14.
I'm thankful that the next days went smooth and the incident that happened last Monday didn't happen again. Noong Martes, inaamin kong kabadong kabado ako sa anumang pwedeng mangyari, pero dahil hindi na iyon naulit pa ng Miyerkules at Huwebes, gumaan na talaga ng tuluyan ang pakiramdam ko.
Nang matapos ang klase para sa araw na ito ay lumabas na ako ng Beato at dumiretso na sa car park ngunit may humabol sa akin, si Ruel. Absent ito ng Martes hanggang Huwebes dahil nasa Bulacan daw ito kaya naman ngayon ko lang muli siya nakasalamuha.
"Ano na namang kailangan mo?" presko kong tanong.
He licked his lip before answering. "Nagustuhan ba ng kapatid mo 'yong brownies na bigay ko noong Lunes?"
Yes, it's delicious. "Hindi. Tinapon niya."
He arched his brow. "That sister of yours seems to like throwing things."
"Yeah, she does. So stop giving her things," I dryly said.
"I will," matunog itong ngumisi. "She's not even worth it. Akala mo naman sinong maganda."
Napaawang ang bibig ko doon at hindi napigilang maikuyom ang kamao. Akma ko na iyong iaangat sa ere ngunit bago ko pa magawa ay may iba nang sumuntok dito dahilan upang lumupagi ito sa daan.
"Dumbass," Xerxes scowled. "You do not insult my girl, Barton."
My attention was only on Ruel so I didn't get to understand what does Xerxes mean about saying that I'm his girl.
Nag-angat ng tingin si Ruel at ngumisi habang hawak ang panga. "Your girl? Ikaw ba talaga iyan, X?" Lumingon naman ito sa akin, "Ang awa ko naman sa kapatid mo, Sierra, nagpauto sa hindi seryoso."
"Parang seryoso ka, Barton, ah?" sabat dito ni Lix sa nang-aasar na tono. Kasama ni Xerxes ang mga kaibigan nito nang dumating dito.
"Hindi ko naman pinagsasabay ang mga babae ko, hindi tulad niyang si X na kahit pangkakama ay dala-dalawa pang babae ang bitbit! Malamang sa malamang ay luwag na rin si Arleigne. Sa dami ba naman ng nakasama noong lalaki."
"Aba, tarantado pala ito," lumapit si Rave kay Ruel at inangat ito sa braso. "X, ano? Bangasan na ba? Ikaw, Zent? Anong gagawin dito? Ininsulto ang kapatid mo, oh!"
Dahil sa sinabi ni Ruel ay napansin ko ang pag-amba muli ni Xerxes ng suntok ngunit bago pa siya makalapit dito ay inunahan ko na. Tinanggal ko ang kamay ni Rave at pinagkatitigan si Ruel ng seryoso habang mariin kong hinawakan ang kwelyo niya.
"Nandidilim ang paningin ko sayo. Pasalamat ka hindi ang kapatid ko ang nakarinig ng mga sinabi mo. Dahil sinisigurado ko sayo, sa kabaong na ang diretso mo kung sakali," makatotohanan kong banggit.
He should be thankful that I'm the one who heard those words. Dahil kapag nagkataong si Arlszent talaga ay malamang binugbog na niya ito.
Nagulat na lamang ako nang kusang dumapo ang aking kamao sa kanyang ilong. Unang beses ko pa lang sumuntok sa tanang buhay ko, hindi ko inaakalang malakas pala ang nagawa ko at napadugo noon ang kaniyang ilong.
"Buti nga sa'yong tanga-tanga ka," Bronze scoffed. "Daming satsat." Bigla nitong sinipa sa tagiliran si Ruel.
Si Xerxes naman ay lumapit din dito at dinakma ang kuwelyo. "Malawak ang eskwelahang ito kaya siguraduhin mong hinding hindi ka magpapakita sa akin dahil babasagin ko talaga ang mukha mo."
Pinakawalan na nito si Ruel at nilingon niya ang mga kaibigan. "Bahala na kayo kung anong gusto n'yo gawin d'yan. Aalis na kami," saad nito at pumasok na sa loob ng sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Splendiferous (Legazpi #1)
RomanceLEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids us to be together, and even if you choose to take the path going away from me... you'll still have me." Arlszent Dela Gente asks his twin s...