"Itago mo ko.""Bakit? May tinataguan ka ba?" tanong niya. Ay, wala. Kaya nga magtatago, e.
Hindi ko na sinagot ang walang kwenta niyang tanong, basta ko na lang siyang hinila palayo para hindi ako makita nung lalaki. Paepal kasi. Bakit ba nandito 'yan?
Luminga linga pa ako para tignan kung nalagpasan na ba namin siya. Todo lingon pa ako sa kahit saan pero hindi ko na siya makita.
Siguro nakalayo na 'yon.
"Sino ba tinataguan mo?" tanong ni Maxuelle.
"Basta. Kapag nalaman niyang nandito ako, papagalitan ako non." sagot ko. Tapos isusumbong ako kay Mama. Wala kasing lovelife kaya pinapakialaman yung akin. Che.
Bigla na lang tumunog ang phone ko kaya binitawan ko muna ang kamay ni Maxuelle at kinuha ito sa loob ng bag ko. Pagkatingin ko sa screen ay may nag-text. Binuksan ko ito at binasa.
From: Tristan
Huli ka.
Nanlaki ang mata ko. Nakita niya ako?!
Lumingon lingon ako at nakita ko siya sa isang stall na kinatatayuan namin kanina. Nakitingin siya sa amin at madilim ang mukha.
Patay.
"Aray, gago!" daing ko nang higpitan ni Tristan ang hawak sa braso ko. Pagkakita niya kasi sa amin ni Maxuelle kanina ay kinaladkad na niya ako palabas ng mall. Hindi pa ako nakapagpaalam ng maayos kay Maxuelle.
Binitawan niya ang braso ko at humarap sa akin.
"Sabi ko sa iyo, huwag ka na magpakita sa kaniya. Ano ginawa mo?" inis na sermon niya. Napayuko na lang ako. Ewan ko kung anong kinakagalit ni Tristan kay Maxuelle. May alam daw siyang hindi ko alam. Ayaw naman sabihin.
"Nakipagkita lang naman. Tsaka wala naman siyang ginagawang masama, kakain nga lang kami kanina, e." pagpapaliwanag ko. Aaminin ko na medyo naiinis ako kay Tristan dahil sa pangingialam niya. Alam niya bang memorable na araw ito para sa akin dahil first date namin, tapos sisirain lang ni Tristan.
"Wala akong pake." sambit niya at hinila ulit ako sa braso. Nagpumiglas pa ako dahil kaya ko naman maglakad mag-isa pero hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak niya. Napadaing naman ako sa sakit.
Hinampas ko siya sa braso ng malakas gamit ang isang kamay ko. "Ang sakit!" sigaw ko sa kaniya.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa pinaggagawa naming dalawa. Hindi naman ako tatakas sa kaniya. Bakit kailangan pa ako hawakan?!
"Napakatigas ng ulo mo." sambit niya kasabay ang pagbitaw niya sa braso ko at naglakad palayo. Napabuntong hininga ako sa kaartehan ni Tristan. Alam kong nagaalala lang siya na baka saktan ako ni Maxuelle pero duh? Matino kaya si Max.
Hindi katulad niyang abnormal. Inirapan ko siya kahit nakatalikod siya. Huwag ka na sana i-crushback ni Jen.
Habang linalait ko siya patalikod ay biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag at sinagot ang tawag.
"Hello. Maganda speaking." bungad ko.
"Boba, ako kaya yung maganda." sambit niya. "By the way, parating na yung kotse nila Coco riyan. Huwag ka na mamasahe pauwi. Nabalitaan ko na nakipag-date ka kay Maxuelle." pagdadaldal niya at tumawa ng malakas.
"Sobrang saya mo naman ata, Jen?" inis na sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman-" at natawa ito ulit. "Umuwi ka na dahil galit ang Mayor. Patay kayo ni Coco."
"Pwede bang pakiusapan mo si Tristan na huwag ako pagalitan? Malakas ka naman sa kaniya, Jen, e." pagmamakaawa ko.
"Haliparot ka! Hindi gagana charms ko roon kapag galit siya." sambit niya at tumawa ulit ng napakalakas.
"Irereto ko sa iyo yung Engineering Student dito sa amin. Matangkad, moreno, sakto lang yung katawan, medyo kulot, in short pogi!"
"Parang hindi naman ako naniniwala." dudang sambit ni Jen.
"Sendan kita picture after nitong call. Reto ko sa iyo 'yon tapos ililigtas mo ako kay Tristan."
"Hmm. Sure 'yan, ah?" tanong niya.
"Sure! Ano, deal?"
"Deal." sagot niya.
Nagkwentuhan pa kami saglit at pinatay na rin ang tawag nung dumating na ang kotse nila Coco. Happy ako dahil ligtas ako kay Tristan. Si Jen pa? Napakalakas non sa kaniya, e.
Sa sobrang happy ko ay nag-picture pa ako rito sa loob ng kotse. Patingin tingin nga yung driver nila Coco sa sa akin sa salamin pero wala akong pake.
Pagkatapos ko mag-picture ay sinend ko ito kay Maxuelle lahat.
"Ganda ko talaga, shet." puri ko sa sarili ko.
"Ma'am, nandito na po tayo." sambit ni manong. Hindi ko naramdaman na huminto kami. Gandang ganda kasi ako sa sarili ko.
"Salamat po." tugon ko sa kaniya at lumabas ng kotse. Akalain mo 'yon? Ang liit lang ng bahay namin tapos ako, parang senyora na lumabas sa kotse. Shh mga kapitbahay, si Mimi lang 'to.
Ngiting ngiti pa ako habang naglalakad papunta sa pintuan. Sayang dahil wala akong pasalubong kay Mama. Paepal kasi si Tristan, e.
Pagkapasok ko ng pintuan ay bigla na lang may sumampal sa akin ng malakas na halos mamanhid ang pisnge ko.
"Saan ka galing?! Bakit ganiyan suot mo?!" sigaw ni Papa sa akin. Hindi ako makabaling sa kaniya sa sobrang gulat. Ngayon ko lang ulit nakita si Papa na galit.
Sinabi kaya ni Tristan sa kaniya?
"Namasyal lang po, papa.." sagot ko at halos paiyak na. Kawawa naman ang face ko.
"Sigurado ka bang namasyal ka lang?! Lumandi ka ba?! Iharap mo sa akin ang lalaking 'yan!" sigaw ni papa na halos mabingi ako sa sobrang lakas. Tumingin ako sa kaniya. Ang mga luha ko ay sunod-sunod na nagsidaloy paibaba.
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa pisnge kong sinampal niya. Napasulyap naman ako kay Mama sa gilid na nananahimik lang.
"Papa.." tawag ko habang humihikbi. Nangako ako sa kaniya na tatapusin ko muna pag-aaral ko bago ako magkaroon ng nobyo. Sinabi ba ni Tristan sa kanila ang tungkol kay Maxuelle?
Napaigtad ako nang itumba ni Papa ang kahoy na upuan. Sobrang lakas ng pagkakabagsak nito sa sahig kaya kahit siguro hanggang labas, rinig 'yon.
Lumabas si Papa at galit na galit. Sumunod naman sa kaniya si Mama pero bago pa siya lumagpas sa akin ay may sinabi niya.
"Mana ka talaga sa nanay mo." sambit niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Bakit kailangan niya kaming ipagkumpara? At hindi malandi ang nanay ko.
Naiyak ako sa galit. Tinakpan ko ang mukha ko at humagulgol ng malakas. Malandi ba talaga ako? Sinusuway ko ba pangako ko kay Papa? Sobra ba talaga galit ni Mama sa nanay ko kaya niya sinabi iyon?
Parang kanina ang saya-saya ko lang.
Hanggang sa pagtulog ko ay paulit-ulit sa utak ko ang tanong na 'Malandi ba ako?' kasi hindi ako maka-move on sa sinabi ni Mama.
Tumagilid ako ng higa at pumatak na naman ang luha ko. Ewan ko rin kung bakit ako umiiyak. Natatakot lang ako na baka palayasin ako ni Papa rito sa bahay. Saan na ako titira niyan?
Palihim lang akong umiyak. Yung hindi nila maririnig para hindi ako matawag ni Mama na nagdadrama na naman. Kung ano ano kasi iniisip ko, e.
Maya-maya ay bumigat ang talukap ng mga mata ko. Humikab muna ako bago tuluyang nakatulog.
Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kila Coco bukas..
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...