinabi niya.
Nandoon na silang lahat sa dulo malapit sa gawi ni Maxuelle. Ang mga loka loka ay seryosong namimili ng damit kahit hindi naman bibili.
"Bagay sa'yo ito, Mimi!" pagiingay ni Coco. Inabot niya sa akin ang dress na pink. Kulay pa lang ay nairita na ako kaya binalik ko sa kaniya.
Tanginang kulay 'yan.
"Miss," tawag sa akin ng nasa likuran ko at kinalabit pa ako.
Lumingon ako at nanlaki ang mata nang makita si Maxuelle.
"Picture daw tayo,"
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
Ngẫu nhiênMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...