PT 03

40 4 0
                                    

"Ano nangyari sa mata mo, neng?" pagtatanong ni Jen. Nasa iisang school lang kami nito pero magkaiba ng course. Sakto, nakita niya akong naglalakad kaya tumambay muna kami dito sa mga may upuan.

"Wala, imagination mo lang 'yan." sagot ko habang nakatulala.

"Sabihin mo sa'kin, anong problema?" pagpipilit ng bruha sa tabi ko. Ayoko na ngang pagusapan kasi haler?! Ang baboy kaya ng ginawa ko kagabi, kinain ko yung natapon na tsk ngayon ko lang nalaman na kumakain pala ako ng itinapon na lang.

Sabagay kung si Maxuelle din itatapon, hindi na ako magdadalawang isip na kainin siya.

Thumbs up sa utak ko, nagkasundo kami.

"Si Maxuelle kasi.." pagsisimula ko. Wala na ako magawa kundi ikwento lahat pero hindi ko sinama yung kay Mama.

"Hala! Ang sama naman niya! Ano?! Resbak?!" paghahamon ni Jen at mukhang ganadong ganado pang makipagaway.

"Bobo," binatukan ko siya. "Lalaki 'yon. Anong magagawa ng patpating katulad mo sa isang katulad noon?"

"Harsh mo sa part na patpatin," sinamaan niya ako ng tingin at umupo na ng pirmi.

"Magkikita kita daw mamaya sa SM Sta. Rosa, ah? G ka?" pagiiba ko ng topic.

"G." pagpayag agad ni Jen. Napangiti ako dahil makukumpleto kami mamaya.

---

"Ma, may pupuntahan lang po ako," kinuha ko ang shoulder bag ko at sinukbit sa balikat ko. Umuwi muna kami para magpalit dahil ang kati ng uniform, hindi ako kumportable.

"Edi umalis ka. Wag ka nang bumalik," barumbadong sagot niya. Konti na lang talaga, ibabalibag ko na sa kaniya 'tong buong bahay.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumakad na para sumakay.

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'to at nakitang nakatanggap ako ng message galing kay Pam.

From: Pamela

Hoy bobo, bilisan mo. Nandito na si Chin.

Nandoon na si Chin, yes! Kumpleto kami!

Sumakay na ako sa isang jeep at mabilis na din naman akong nakarating sa SM. Tinext niya sa'kin na nasa tapat sila ng DQ.

Pagkarating ko doon ay may kaharap silang limang babae. Ano 'to? New circle of friends?

"Anong meron?" takang tanong ko sa kanila at pumagitna.

"Oh, nandito na pala ikaw boss e. Eto oh, naghahanap ng gulo," pangunguna ni Coco. Anong boss? Tanginang 'to.

"Hinahanap leader namin, boss. Harapin mo na," pagsasakay naman ni Pam. Nag-agree naman halos lahat. Pati na rin si Chin. Puta.

Humarap ako sa mga babae at tinignan sila mula ulo hanggang paa. Wow, halatang mayaman. Pero mas maganda pa rin kami.

"Oh, hawakan mo," hinagis ko kay Dia na nasa tabi ko ang bag ko.

"Ouch, ha." pagaarte niya pa. Naramdaman kong may humihilot sa balikat ko na parang makikipagsuntukan ako dito. Tangina, ano 'tong pinasok nila at nadamay pa ako.

"Sino ba diyan nang masample-an," maangas na sambit ko at pinapatunog pa ang daliri ko. Pero wala naman akong balak makipagrambulan.

"Tama na 'yan. Pinapatulan pa." dinig kong saway ni Chin. Ebarg, iba talaga pag ate na.

"Tss. So cheap. Let's go, girls. I don't want to waste my time here." ani ng nasa gitnang babae at tumalikod.

"Ano?! Cheap?!" sigaw ni Chin at pasugod na sana nang hinarang namin siya at inawat.

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon