"Aray, gago! Dahan dahan naman!" sigaw ko nang idiin ni Coco yung bulak sa pasa ko."Sorry naman. Ang likot mo, e." sambit niya at dinampi dampi ulit yung bulak.
Nandito kasi kami ngayon sa playground. Dito kami muna tumambay dahil may mga upuan. Mahangin din at hindi medyo mainit dito gawa ng mga puno kaya presko.
"Aray! Pucha!" daing ko ulit nang idiniin niya ulit. Inirapan niya ako. "Ang ingay mo,"
"Boba! Pasa 'yan hindi sugat. Bakit mo pinapahidan ng bulak?!" sigaw ko ulit sa pagmumukha niya. Napangiwi naman siya at tinakpan pa kunwari ang tenga niya.
"Pinagtitinginan na tayo. Manahimik ka nga muna," lumingon naman ako sa paligid at nakatingin nga sa akin yung mga nanay ng mga batang naglalaro, yung iba naman ay yaya nila. Nahiya naman ako ng slight.
"Bakit ka ba pinalo ulit? Laki laki mo na, pinapalo ka pa," pagrarant niya. Sumandal na din siya at parehas kami nakatingin sa isang puno. "Ewan ko ba,"
"Pwede makasuhan si Tita niyan," dagdag pa niya. Kahit naman anong ihambalos niya sa akin, hindi ko naman hahayaan na makulong 'yon. Lahat naman may rason.
"Alam ko nasa isip mo," pagiingay na naman ni Coco. Kilalang kilala niya talaga ako.
"Ulol. Tara pumasok na tayo," pagiiba ko ng usapan at tumayo na. Binaba ko ang long sleeve ko para hindi makita ang mga pasa. Matataranta iba kong kaibigan kapag nakita nila 'to. Si Coco pa nga lang parang magwawala na.
"Ms. Trinidad," rinig kong tawag ng teacher sa akin. Napatigil naman ako sa pag-iisip at napatingin sa kaniya. Napalingon din ako sa paligid at pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko.
"Yes, sir?"
"Warning. Hindi ka nakikinig," pagsusungit niya. Narinig ko naman na nagtawanan pa yung mga babae na nasa likod na puro paganda naman. Lumingon ako at inirapan sila.
Chaka niyo.
Nang matapos ang klase, palabas na sana ako ng pintuan nang may bumangga sa akin sa likod. Napalingon ako agad at nakita yung mga chakang babae.
"Oh, sorry," sabi ng isa at nagtawanan silang tatlo. Ako na naman ang nakita nila para pagtripan. Akala ba nila hindi ko sila papalagan?
"Aray naman, may bumangga sa akin na hayop," pagkasabi ko non ay nagsitigil sila tumawa. Tumaas naman ang kilay ng isa. Hindi mo ako matatakot sa ganiyan mo.
Medyo matangkad sila sa akin kaya tiningala ko pa sila ng konti. "Anong sabi mo?" maangas na tanong ng isa pa.
Boring akong tumingin sa kaniya. "Wala, wonder pets," rinig kong may tumawa sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Jen.
"Inggit lang ang mga 'yan dahil nakita nila yung tweet ni Max," sambit niya at tumabi sa akin.
"Mainggit pa kayo lalo," pangasar ko at hinila na si Jen. Matapang ako pero ayoko naman ng gulo, ano. Magsasayang lang kami ng oras.
"Excited na ako, uy!" sigaw niya at parang bata na nagtatalon. Napangiti ako nang maalala ulit.
"Ako din," sagot ko at binilisan ang paglalakad.
Pagkadating namin sa pupuntahan namin, nandoon na lahat ng kaibigan ko. Sinalubong naman nila ako agad.
"Ang tagal mo naman!" pagiingay ni Pamela.
"Medyo traffic kasi," si Jen na ang sumagot.
"Ano pang hinihintay mo, Mimi? Change outfit na," sambit ni Coco.
"Ha? Ayos naman na 'to, ah?" tumingin ako sa uniform ko at inayos ang konting gusot. "Ayos na,"
Napa-facepalm naman silang lahat. Tinulak tulak nila ako sa gilid na walang masyadong tao at may harang pa.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...