6.
Right after Xerxes drove away, I turned my back to enter Asteria. I was about to walk through the entrance when someone from the tollbooth-like lodge called me. It's kuya Gardo, the gatekeeper or porter and also one of the security guards in Asteria Residences.
"Nobyo n'yo po ba iyon, ma'am?" nangingiting tanong nito sa akin.
"Hindi ho, kuya. Nagprisinta lang ho na ihatid ako," sagot ko dito at tipid na ngumiti.
"D'yan naman po madalas magsimula ma'am. Hatid-hatid sa una, pag nagtagal, ikakasal din," saad niya.
Malakas akong natawa sa kanyang sinabi. "Jusko, kuya Gardo, tigil-tigilan niyo ako sa ganyan. Hinatid niya lang talaga ako."
"Hinatid lang talaga ma'am pero may halik," pang-aasar niya.
Agad akong pinamulahan ng pisngi sa pagkapahiya. He saw that?! I mean, syempre posibleng mapatingin siya sa amin since katapat lang ng kotse ni Xerxes kanina itong entrance… pero pwede naman niya iiwas nalang ang tingin niya!
"Tsismoso niyo talaga, kuya Gardo. Mauuna na ho ako," pagpapaalam ko dito para matakasan ang pang-aasar niya.
"Sige po, ma'am. Magandang gabi po," hinayaan na niya ako makadaan ngunit may pahabol pa rin siyang asar. "Bagay kayong dalawa, ma'am. Maitsura iyong lalaki, hindi ka lugi."
Tinawanan ko na lamang iyon at inilingan. Medyo madistansya ang nilakad ko dahil pangalawang building pa ang aking tinitirahan. After I passed by the Begonia building, I finally got to Lucerne, my building. The staffs at the desk utility greeted me when I entered. Nginitian ko lamang sila bago dumiretso sa elevator at pinindot ang button papuntang 6th floor.
As I reached my unit, I reached for my keys inside my purse to open the door. But then, I just realized that I should've knocked first before entering. "Wow," sarkastiko kong bulalas.
Naratingan ko sa aking living area sina Arlszent at Aleezah na naghahalikan. Arlszent, since he's injured and everything, he's still seated on his wheelchair. Si birthday girl naman ay nakatayo at bahagyang nakayuko para magpantay sila.
Agad siyang napahiwalay kay Arlszent nang dumating ako doon. "Siguro kung nagtagal pa ako baka bininyagan n'yo na itong living area ko." I scoffed.
"Para namang hindi niyo rin ginawa ni kuya kanina," mahinang bulong ni Aleezah pero narinig ko naman. At dahil magkatabi sila ni Arlszent ay malamang narinig niya rin iyon.
Akala ko ba hindi niya sasabihin?!
"Nakipaghalikan ka kay X?!" singhal ni Zent sa akin.
"Hoy! Hindi! Nilayasan ko nga kanina doon sa stockroom," depensa ko.
I didn't want to tell the truth to Arlszent because he'll just be mad at me, lalo na't kay Xerxes ko pa ginawa iyon. Kay Xerxes na babaero. Kay Xerxes na target naming mapakulong.
Arlszent was about to talk again but then I cut him off. "Magsh-shower lang ako ng mabilis para makabalik na agad sa mansyon." Nilingon ko si Aleezah. "Alas-dose na. Mapapagalitan ka ng kapatid mo kapag lagpas ala-una, diba?"
Hindi ko na sila inantay pang makasagot at dumiretso na ako sa banyo ng aking kwarto. I was about to get in the shower when my phone beeped. I rolled my eyes after seeing the notification that it's from Arlszent. Nasa iisang puder lang kami ngayon tapos nagtext pa siya?
From: Arlszent
Liar. You smell like men's perfume when you entered.
Agad kong kinuha ang hinubad kong damit at inamoy iyon, sunod ay bahagya akong tumungo patagilid upang maamoy ang aking balikat, ganoon na lamang ang gulat ko nang maamoy ko ang pabango ni Xerxes.
BINABASA MO ANG
Splendiferous (Legazpi #1)
RomanceLEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids us to be together, and even if you choose to take the path going away from me... you'll still have me." Arlszent Dela Gente asks his twin s...