Eleven

2.2K 113 87
                                    

11.

"No, I'll push the cart while you get the essentials," I spat.

"No, I'll push it," Xerxes insisted.

Kasalukuyan kaming nagtatalo kung sino ang magtutulak ng cart habang nagg-grocery. Pagpasok pa lamang sa loob ay inunahan ko siyang kuhanin ang cart ngunit inagaw naman nito sa akin iyon, sanhi ng aming pagtatalo ngayon.

"X, ako na dito," pilit ko at kinuha ang cart.

Hinila naman niya ito. "Ako."

"Ako na nga sabi!" asar kong pahayag at hinila muli ang cart.

Para lamang kaming nag-aagawan ng nag-iisang candy dahil panay ang hila namin sa cart. Natigil lamang iyon nang may magsalita mula sa likuran namin.

"Kaylalandi ninyo ah!" singhal ng isang matandang babae. She got a different accent of talking which sounds rude.

Pareho lang kaming tahimik ni Xerxes at hindi sumasagot. Samantalang iyong babae naman ay dinuro ako.

"Ikaw ineng ay mukha pa namang bata, ika'y magdesisyon ng ayos para sa buhay mo. Mag-aral ka muna't kapag ika'y nabuntis-buntis ay kaawa-awa ang iyong mga magulang!"

Nanlaki ang aking mga mata at ipagtatanggol sana ang sarili ngunit hindi ko magawang makasagot dahil gulat pa rin ako sa kanyang sinabi lalo na't malakas pa ang boses niya, napatingin tuloy iyong ibang napapadaang malapit sa amin.

Nagpatuloy ang matanda, "Kaybabata ninyo landian kayo nang landian! Pati kaming mga dapat na mamimili ay hindi makapamili dahil pahara-hara kayo diyan. Ay s'ya, tabi kayo!"

Umisod kaming dalawa ni Xerxes nang dumaan ang matanda at kinuha iyong cart na pinag-aagawan namin kanina bago kami tinalikuran at naglakad paalis.

"Mga kabataan dito sa Maynila puro libog iniintindi. Akala mo'y kaya nang tumayo sa sariling paa kapag nagkaroon ng pamilya. Ganire ga talaga dine?!" malakas na sambit nito sa iritadong tono.

Ako naman ay tulala't nakangangang tinanaw ang pigura ng matanda na ngayo'y nakalayo na sa amin. Napabalik lamang ako sa ulirat nang marinig ang mahinang pagtawa ni Xerxes.

"Typical Batangueños," he snorted.

"Batangueño siya?" maang kong tanong.

"Batangueña," pamimilosopo niya.

I rolled my eyes on him. "How did you know?"

"Doll, I've stayed in Batangas during my whole highschool. That's long enough for me to know how they talk, act, and think," paliwanag nito.

"Are Batangueños really like that?" tanong ko dito. "Rude and very loud people?"

He laughed. "They're not rude, doll. That's their natural way of speaking. And what's loud for us, is not loud for them. Kalmado pa ang lagay na ganiyan."

"Really?" I widened my eyes in curiosity. "Ganoon 'yon?"

"Ay uwo, gay'on nga," he said in a Batangueño accent before laughing.

My brows furrowed from what I just heard from him. I wonder if kuya Aeign also had that kind of accent?

Siguro kung mapupunta ako sa Batangas nang hindi ko alam na natural lang pala ang ganoong tono ng pananalita, baka inisip ko na lahat ng mga taong nakasalamuha ko doon ay galit sa akin.

"Hey, come on, let's go," Xerxes snapped, holding a new cart which I just took away.

"Ikaw na nga ang kukuha ng nga kailangan, ikaw pa rin ang magtutulak niyang cart," saad ko. "Anong silbi ko't sinama mo pa ako sa loob? Bubuntot lang?"

Splendiferous (Legazpi #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon