7.
It's been days yet what happened last Tuesday was still bothering me. Matapos kasi ang insidenteng iyon ay hindi na namin pinag-usapan ni Xerxes ang tungkol doon. Hindi ko naman magawang magtanong dahil hindi palatanong na tao ang aking kapatid.
We even acted like nothing happened after that. Balik lang sa dating gawi. Sinabi ko na rin kay Arlszent ang tungkol doon, ayon sa kanya ay kailangan kong mapalapit kay Serena para mas mapabilis ang pagkalap ko ng mga impormasyon lalo na at si Serena ang pinakabiktima sa kasong isinara.
When we become close, I'll take things slow on asking her about what happened last year. I cannot just go straight to the point and ask 'Hey who raped you?' because it might frighten her.
About approaching her, I'll just think about it once I see her again in the campus and Xerxes and his friends are not around. But for now, I need to do the things I normally do around as Arlszent.
Today's a weekend, Xerxes and Aleezah are out to attend their aunt and uncle's anniversary party while I'm driving all the way to the dental clinic in Marikina for my adjustment.
"Arlszent, bakit ka naandito? Next week pa ang adjustment mo," sambit ni Dra. Kazley pagkarating ko doon.
"Doc, hindi po ako si Zent," mahina akong natawa at tinanggal ang aking wig. Gulat ako nitong tinignan at halata sa kanya na marami siyang tanong ngunit inunahan ko na siya magsalita.
"Mahabang kwento po, doc," tipid akong ngumiti. "Tsaka medyo matatagalan pa po ata bago bumalik dito ang kapatid ko, naaksidente po kasi at nagpapagaling. Sa ngayon po ay magsimula na po tayo, may importante po kasi akong lakad mamaya," pagdadahilan ko.
"S'ya sige, higa na ikaw." Kinuha niya ang lalagyan ng rubber at ibinigay sa akin, pinapili niya ako ng kulay para daw tuloy-tuloy nalang at hindi iyong mamaya pa niya ako papipiliin.
I got the dark blue rubber and gave it to my dentist. Once finished, I went back to Arlszent's Bugatti to drive to my condo because Arlszent told me to go there.
"Hey," I greeted my brother.
Nagulat ako nang bigla ay may lumitaw na babae mula sa kitchen ko. Isang babaeng kamukhang-kamukha ko. The difference is, the other girl is a bit tanned.
"Kilala mo pa 'to?" tanong sa akin ni Zent habang nakaturo sa babae.
I nodded my head. "Of course I remember her! Lagi kaming napapagkamalan sa isa't isa noong middle school."
"It's good that you still remember me, Ms. Queen Bee," the girl chuckled.
I also giggled at we she said. "Why are you here, Candice?"
"Doing your stuff," she shrugged. "I'm not informed na mataray yung isang instructor doon sa pinapasukan mo, porket ganap na piloto na."
Candice Segui, kaklase namin ni Arlszent noong sa States pa lamang kami nag-aaral. Sa totoo lang ay napapagkamalan kaming tatlo na triplets dahil hawig niya kami, lalo na ako. Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataon noon na mapapagkamalan siyang ako habang ako naman ay napapagkamalang siya.
We almost looked like the same, ang palatandaan lamang para hindi malito ang iba ay tignan ang aming mata. Mine's in hazel while hers is in blue. And when it comes to talking, mas mahahalata ang American accent sa kanya. May mga oras na tinuturuan ko siya mag-Tagalog at hindi ko naiiwasang matawa dahil bakas pa rin doon ang foreign accent.
Now that she's here in the Philippines and she said that she's doing my thing, that's where things sank into my head. It's her who attends my classes in PATTS! Siya ang nagpapanggap na ako habang nasa katayuan ako ni Arlszent.
BINABASA MO ANG
Splendiferous (Legazpi #1)
RomanceLEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids us to be together, and even if you choose to take the path going away from me... you'll still have me." Arlszent Dela Gente asks his twin s...