"Hala ka." nang-aasar na tingin sa akin ni Pamela."Saan mo nakita?" tanong ko kay Jen. Nanliligaw ka palang, Max tapos malalaman ko may inaakbayan ka na. Tindi mo.
"Malapit sa ferris wheel ata."
"Go, girl. Sugurin mo." sambit ni Pamela. Hindi ko na siya pinansin at tumakbo papuntang Ferris Wheel. Hindi ako susugod. Titignan ko lang kung sino yung babae.
Naiisip ko palang na yung manager nila 'yon ay nagagalit na agad ako. Halata namang may gusto siya kay Maxuelle. Pabebe pa siya.
Nang nasa tapat na ako ng Ferris Wheel ay hinanap ko sila. Napatingin ako sa pila at nakita ko si Maxuelle na may akbay ngang babae.
Hindi ko kita kung sino yung babae dahil nakaharang yung buhok niya. Masaya silang naguusap dahil kita ko ang ngiti ni Max hanggang dito sa kinakatayuan ko.
Napaatras ako ng konti. Ang mababaw kong mga luha ay lalandas na naman. Ang OA mo, Mimi. Huwag kang umiyak.
Sa pag-atras ko pa ay may naapakan na akong paa kaya napalingon agad ako.
"Aw." daing niya. Kita ko na nasasaktan talaga siya base sa reaksyon niya.
"Sorry, Lucas. Hindi kita nakita." paghingi ko ng tawad.
"Ayos lang." aniya at ngumiti sa akin. Ngayon ko lang napansin yung dimple niya sa kanang pisnge. Bagay sa kaniya.
"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan yung mga kaibigan mo?" tanong niya at luminga linga.
"Ah, nakain sila. May tinignan lang ako rito." nahihiyang sambit ko. Ang awkward naman makipagusap kay Lucas. Masyado siyang mabait.
"Gusto ko sana sumakay diyan kaso wala akong kasama. Free ka ba?" aya niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na palagpas sa amin sila Maxuelle at yung babae. Hindi na nakaharang ang buhok niya kaya chance ko na ito para makita kung sino siya.
Kunwari ay napatingin lang ako sa kanila at binalik ulit ang tingin ko kay Lucas.
"Uuwi na rin kasi kami maya maya, e." pagtanggi ko sa alok niya. Baka iwan ako ng mga ungas. Baka pagbaba ko ng Ferris Wheel ay ang dami na agad pulis dito at wanted na ako.
"Ganon ba.." nakita ko ang pagkadismaya sa mata ni Lucas pero nabago rin iyon agad.
"Hayaan mo. Sa susunod na lang." sambit ko. Doon naman siya napangiti ng malawak. Hindi sa pagaassume ko pero parang bet ata ako nito. "Eto number ko para magkausap pa rin tayo mamaya."
Binigay ko ang papel na may nakalagay na number ko. Nakaready na 'yan sa bag ko dahil minsan ay hinahagis ko ito sa tapat ng ibang lalaki na bet ko.
Ako na malandi, sige.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at naglakad na ako kung saan kumakain sila Tristan kanina.
Naalala ko yung mukha ng babae na kasama ni Maxuelle kanina kaya napatampal ako sa noo ko.
Si Lavienth pala.
Mga Ka Teteng
Coleen sent a photo.
Coleen: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Pamela: HAHAHAHAHAHAHA tf
Jennie: nakita ko na naman HAHAHA
Dia: wth HAHAHAHAHAHA
Coleen Torres added Tristan Jake to the group.
Tristan: Oy gago bungad BWAHAHAHAHAHAHAHA
"Ang hina ng data, punyeta." inis na sambit ko habang tinataas ang phone ko. Kung kailan sinend na sa gc kung ano yung tinatawanan nila, tsaka humina ang data. Kamalasan.
Lumitaw naman agad ang picture kaya tinignan ko ito. Napanganga ako sa picture. Binili pala nila yung picture na nasa Jungle Log kami nila Lucas at Max. Sobrang epic ng mukha doon kaya siguro pinagtatawanan nila ako. Nahiya naman ako slight dahil baka nakita nila Maxuelle at Lucas ito.
Mga Ka Teteng
Mystique: tf. kahihiyan.
Dia: Cool HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Lalo akong nahiya dahil ang ayos ayos ng mukha nilang dalawa tapos ako, mukhang nakadrugs.
"Hay. Nakakaantok." pagkausap ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway namin. Kanina pa ako hikab ng hikab dahil konting oras lang ang naitulog ko. Pinuyat ako ng mga gaga.
Pagkapasok ko sa room ay nagtaka ako nang makita silang nagkukumpulan sa desk ko. Kumunot ang noo ko at dali daling pumunta doon.
"Tabe nga!" sigaw ko. Tumabi naman silang lahat bukod sa tatlong chararat na nakaharang sa daan.
"Tabi. Uupo na ako." pagkausap ko sa tatlo. Humarap sila sa akin kaya sumakit ang mata ko sa mga ribbon nila sa ulo. Red, Green at Blue pa nga. Ano kayo? Powerpuff girls?
"Sino si M?" tanong ni Bubbles. Kulay blue kasi yung nasa ulo niya. Mas okay 'to na may nickname ako sa kanila.
"Sino nga ba si M?" tanong ko pabalik.
"Quit being tanga-tanga nga. Of course, you know who M is." sabi naman ni Blossom.
Bakit ba nila pinagpipilitan? At bakit nila tinatanong?
Padabog na binigay sa akin ni Buttercup ang isang letter at bulaklak. Tinignan ko muna ang bulaklak at sunod binasa ang letter.
'Hope you like it. : )
- M'
Kumunot ang noo ko. Ang unang pumasok sa'kin ay si Max. Kung si Max man 'to, ang sweet naman niya. Napangiti ako.
"Hey. Sino si M?" pagkukulit sa akin ng chararat girls.
"Yung kalaban niyo." boring na sambit ko at hinawi sila para makaupo ako.
"Kalaban? We have enemy ba, girls?" tanong ng isa.
"Of course, wala! We're kind kaya." sagot naman ng isa pa.
Isali ko kaya si Dia sa kanila para Quadro na. Pare parehas silang nakakabwisit kausap, e.
"So, sino nga?" tanong sa akin ng leader nila.
"Mojojo." bastos na sagot ko. Kita ko ang pagkunot ang noo niya at napalitan 'yon ng inis nang mapagtanto ang sinabi ko. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko na nanonood.
Nawala antok ko sa kanila, infairness.
Pumasok ang prof namin kaya nagsipuntahan kami sa mga upuan namin. Binagsak ni Sir ang gamit niya sa table kaya nabigla kaming lahat.
"May bago kayong kaklase." deretsong pagsasalita niya kaya nagtaka kaming lahat. Nagsimula ang bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Hindi ko sila masisisi. Nasa kalagitnaan na kami ng year tapos may transferee?
"Quiet!" saway ni Sir kaya tumahimik lahat. Sumandal ako sa kinauupuan ko at pinaglaruan ang letter na nasa kamay ko.
"Get in, Mr. Mizuhara." dinig ko pang sambit ni Sir pero hindi ko na lang sila tinapunan ng tingin.Bumalik ang antok ko kaya napahikab ako. Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Pumasok ang isang lalaking matangkad at katamtaman ang kulay ng balat. Gulo gulo rin ang buhok nito at itim na itim. Well, bagay naman.
Humarap ito sa amin. Maitsura ito at pantay ang kulay ng balat mula ulo hanggang paa. Moreno.
Pero mas gwapo pa rin si Max.
"Introduce yourself." pagsasalita ni Sir.
Napakagat sa labi ang lalaki dahil ata kinakabahan siya. Nakita ko kasing pinaglalaruan niya ang kamay niya. Pero sa huli ay nagsalita pa rin siya.
"Koko Mizuhara from CGC. Nice to meet y'all."
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...