1.
DELA GENTE
"Paano kung malaman niyang nagpapanggap akong ikaw?" I asked him.
"Magkamukhang magkamukha tayo. Magkaparehas din tayo ng kutis at halos magsingtangkad pa."
"Iyon na nga! Halos magsing-tangkad lang, pero hindi saktong magkasing-tangkad!" I shrieked. "Tsaka tignan mo naman ang katawan natin! Maskulado ka ng konti kesa sa'kin. And duh, my hair's long. Antagal kong pinaghirapan pahabain 'to. Don't make me cut it."
"Hindi naman mahahalata kaagad noon ang tangkad mo. And as for your hair, I bought you a wig." Kinuha nito ang isang paper bag at inilabas doon ang wig na katulad na katulad mismo ng itsura ng buhok niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "I told you, my hair's long."
"Kaya yan," pilit niya.
"What about my body, Arlszent? Hindi kaya magtaka yung lalaking 'yon na ang driver niya ay may umbok sa unahan?" Gosh! Arlszent has no idea how hard is this thing we're doing. We're of the fucking different gender!
"Hindi iyon magtataka. Wala ka namang umbok. You're flat-chested," natatawa nitong pahayag kaya naman sinuntok ko ito ng mahina sa dibdib.
"Malaki sayo ang mga t-shirt ko kaya hindi niyon mahahapit ang katawan mo. Magpantalon ka rin. And always wear my jacket, para tago ang mga braso mo, tutal ay tag-ulan naman."
"Hanggang kailan ko ba kailangan pakisamahan ang lalaking 'yon?" I asked.
"Until I recover from this shit." Tinuro niya ang sarili na nakaupo sa wheelchair at bali ang isang braso at ang leeg. May bandage din ito sa kaliwang binti.
"Ano ba kasi talagang nangyari sa'yo?" tanong ko.
"Pabalik na sana ako sa mansyon niya nang masiraan ng preno 'yong sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ko ililiko kaya ibinangga ko sa puno," he explained. "Dalawang araw na akong hindi nabalik doon, sabi ko lang ay bumisita lang kamo ako sa kamag-anak dahil may emergency."
"You know that you could've just said that you got hurt from your accident and you need to heal. Kaya mawawala ka muna ng ilang linggo."
"And if I'll be gone for weeks, I might miss out things. Hindi pwedeng may mapalagpas tayo kahit isang katiting na impormasyon man lang kaya habang wala ako ay ikaw ang magbabantay sa kilos niya. We can't fail on this one."
Huminga naman ako ng malalim bago marahang tumango, "Alright. For Kuya Aeign."
He gave me time to dress up and to wear the stupid wig. After that, I immediately went near him to listen to the important informations that I need to know.
Isinalaysay na sa akin ni Arlszent lahat ng mga impormasyong alam niya at kung paano dapat ang magiging galawan ko doon. Ipinakita niya rin ang mga mukha ng taong nakakasalamuha niya para may ideya ako pagkasimula ko bukas.
"Who's this?" itinuro ko ang larawan ng isang babae.
"Satina Aleezah Gorostiza, his sister," he answered. "Be nice to her when you see her."
"Kasama ba 'yan sa mga dapat ko ring bantayan ang kilos?" tanong ko.
"She doesn't know anything about the issue and the closed case. Hindi siya damay d'yan."
BINABASA MO ANG
Splendiferous (Legazpi #1)
RomanceLEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids us to be together, and even if you choose to take the path going away from me... you'll still have me." Arlszent Dela Gente asks his twin s...