PT 04

35 4 0
                                    


Super happy ako ngayon! Dahil alam ko na ang facebook at twitter ni Maxuelle. Thanks to Dia, hehe.

Facebook: Ace Maxuelle Romero

Twitter: @maxromero

Salamat talaga kay Dia at Pamela. Hindi ko na nga makalimutan yung facebook at twitter niya simula nung sabihin sa'kin 'yan sa group chat namin. Para bang nakatatak na ang pangalan niya sa utak ko at mukha niya sa puxo q. jejeje

"Huy!" sigaw ng katabi ko. Nagulat naman ako kaya napamura ako. Putangina, wala naman akong katabi kanina, ah?!

"Pauwi ka na? Bakit todo ngiti ka? May nangyari bang maganda?" tanong sa'kin ng kaklase kong si Tristan. Odiba, ang bantot ng pangalan.

"Oo, pauwi na. Pati walang nangyaring maganda dahil ako na yung maganda," confident na sagot ko. Bestfriend ko lang naman 'yan si Tristan pero hindi kami yung magkakainlove-an sa isa't isa, pag magkasama nga kami, para kaming nakawala sa Zoo.

"Ang lamig na nga tapos humangin pa. Ingat, baka tangayin ka," pangaasar ni Tristan sabay takbo palayo. Yung kaninang nakangiti kong mukha ay biglang napalitan ng inis. Lakas mangbadtrip non, ah?!

"Mabangga ka sana!" sigaw ko.

"Mauna ka! Sunod ako!" sigaw niya pabalik dahil hindi pa siya nakakalayo.

"Saan?!"

"Sa hospital!"

Hahabulin ko pa sana siya para batukan pero sadyang ang laki ng hakbang niya kaya nakatakbo na siya palayo. Lagot siya sa'kin bukas.

"Ma, pupuntahan ko lang si Coco pati doon na rin ho ako matutulog," pagpapaalam ko kay Mama nang makita ko siyang nasa sala at nanonood ng fucking TV.

At oo, napagusapan naming magtotropa na sa bahay kami ni Coco matutulog-- este magpaparty. Shh.

"Edi umalis ka. Ayan nga at nakapangalis ka na, oh. Mapipigilan pa ba kita? Sige na, alis na. Panira talaga, oh." iritang sagot niya sa'kin at hindi ako tinapunan ng tingin. Dinilaan ko na lang siya habang nakatalikod pa siya sabay alis ng bahay.

Pumara ako ng tricycle dahil medyo malapit lang naman dito 'yon. Pagkasakay ko, tinignan ko agad ang cellphone ko at nakitang ang daming message at missed calls.

From: Coco

Bilisin mo, bobo. Kakasimula lang ng party.

From: Coco

Ano, neng? PaVIP? Hinihintay ka ng bebelabs mo dito.

From: Pamela

MIMIIIIII OMAYGAS ANG DAMING POGI DITO ININVITE NI COCO HEHE

Napailing na lang ako. Sunod ko naman binasa ay sa kambal at kay Chin. Halos lahat sila, hindi ba? Late na kasi talaga ako.

From: Chin

Bilisan mo. Forever mo hinihintay ka. Sabi ko natraffic ka lang HAHAHAHA

From: Dia

Hey, bitch. Try to move faster. Are you coming ba?

From: Jen

Hoy tanga bilisan mo nga istorbo ka e nakikipagharutan ako dito e kaso itext daw kita

Tangina, sino bang forever/bebelabs na 'yan? May nagcucrush ba sa'kin sa mga ininvite ni Coco? Ebarg. Sana pogi.

Bumaba na ako sa gate ng village kung saan nakatira si Coco. Kilala naman ako ng guard dahil lagi akong pumupunta dito kaya dere deretso na akong naglakad.

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon