Epilogue

3.7K 122 284
                                    

SPLENDIFEROUS: The Splendid Finale
el espléndido final

"Ayan, gising na ang putangina."

Boses ni Rave ang siyang nauna kong narinig pagmulat ng aking mga mata. My eyes wandered around the white walls and ceiling, that's when I realized I'm staying in the hospital.

Pangarap ko ang maging nasa ospital. Pero bilang doktor, hindi ganitong pasyente na mukhang dugyot dahil sa mga natamong galos.

"Sa'kin tumawag ang taga-rito sa ospital, sabi'y ako daw ang pangalawang nasa emergency contacts mo. Hindi raw kasi sumasagot ang nauuna-"

"Si Leigne 'yon, malamang," putol ni Rave.

Hindi iyon inintindi ni Aeign at nagpatuloy. "May residente doon sa condong tinutuluyan ni Arlszent na namataan kang nakahandusay sa kalsada, kaya ka nadala dito sa ospital sa Marikina. Ano, ayos ba mabugbog?"

"Alam mo namang bayolente iyon lalo na kung kapatid niyang babae ang usapan, pero nagpunta ka sa kanya matapos ang lahat ng nangyari?" sambit ni Lix sa akin na akala mo ay hindi ko iyon alam. Pinagmumukha pa akong bobo nito.

"Nagpunta ako doon dahil wala si Arleigne sa mga tinitirahan ng mga kaibigan niya. Si Arlszent lang naman na ang natitira niyang takbuhan kaya pumunta na ako," pahayag ko.

"E, kita mo ngang kaya kang patayin ng taong iyon kaya bakit ka pa tumuloy-"

"Because I need to talk to her! Can't you fucking understand that, Aruez?!" I yelled at Lix.

"Pampublikong ospital 'to, X, huwag kang maninigaw," sita ni Rave.

Wala akong ibinigay na pakielam sa kanyang sinabi't napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang aking mga palad. Ilang segundo pa lang na nakakalipas, naramdaman kong namamasa ang aking mga palad dahil sa aking mga luha nang maalala ang lahat ng nangyari.

"Ito na 'yon..." napahikbi na ako. Pakielam ko sa iisipin ng mga taong narito pero tangina lang, napakasakit na ng aking damdamin. "Ito na dapat ang pagsisimula ng plano kong alukin siya ng kasal... tangina naman, iniwan pa ako bigla dahil sa kahayupan ko.."

"Buti alam mong hayop ka." Aeign scoffed after giving a sarcastic remark.

"Ang gago ko... napakagago ko..." Napasabunot ako sa sarili.

"Kita mo na ngang may saltik iyong kinama mong babae noon, dapat hindi ka na nagpadala sa mga sinasabi. Edi sana hindi ka napainom ng inuming may droga, sana wala kang nakahalikang iba, sana madadatingan ka lang ng girlfriend mo na umiinom at hindi lumalandi," sambit ni Rave.

"I just want that girl out of my life and away from my girl. She said that's the last and she'll stop already, that's why I accepted the drink!" I explained my side.

Gusto ko lang naman na mapayapa kami ni Arleigne at walang basta-bastang makikipag-away sa kanya kaya ko kinuha ang inuming inaabot niya sa akin. Ganoon ko siya kagustong mawala sa landas naming dalawa kaya kahit kahina-hinala ang mga pinaggagawa niya, pinatos ko na.

Masama ba iyon? I just wanted Arleigne to not recieve insults and be involved in a fight with her just because of me.

"Wala na, nangyari na ang nangyari," naiiling na pahayag ni Lix. "Wala rin naman kaming alam sa totoong nangyari kanina, nadala na kami ng emosyon. Hindi ka na namin napakinggan muna."

Splendiferous (Legazpi #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon