i've never expected that this story would exceed ten thousand reads and i am very much thankful for the appreciation you have given this work of mine. because of this… today, 04.08.21, i decided to give this story an additional chapter.
this chapter is neither about any of the three special chapters that i mentioned in the author's note. those are for the pUbLiSheD vERs1oN kapag pinagpala someday hihu.
_________________________________________________________________________
SPLENDIFEROUS: Something Extra Splendid
algo extra espléndido
"Xarszella, please… let's get you a warm bath." Halos magmakaawa na ako sa sarili kong anak para lang mapapunta siya sa banyo. This kid is so damn stubborn!
Humagikhik si Xarszella at lalo pang inilubog ang sarili sa malaking bean bag. "Me will sleep! Me don't want bath!"
"Xarszella, your mom will bury me alive if I don't get you washed," I told her for the third time.
"Eat first! Me will eat!" She went up from the bean bag and ran towards the dining area. Naroon ang pinsan niyang si Leezein na naglalagay ng cereal sa bowl. "Move away, ate Sein!"
Kahit magt-three years old pa lang ni Xarszella at medyo malayo ang agwat sa kambal ng kapatid ko ay nagawa niya makatulak ng malakas, sanhi ng pagkahulog ni Leezein sa kinauupuan niya. Agad ko itong dinaluhan nang umiyak.
"Zein, hush down. Don't cry," pag-aalo ko sa kanya. Kadarating lang ni Leezent at nang makita ang kalagayan ng kapatid ay pinagtawanan pa, mana nga sa ama niyang masama ang ugali at nuknukan pa ng yabang. Dumating na si Satina sa dining kaya hinayaan ko na lang na siya ang magpatahan sa anak niya.
"You, little miss. Upstairs, now," I commanded Xarszella. Nilabanan pa ako nito na gusto munang kumain pero dahil alam kong hindi makakakain ng ayos si Leezein kapag narito si Xarszella ay mamaya na siya. I don't believe that Xarszella's hungry, she just ate ten minutes ago! Tamad lang siya maligo!
Pagpasok ko sa kwarto namin ay naroon siya sa higaan, nakaupo habang magkasalubong ang kilay at yakap ang teddy bear niya. Nang makita ako ay tumalikod pa. Attitude.
"Take your clothes off, paliliguan na kita," sambit ko at hindi man lang siya umibo. Napahilot ako sa aking sentido. "Your bath is full of bubbles. You love bubbles, don't you, Xarszella Addelaine?"
Ayaw pa rin niya akong pansinin kaya umupo na ako sa tabi niya. Daig pa ang bibe sa itsura ng nguso niya ngayon, parang si Satina lang noong bata pa kami. Ilang minuto na lang ay posible nang makabalik si Arleigne kaya kailangan ko gumawa ng paraan na mapasunod 'tong si Xarszella.
"Please, stop hihi... Daddy, liligo na po! Basta stop na hihi..." Halos mamilipit na si Xarszella nang mapahiga ito kakatawa sa ginawa kong biglaan na pagkiliti.
Hindi ko siya tinigilan at tinuloy ko lang ang pangingiliti at pagsundot sa tagiliran niya. Natatawa ako dahil sinusubukan niya rin akong kilitiin pero pasensya siya dahil wala naman akong kiliti sa kahit saang parte na hinahawakan niya, tuloy ay madiin niya na lang na kinurot ang braso ko kaya napatigil ako.
"What now, you little couch potato?"
"Ayaw na po… liligo na po…" Hinihingal niyang bulong at gumapang para makalapit pa sa akin at yumakap. Hinaplos ko ang buhok niya at bigla naman itong dumikit pa lalo sa akin. "Five minutes rest first, pretty please?" she whispered softly.
"My little tiger's purring now like a kitten, hmm?" I teased her. Umupo ako sa kama at hinayaan ko siyang gawing unan ang hita ko habang nagpapahinga. "After your bath, you'll go to your ate Leezein and tell her you're sorry for pushing her, alright?"
![](https://img.wattpad.com/cover/204917842-288-k937491.jpg)
BINABASA MO ANG
Splendiferous (Legazpi #1)
RomansaLEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids us to be together, and even if you choose to take the path going away from me... you'll still have me." Arlszent Dela Gente asks his twin s...