PT 15

18 2 0
                                    


"Ayos ka lang?"

Nagulat ako sa nangyari. Feel ko na yung pagbagsak ko pero buti naman may sumalo sa akin. Kanina pa ako nakatitig sa mukha niya. At ang masasabi ko lang ay ang gwapo.

"Hey? Ayos ka lang?" pag-ulit niya. Doon ako natauhan. Hawak pala niya ang bewang ko at ako naman ay sa batok niya.

Tinanggal ko na ang kamay ko sa batok niya at tumayo ng deretso. Nakakahiya. Ang daming nakatingin. Siguro ang panget ng reaksyon ko.

"Lucas nandi-"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Maxuelle?" gulat na tanong ko.

Napatingin siya sa amin ng lalake. Bumaba ang tingin niya sa kamay ng lalake na nasa bewang ko pa. Hindi ko naramdaman na nandoon pa pala 'yon kaya inalis ko ang kamay niya.

"Oh, sorry." paghingi niya ng tawad. Tinanguan ko na lang siya at binigyan ng ngiti.

"Salamat pala." nahihiya kong saad. Kung hindi ako sinalo nito, siguro basag 'tong ulo ko. Sino ba kasi tumulak sa akin?!

"No prob." aniya. Binigyan niya ako ng ngiti at umalis na sa harap ko. Inakbayan niya si Maxuelle na nakatayo lang doon at nakatingin parin sa akin.

Tumalikod na ako sa kanila. Sila pala yung maingay na nakapila sa likod. Siguro nandiyan na naman yung manager nila. Nakakainis.

"Ano pre? Ayos ka lang?" tanong ni Tristan. Tumango ako. "Hindi naman naalog utak mo?" pang-aasar niya. Bigla na lang gumalaw ang kamay ko at nabatukan siya ng malakas.

"Aray ko naman, bespren?!"

"Ang kulit mo kasi." asar na sagot ko.

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinalkal ko ang bag at tinignan ko sino ang nagtext.

From: Max

Are you okay?

Rineplyan ko siya na ayos lang ako. Hanggang sa magtuloy tuloy na ang pagtetext namin. Ayos na rin 'to dahil hindi ako nainip sa buong paghihintay ko sa pila.

"Hoy tama na 'yan! Tara na!" sigaw ni Pam sa akin. Kami na pala ang kasunod. Hindi ko namalayan.

Tinabi ko na ang phone ko at sumunod sa kanila.

"Tatlo tatlo lang po." sambit ng isang staff sa amin.

Eh? Pito kaya kami. Sinong maiiwan?

Bago pa ako makasakay ay nakasakay na silang anim. Kaya ako ang naiwan.

"Sorry Mimi! Sa susunod, si Tristan naman iiwan natin!" sigaw ni Chin.

"Bakit ako?!" angal ni Tristan.

Tangina edi ako lang mag-isa sa parang bangka na 'to?

"Yung susunod na lang po ma'am ang kasama niyo." pagkausap sa akin ng staff.

"Ako na bahala sa kaniya." pagsasalita nang nasa likuran ko. Nauna na siyang naglakad sa akin at sumakay. Linahad niya ang kamay niya sa akin para makasakay din ako.

Eto yung lalaking sumalo sa akin. Narinig ko na tinawag siya ni Maxuelle na Lucas. Siguro katrabaho rin ito ni Max.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at sumakay. Huwag nang choosy, Mimi. Mas ayos na 'to na may kasama ka.

"Isa pa po." pagsasalita ng staff.

"Ako na."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Maxuelle na naglalakad palapit. Sumakay siya at sa likod ko siya nakapwesto.

Bale nasa harap ko si Lucas at nasa likuran ko si Maxuelle. Napapagitnaan nila ako.

Umandar na ang sinasakyan namin kaya lalong naging awkward. Bakit pa kasi sila yung kasama ko.

Napalunok ako nang makitang palapit na kami doon mataas. Kapag nakapunta kasi doon, bigla na lang siyang aandar pababa na parang roller coaster. Buti na lang may dala akong damit dahil mababasa ako rito.

"Kapit ka." sambit sa akin ni Lucas at tinuro ang hawakan sa gilid. Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita. Humawak ako doon ng mahigpit. Nakakakaba naman yung ride.

Nang pababa na yung sinasakyan namin ay napapikit ako. Naramdaman ko na may humawak sa may bandyang tiyan ko bago kami bumagsak paibaba. Hindi ko na pinansin 'yon dahil parang naiwan yung kaluluwa ko sa taas.

Nagtalsikan yung mga tubig sa amin kaya nabasa ako ng konti. Kawawa naman si Lucas na nasa unahan.

Nagtuloy tuloy ang ride na umikot. Papunta naman kami sa may pinakamataas pa. Napansin ko na nandoon pa rin ang kamay ni Maxuelle sa may bandang tiyan ko. Napalingon ako sa kaniya ngunit deretso lang siyang nakitingin sa unahan.

Umayos na ako ng upo at hindi na lang pinansin ang kamay niya. Masyado namang chansing sa akin si crush. Alam ko namang maganda ako.

Nakita ko ang sinasakyan nila Jen kaya kinawayan ko sila. Magkakasama silang tatlo nila Pamela at Tristan. Kinawayan naman nila ako pabalik. Si Pamela naman ay nangaasar ang tingin nang makita ang kamay ni Maxuelle.

Nauuna sila sa amin kaya nauna silang nakarating sa pinakamataas. Pagkababa ng sinasakyan nila ay rinig ko ang malakas na tili ni Pamela kaya napatawa ako nang malakas.

Napatawa na rin si Lucas na nasa unahan ko. Si Maxuelle naman na nasa likod ko ay tahimik lang.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Totoo bang liligawan niya ako? Tangina, ako yung naghahabol sa kaniya tapos nabaliktad?
O sinabi niya lang 'yon kasi komportable lang siya sa akin?

Biglang nagbago ang mood ko. Ano ba naman mga pinagiisip mo, Mimi.

"Gutom na ako." pagsasalita ni Chin habang naglalakad kami. Tahimik lang ako habang pinipiga ang dulo ng damit ko. Nabasa kasi ako sa Rio Grande kanina. Sakin natapat yung pesteng water falls.

Kanina pa nagtatawanan silang lahat. Hindi ko nga alam pinagtatawanan nila. May tinitignan sila sa bag ni Coco tapos tatawa.

"Ano ba 'yan?" pagtatanong ko. Nacucurious na talaga ako. Ayaw ba nila ako isali.

Natigil silang lahat sa pagtawa at nagsitinginan sa iba't ibang direksyon. Kita ko pa sa pagmumukha nila na pinipigilan nilang matawa. Naiinis na ako dahil hindi ko alam kung ano bang nakakatawa.

"Gutom na rin ako." pagiiba ni Tristan. Dumeretso siya sa nagtitinda ng mga burger kaya sumunod kami.

Nang bumaba kami kanina sa Jungle Log ay hindi ko na pinansin si Maxuelle. Hinanap ko agad sila Coco para hindi ako maiwan. 6pm na ngayon at maya maya ay uuwi na kami. Sila kaya nakauwi na?

"Hoy!" sigaw ni Pamela sa tenga ko kaya muntik ko na siyang masampal.

"Ano ba?!"

"Anong gusto mo? Kanina pa kita tinatanong." inip na sambit niya.

"Siya lang naman gusto ko." hugot ko.

"Kinakausap kita ng maayos, Mimi." inis na sabi niya. Natawa naman ako medyo sa mukha niya dahil napipikon na siya.

"Mimi!" sigaw ni Jen at hinampas ang braso ko.

"Aray! Ano ba?! Kanina pa kayo ah?!" irita kong sigaw. Tangina, magkakapasa ata ako sa kanila, e.

"Sino yung kausap ni Maxuelle na babae, pre? Nakita ko kanina inakbayan niya."

---

._.

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon