27.
CHIVAS - March 31, 2019 (The night of the year-end shindig)
"B, I'm sorry, I have to go. May importanteng lakad si papa, walang maiiwan sa bahay dahil day-off lahat ng tauhan namin," paalam sa akin ni Aeign. "Do you want me to take you home?"
"No, no. It's okay, b," I smiled. "You can go. I'm good here."
"Are you sure? Kaya mo ga umuwi? Ipapahatid na laang kita," paninigurado nito bago tinawag mula sa hindi kalayuan sila X. "Hoy, X! Kayo kayo na ang magbantay kay Rina!"
"'Ge, pre. Ihahatid ko na lang siya pauwi," sagot dito ni X.
"You go now, b. Okay na ako dine," I assured him. "I love you."
He sighed before planting a quick smack on my lips. "I love you too."
"Selos si X!" pang-aasar ni Rave na siya namang ikinatawa naming lahat habang si X naman ay inikutan lang ng mata si Rave.
Hindi ko man nagustuhan pabalik si X ay nakabuo naman kami ng maganda at masayang pagkakaibigan. Hindi rin naman daw kasi malalim pa ang naramdaman nito sa akin noon kaya wala naman daw problema sa kanya kung ang kaibigan niyang si Aeign ang nagustuhan ko.
My relationship with Aeign doesn't actually bother X, talagang hilig na nila Rave, Bronze, at Lix na asarin ito at ipamukha sa kanya na natanggihan siya sa unang pagkakataon. Na na-friendzone siya ng kung sino pang nagustuhan niya. Kahit nga si Aeign ay nang-aasar din kay X dahil siya daw itong walang ginagawang diskarte sa akin pero nagkagusto daw ako.
Ewan ko ga naman sa limang magkakaibigang 'yon. Ang lalakas ng saltik at kung mayaman na sila pagdating sa pera, mas mayaman sila sa kayabangan.
Nang makaalis na si Aeign ay hinayaan na muna ako nila X na makisaya sa iba kong mga kaibigan. Malaki itong bahay ni X at talaga namang nagkasya dito ang halos lahat ng mga kabatchmate namin.
X told me to just see him and the other guys at the poolside if I already want to go home. I glanced at my wristwatch and saw that it's still early. Mag-8:30PM pa lang, ang bilin lang naman sa akin nila mommy ay umuwi ako ng hindi lalagpas 10PM.
"I really can't believe it! College na tayo this August! Nakakaexcite na nakakatakot!" saad ni Jaemi nang makarating ako sa terrace na medyo malayo sa poolside.
"Serena, saan ka ga magc-college?" Aive asked me.
"Yellow school na ako," I proudly stated. "Same kaming lahat nila Aeign na Manila!"
"Grabe ang solid ng friendship niyo ng tropa ni Aeign. Lakad mo naman ako sa isa sa kanila!" kinikilig na request sa akin ni Yanny.
I let out a giggle. Hindi ito ang unang beses na may lumapit sa akin para magpalakad sa mga kaibigan ni Aeign. Hindi ko naman sila binibigo at talagang ikinukwento ko sila kila X, ngunit kaunti lang sa mga iyon ang pinatulan nila at hindi pa seryoso. Purong laro lamang.
"Sino ga doon ang gusto mo?" tanong ko kay Yanny.
"Si Bronze! Ang gwapo ga! Sobra!" punong puno ng paghangang pahayag ni Yanny.
"Hala, teh? Mas gwapo si X," depensa ni Eliza na kararating lamang sa kinaroroonan namin.
"Ang entertaining naman kasi ni X, parang si Aeign at Rave. Gusto ko 'yong tulad ni Bronze na bad boy at hindi namamansin kahit kanino. Tipong, kung sino lang magustuhan niya, 'yon lang lalapitan niya. Sa piling tao lang siya nakikipagusap. Iyon bang… sa akin lang siya magiging mabait."
BINABASA MO ANG
Splendiferous (Legazpi #1)
RomanceLEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids us to be together, and even if you choose to take the path going away from me... you'll still have me." Arlszent Dela Gente asks his twin s...