Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng simpleng dress na kulay white tapos off shoulder. Ayoko talaga magsuot ng ganito. Napilit lang ako ni Coco.Nagtataka kayo kung bakit ako nakaganito? Tinext lang naman ako ni Maxuelle kahapon na magkita raw kami. Syempre hindi papakabog ang lola niyo kaya nagbihis kahit ayaw ko naman ng suot ko.
"Perfect!" sigaw ni Coco kaya nagulat ako. Dahan dahan pa siyang napalakpak na parang tanga.
"Manahimik ka nga." irita kong sabi. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at tinaas ng konti ang manggas ng suot ko. "Kati kati naman nito." bulong ko.
"Ay, tanga." pagiingay ulit ni Coco at lumapit sa akin. Binaba niya ang manggas kaya napasimangot ulit ako. "Off shoulder 'yan, buang! Hindi t-shirt!"
"O sige, isigaw mo pa!" sigaw ko. Galit na galit lagi. Malay ko ba.
Napatingin ako sa orasan at 6:30pm na pala. 7pm ang usapan namin ni Max.
Kinuha ko na ang sling bag ko na partner sa suot kong dress. Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin at inayos ang damit ko.
Pagkatapos non ay humarap ako kay Coco. "Gora na me."
"Sige na." sambit niya. Lumabas na ako ng pinto habang ngiting ngiti. Excited ako.
"Goodluck!" sigaw niya. Hindi ko na siya liningon at dere deretsong sumakay sa sakayan.
"Nasaan 'yon?" tanong ko sa sarili ko. Sa dami kasi ng tao rito, hindi ko alam kung nasaan si Maxuelle.
De bale, i-text ko na lang.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at handa na siyang i-text pero hindi pa ako nakakapag-type ay bigla na lang siyang tumawag.
Sinagot ko ito at linagay sa tenga ko. "Hello? Nasaan ka?"
Walang nag-response kaya tinignan ko ang screen kung may tawag ba talaga. Pagtingin ko ay meron naman kaya't binalik ko ito sa tenga ko.
"Hoy!" sigaw ko. Nagulat pa ang babaeng nasa harapan ko pero hindi ko iyon pinansin. Wala naman kasi nasagot.
"Hoy! Nasaan ka ba?!" Huwag niyang sabihin na hindi siya tuloy?
Napatakip ako sa labi ko. Hindi kaya nagbago isip niya? Nag-dress pa naman ako.
"Hala sige! Babye na! Uuwi na lang a-"
"Turn around."
Ha? Ano naman meron?
Humarap ako sa likod ko at doon ay nakita ko siyang nakatayo rin at nasa tenga ang phone. Gwapong gwapo ito sa suot niya ngayon. Para ngang kami lang ang nakatayo at lahat ng tao ay busy sa mga ginagawa nila. Parang wala akong naririnig na kung ano man kundi ang tunog lamang ng sapatos ni Maxuelle dahil palapit siya sa akin ngayon.
Napakurap ako ng maraming beses. Bakit ganito? Hindi ba crush ko lang siya?
"Hey." bungad niya sa akin pagkalapit niya. Ang phone ko ay nasa tenga ko pa kahit alam kong nakapatay na ang tawag. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Doon na ako natauhan kaya binaba ko na ang kamay ko at tumayo ng maayos.
"Oo naman." sagot ko at pilit na tumawa. Nakakahiya ka naman, Mimi. Pinapahalata mong hulog na hulog ka.
"Tara na." aya niya. Linahad niya pa ang kamay niya sa akin. Napatingin ako roon at tinitigan saglit. Nang mapagtanto kong naghihintay siya ay tinanggap ko na ito.
Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad. Hindi ako makapag-concentrate sa linalakaran ko dahil nakitingin ako sa magkahawak naming kamay. Dream come true ata 'to.
Kulang na lang ay humiga ako sa sahig nitong mall at magpagulong gulong. Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa akin kaya halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko.
Hindi ka naman teacher pero bagsak na bagsak ako sa'yo.
Hinila niya ako sa isang stall ng mga.. stuff toy?
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Mahilig ba siya sa stuff toy?
"Bibili." sagot niya. Oo nga naman. Tama tama.
Dinampot niya ang isang medyo may kalakihang bear. Kulay brown ito at ang cute. Para kanino kaya 'yan?
"Gusto mo ba nito?" tanong niya. Nagulat naman ako sa tinanong niya. Para sa akin ba?
"Cute naman pero marami pang iba riyan." sagot ko. Totoo naman, e. Basta dampot kasi siya.
Tinuro naman niya ang bear na kasing laki ng tao. Tinanong niya sa akin kung gusto ko iyon.
"Masyadong malaki. Wala naman akong mapaglalagyan niyan sa bahay." sagot ko.
Napabuntong hininga siya at naghanap ulit. Napadako ang tingin ko sa kabilang side. May nakita akong penguin na katamtaman lang ang liit. Kulay white ito na may pagka-sky blue. Kinuha ko ito at tinignan ang presyo.
Halos lumabas ang mata ko sa nakita. 1k 'to? Seryoso? E paano pa kaya yung malaki?!
Binalik ko ito sa kung saan ko siya kinuha. Sayang. Ang cute pa naman.
Tumalikod na ako para sana bumalik kung nasaan si Maxuelle kanina pero pagkatalikod ko ay naumpog ako sa matigas na bagay.
Nagtaas ako ng tingin, si Maxuelle pala. Nakitingin din siya sa penguin na dinampot ko kanina.
Huwag mo sabihing bet niya rin 'to? Sabi na parehas kami ng taste.
Bigla na lang niya ito kinuha at pumunta sa cashier. Sinundan ko naman siya roon at tumabi sa kaniya. Nakita ko pang ngiting ngiti si ate habang binabalot yung penguin. Pasulyap sulyap pa siya. Eto namang katabi ko ay walang pakialam. Napatingin sa akin ang babae at nagiba ang kurba ng labi niya. Nakangiti siya pero halatang pilit.
Gago ka ah. Suntukan tayo.
Lumabas na kami ng stall na iyon pagkatapos. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad sa hindi ko alam. Basta nagpapahila na lang ako sa kaniya.
Huminto kami sa tapat ng nagtitinda ng waffles.
"Favorite mo ba 'to?" tanong ko. Para kasing kumikinang yung mata niya pagkakita sa mga waffles.
"Yep." sagot niya at tumawa. Imbes na matawa rin ako ay nakatunganga lang ako sa mukha niya. Bakit ganon? Ang gwapo niya tumawa. Naramdaman kong naginit ang pisnge ko at pinagpawisan ako.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa akin.
"Ano ka ba, ayos lang ako." sagot ko. Hinampas ko pa siya sa braso. Oo, chansing ako.
Pumila muna kami at ako naman ay palinga linga para hindi mapansin ni Maxuelle na namumula ako. Hawak hawak pa niya kasi ang kamay ko. Para bang ayaw niya akong mawala sa life niya. Hehe.
Napako ang tingin ko sa lalaking padaan sa gawi namin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ito. Parang gusto kong tumakbo palayo pero hawak ni Maxuelle ang kamay ko.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka mapakali." tanong na naman ni Maxuelle sa akin. Malapit na siya rito kaya nataranta ako lalo. Naguguluhan naman si Maxuelle sa kinikilos ko. No choice, Mimi.
"Itago mo ko."
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...