Twenty

2.2K 128 110
                                    

20.

"Welcome back, brother," ngising sambit ni Xerxes.

"Douchebag," Arlszent hissed. "Brother your ass."

Halos mapatalon na kaming dalawa kanina ni Xerxes sa aming kinauupuan nang iluwa ng pintuan sila Arlszent at Aleezah. Kaagad akong umalis sa pagkakaupo sa hita ni Xerxes habang ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha, pero itong si Xerxes, parang wala lang sa kanya at nakuha pang asarin ang aking kapatid.

"Wrong timing pala pagdating natin, babe," mahinang pahayag ni Aleezah habang pinipigilan ang sariling matawa dahil sa nangyayari.

"I'll repeat the question." Lumipat sa akin ang tingin ni Arlszent. "What the fuck is the meaning of this?"

My mouth hung open but no words came out of it so I chose to close it and not talk. Until I felt Xerxes wrapped his arm on my shoulders.

"Man, I'm courting her," Xerxes worded in a very relaxed manner.

I saw how Arlszent's jaw clenched as he gave me an intimidating stare. "Ligaw pero hinahalikan na?"

I just said that a while ago, jeez!

"Save your sarcastic remarks, Zent," nanglolokong pahayag dito ni Xerxes.

"Save your sarcastic remarks, Zent," Arlszent mocked before facing me. "Magaling na ako, hindi mo na kailangan magpanggap. Bumalik ka na ng Parañaque bukas. Taga PATTS ka na ulit, hindi USTe."

"Agad? Bukas na?" gulat kong tanong.

He raised a brow. "Hindi. Ngayon," pabalang niyang sagot.

Bago pa man ako muling makapagsalita ay sumingit si Aleezah. "Kuya! Magluto ka na ng dinner, turuan mo ako habang nag-aaway silang magkambal!"

Hindi na niya inantay na makasabat pa si Xerxes at hinila na niya ito patungong dining. Sa kabilang banda naman, si Arlszent ay nakatingin pa rin sa akin ng seryoso at kinaladkad niya ako papunta sa terrace.

"What was that?!" mahinang singhal nito sa akin. "Ano 'yong sa inyo ni Gorostiza? Laro mo rin o talagang seryoso?!"

"S-seryoso," bulong ko ng hindi makatingin sa kanyang mga mata.

Napasapo si Arlszent sa kanyang noo bago ako muling tinignan ng seryoso. "Twin! Alam mo naman kung anong meron ang taong iyon! Sa dinami-dami mong nagustuhang lalaki, d'yan ka pa nagseryoso!"

"Hindi ko rin naman inaasahan, Zent," nakagat ko ang sariling labi.

"Baka nakakalimutan mo ang kaso, Leigne?!" pinipigilan niya ang sarili na hindi lakasan ang boses. "Hindi mo man lang ba naisip ang maaaring mangyari kapag nalaman niyang Dela Gente tayo?! Na kapatid tayo ni Aeign?!"

"Of course I've thought about that countless times!" halos mangiyak kong saad. "But what can I do?! Sa tuwing tumatagal, mas lumalalim ang nararamdaman ko. Kahit anong pilit ko na maging sibil lang at pagtuunan ng pansin ang pakay natin sa kanya, bigla na lang iyon nawawala at mas pinipili ko ang kasiyahan ko."

His expression softened when he saw a tear fell from my eye. Using his hands, he wiped that tear away and pulled me for a hug.

"Hush," pag-alo niya. "Don't cry."

I hugged him tight. "I don't know what to do. Hindi ko na rin kayang ituloy ang misyon natin."

"Fine, I'll be the one to do it, alone. Para hindi ka na madamay," malalim itong huminga.

"Bukas na ba talaga ako babalik ng condo ko?" tanong ko dito.

His forehead creased. "You really like him that bad, huh? Dumating na sa puntong tinatamad ka na bumalik sa inuuwian mo?"

Splendiferous (Legazpi #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon