Chapter 2: OUR PAST

199 86 0
                                    

Ang mga alaala ng nakaraan ay hindi na muling dapat pang balikan para hindi nalang mas masaktan.

'Ate linisin mo na yung bodega ang daming nakatambak, mag-move-on ka na kay kuya Kyle dahil hindi na yon babalik sayo.'

Hindi ko nalang pinansin ang kapatid ko at nagpatuloy sa kung ano ang ginagawa ko.

'Isang taon na ang nakalipas ate, ano ka ba naman? maging productive ka naman. Kalimutan mo na siya di na healthy yan sayo. Mahal kita ate gusto ko lang na sumaya ka'

Naiyak ako bigla.

Paano ko kalilimutan ang taong nagbigay sakin ng maraming ala-ala? Kasama ko sa lahat ng bagay. Suportado ako sa lahat ng mga gagawin ko. Sandalan ko sa tuwing may problema akong kinahaharap. Ang taong hindi ko makalimutan dahil marami na kaming napagdaanan. Kabisado na namin ang bawat galaw ng isat-isa. Akala ko hindi na siya mawawala sakin. Pero ako nalang dito ngayon nag-iisa dahil iniwan niya.

Masyadong nang perfect pero bakit dumating pa yung ganitong bagay na magpapasira sa puso ko? Sa mundo ko? Bakit ang sakit-sakit maiwan ng taong mahal mo? Ang pinangakuan ka pero hindi pinanindigan. Bakit ganito? Bakit kailangang magkaganito at ang sakit sakit na ng puso ko.

'Ate naglalasing ka na naman, magpapakamatay ka na ba? Alcohol na naman ang hawak mo. Gumising ka na nga!'

'Tigilan mo nga ako Dustin! Araw araw mo nalang ba ako pagsasabihan? Buhay ko naman to saka patay na rin ako dahil nawala na siya sa piling ko. Wala nang saysay ang buhay ko dahil wala na siya! Di na ako magigising o magiging masaya hanggat 'di siya bumabalik sa akin.'

'Tanga ba ako dahil hinihintay ko pa rin siyang bumalik? Umaasa na magpaparamdam siya ulit? Tanga ba ako ha Dustin?'

'Gusto ko lang namang maging masaya pero bakit ganito ang ipinalit sa akin?'

Niyakap ako ni Dustin at sa kanya ako kumuha ng lakas para hindi matumba. Sa kanya ko iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hinagod niya ang likod ko at pinatahan ako. Ayoko na siyang gambalain pa at sinabi kong magpahinga na din siya.

Iniwan na ako ng kapatid ko. Wala naman siyang magagawa. Hindi na ata ako makakabangon pa sa sakit na idinulot niya sa akin. Isa nalang akong lantang bulaklak na naiwan sa kung saan. Isang babaeng naiwan at hindi pinahalagahan. Ngayon tititig nalang muna ako sa kawalan baka maka-isip na kasagutan kung bakit ako iniwan.

Dinapuan na ako ng antok nang malapat ang likod ko sa kama. Nakakapagod ang araw na ito para sa akin.

Kinaumagahan, masaya akong gumising dahil parang wala nang tinik sa puso ko. Nagtaka pa nga ang kapatid ko kung ano na ang nagyayari sa akin. Tinawanan ko nalang siya dahil sa aming dalawa siya ang pinaka-weirdo.

Pumasok na ako sa office sa may coffee shop ko. Pero mamaya papasok na ako sa Hospital as an ob-gyne doctor. Yes pareho kaming doctor ng kapatid ko pero siya is cardiologist.

Mas pinursue ko kasi ang pag mamanage ng coffee shop ko na padami na nang padami ang branches. Napalingon naman ako sa kalagitnaan ng pag-iisip ko dahil tinawag ako ng staff ko at sinabing mataas daw ang sales namin ngayon. Napangiti naman ako dahil kilalang kilala na talaga ang shop ko.

May nagsabi din sa akin na may nagre-request magpatayo ng shop ko sa bandang South. Pumayag naman ako saka that's great ang saya lang nakakamit ko na ang magkaroon ng maraming branches nationwide kahit unti-unti.

Ang boring ng buhay ko, wala lang, para sakin kasi ang boring. Gigising ako sa umaga pupunta sa shop after an hour sa Hospital naman. Everyday routine ganon madami naman akong manliligaw in my whole 10 years of being single. Take note of that! pero ayaw ko silang i-entertain kahit araw-araw may roses sa lamesa ko o nagpapadala sa shop ko. Gusto kong mag-focus muna sa career ko as a business woman and as a doctor.

Tumayo na ako at napagpasyahang pumunta na sa hospital para salubungin ang mga pasyente kong buntis. Stress reliever ko din to kasi alam kong magiging cute ang mga baby na nasa tyan nila.

Ako kaya kailan magbubuntis? Ay wala nga pala akong boyfriend paano mangyayari yon. Pinaglololoko ko na naman ang sarili ko. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng ka-relasyon ulit simula noong naghiwalay kaming dalawa. Hindi sa hindi pa ako nakakapag-move-on pero nakakawalang gana lang kasi. Pahinga muna ang puso para kapag handa na kaya na ulit sumabak sa laban ng pag-ibig.

After an hour ay may inasikaso na akong pasyente na nasa delivery room na. Hirap na hirap siyang manganak dahil kambal ang iluluwal niya. Nasa tabi niya yung husband niya na naka-alalay sa kanya. How sweet naman ni mister mahal na mahal ang kanyang asawa.

Dalawa kaming OB-gyne dito yung isa nagsisimula palang at assistant ko. Lumabas na ang panganay sa kambal at ang lusog niya. Sumunod naman ang isa na malusog din at ang cute nilang dalawa. Nakita ko ang ngiting namutawi sa mag-asawa bago nakatulog ang misis nya.

Pagtapos ng mahabang oras ay madilim na naman at nakalubog na si haring araw. Mamaya bulagta na naman ako sa kama dahil sa sobrang pagod. Ang daming nasa delivery room kanina at anim lang kaming OB-gyne grabe talaga hindi ko na yata kayang magmaneho pauwi.

Pero keri lang nakatanggap naman ako ng magandang balita na on-going na ang coffee shop ko sa South. Buti nalang talaga may mapagkakatiwalaan sa mga staffs ko.
Well, lahat naman sila. Makakatanggap sila ng bonus sa akin.

Habang nagmamaneho ay may nakikita akong magkasintahan sa isang restaurant. Bakit ko ba nakikita to? Bakit ba kasi traffic? 'Di kayo na sweet. Pakatatag kayo wala sanang mang-iiwan.

Nakauwi na ako at buti naman ay may pake pa sa akin tong kapatid ko. Himala nakapagluto siya ngayong gabi. Alam ko din naman kasing pagod yon galing work. Ang sarap ng ulam ngayon ah hotdog. Pinagtirhan nalang niya siguro ako nito. Natawa na naman ako grabe sa effort e.

Oo na ako na ang ateng mahilig mangutya ng kapatid. Nag-effort na nga e napaka-bad kong sister pero mahal ko yon at botong-boto ako sa girlfriend niya. Sana lahat nag-stay diba?

Kapag ganitong gabi kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko kaya sana wag na ako bangungutin habang natutulog ako. Nababaliw na ako sa pagiging single pero baliw din naman ako dahil ni isa hindi ko kinikilala sa lahat ng manliligaw ko. Kailangan ko na atang magpa-psychiatrist.

Joke, i-aakyat ko na nga ang mga gamit ko dahil bukas panibagong araw na naman ang kahaharapin ko. Panibagong araw na wala na naman akong jowa na mag i-iloveyou sa'kin at mag-memessage na miss na kita mahal. Panibagong araw na makakakita ako ng maraming couple na nakakalat sa kalsada. Love is in the air talaga at araw-araw ay araw ng mga puso para sa kanila.

This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon