Thirty-six

2K 98 61
                                    

36.

["Aleezah's awake!"]

Napabalikwas kaming pareho ni Xerxes mula sa kama nang marinig ang ibinungad ni Rutherese sa tawag niya ngayong umaga.

I couldn't help but to be very happy after hearing that news. Aleezah's already awake! She's already good now tapos sabi rin ni Rutherese ay good thing na hindi siya nagkaroon ng amnesia.

Plus, I'm now relieved that Arlszent will no longer be miserable. Nakwento kasi sa akin ni Xerxes na parati daw matamlay si Zent kapag nakikita niya sa unibersidad, minsan nga ay kapag katawagan ko si Zent para kamustahin ay walang buhay ito kung sumagot. He's been like that for almost four months now!

"Princess, you want to eat something?" tanong ni tita Juliana kay Aleezah nang makarating kami. "I'll get you food at the canteen, okay?"

Ngiti lang ang isinagot dito ni Aleezah bago lumabas na si tita Juliana at humalik rin muna ito sa akin bilang pagbati. Xerxes on the other hand, walked towards Aleezah's bed and gave her a kiss on the forehead.

"How's your almost four months sleep, brat?" Xerxes asked in a teaseful tone.

"Siguro masaya," pabalang na sagot ni Aleezah.

Mahinang natawa si Xerxes bago kinuha ang isang monoblock chair na para daw sa akin kaya naman nagtungo ako roon at umupo habang siya naman ay doon sa kama nakaupo habang pinaglalaruan ang buhok ng kapatid.

"Hi Leigne," Aleezah gave me a smile and even roamed her gaze around. "Where is he?"

"He's on his way," I smiled at her. "Inabot lang raw ng traffic. Marikina pa siya, remember?"

When the news about Aleezah came to us, I immediately contacted Arlszent about it. Relief and happiness was evident on his voice when I heard what he replied and said that he'll be on his way.

I felt someone sat down beside me and when I turned to face the person, it was a lovely white-skinned girl with a brown wavy hair.. Xerxes mentioned to me that her full name is Rutherese Astrid Legazpi Gregorio.

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang pagdating dito sa mga pangalan ng mga Legazpi ay ang so-sosyal pakinggan. Nang makilala ko nga noon si Mauve at nalaman ang buo nitong pangalan ay napanganga na ako, at nang marinig ko rin ang kila Rengell ay mas namangha pa ako. All of their names are unique, and 'Saint Xerxes' is my favorite of all of them.

"Hi!" she greeted me with high spirits. "Ang ganda mo pala sa personal, may lahi ka? Ang puti mo tapos ang ganda rin nung kulay ng 'yong mata!"

Hala? Mas maputi ka pa nga sa akin, I thought.

Xerxes told me that Rutherese is a very jolly and friendly person, madali ko lang raw ito makakasundo at hindi ko na kakailanganin pang mag-isip ng topic dahil siya na mismo magsisimula ng conversation at magdidire-diretso na iyon ng hindi ko mamamalayan ang oras na sobrang tagal na pala namin nag-uusap.

"Hey," I gave her a wide smile. "Yes, may lahi ako. My mom's a Fil-Am. Tsaka maganda ka rin naman, ano ka ba?"

"Sabi niyang bebe mo, hindi ako maganda," waring nagsusumbong na banggit ni Rutherese.

"Ako na naman?" nagp-pasensyang ani Xerxes.

Natawa na lamang kami roon bago ako sinimulang kwentuhan ng kung ano-ano ni Rutherese, paminsan ay nakikisabat rin ang dalawang Gorostiza dahil ang pinag-uusapan namin ay iyong last time na nakasama ni Rutherese sila Xerxes.

She's from Vigan, sobrang bihira lang siya dumalaw rito sa Maynila pati na rin sa ibang lugar na kinaroroonan ng mga pinsan. The last time that they got complete was at the age of ten. Kaya naman pala hindi siya nababanggit nila Mauve sa akin, dahil kung makapag-usap silang lahat ay purong kamustahan lang.

Splendiferous (Legazpi #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon