Kapag nagmahal ka ay ibang klaseng saya ang dulot nito sa iyo.
A year later...
"Oh love napadalaw ka? Akala ko duty mo ngayon? What brings you here ha? May surprise ka na naman ba?" Pang-iinis ko sa kanya.
Nakakagulat naman kasi sabi niya sakin may duty siya ngayon. May sarili kasi siyang Clinic as pediatrician.
Pumayag kasi ang parents niya na wag munang maki-alam sa company. Ayaw din naman daw niyang magpatakbo non kaya hinayaan nalang muna niya ang ate niya.
"Off ko talaga ngayon, pero nandon naman ang assistant ko para sa schedule bukas ng mga pasyente ko," Sabay kiss niya sakin sa pisngi.
"Hindi ka na naman nagkakamali dahil may surprise na naman ako sayo," Excited niyang sabi.
"So kapag off ko dapat off mo din? Gaya gaya ka talaga. Ano ba yang surprise mo sakin? Patingin."
Naiinip na ako may tinatago kasi siya sa likod niya at di ko alam kung ano iyon. Bago ang lahat pinapasok ko muna siya sa bahay.
"Namimiss lang kita kaya gumagawa ako ng paraan para makasama ka, Ganyan kita kamahal."
Ang korni nito kahit kailan hindi ko na naman mapigilan na hindi siya tawanan.
"Pinagtatawanan mo na naman ako sa kakornihan ko. Totoo naman kasi lahat. Oo nga pala ito ang surprise ko sayo, Happy 1st Anniversary Love," na dapat 13th na.
Inilabas na niya ang nakatago sa likod niya. Na-amaze naman ako ang cute naman ng hawak niya. Dali-dali kong hinablot sa kanya at patalon-talon ko itong niyakap.
"Hoy love, dahan dahan naman mapipisa si baby," pagpapa-alala niya sa akin pero di ko siya pinansin.
"Ang cute mo naman baby. Happy Anniversary din Love," Tiningnan ko si baby.
"Your name is Cannon," Titig ko sa puppy.
"Helloooo Cannon, I love youuuu," kiniss ko siya sa noo. His breed is shih tzu and he's male.
"May fur baby ka lang hindi mo na pinansin una mong naging baby. Saka ang bilis mo naman makaisip ng pangalan."
Nginisihan ko siya at pumasok sa loob dala-dala si Cannon.
I'm dreaming of having a fur baby like this.Nakapasok na kami sa loob at nilaro laro ko na si Cannon. Pininch ko yung nose niya tapos pinaggigilan ko na. Sinayaw sayaw ko pa siya saka kiniss at hinug.
"Kyle nandito ka pala?" Biglang labas ni mama galing kitchen. Habang ako naman ay patuloy nilalaro si baby
"Ay opo tita dumadalaw lang. Namiss ko din kasi ang anak niyo," nagbeso sila ni mama.
"Kumain ka na ba? May niluto na ako tara mag lunch muna tayo," aya ni mama saming dalawa.
Hindi na nakatanggi si Kyle dahil napilit ko din siya. Marami ding nakwento si Kyle kay mama na nakwento naman na din niya sa akin noong bumalik siya. Minsan lang naman kasi sila magkita ni mama lalo na't pabalik-balik sila sa farm namin doon sa Bulacan.
Pagtapos namin kumain ay bumalik na kami sa cage ni Cannon para pakainin naman siya.
"Thank you love I owe you this one. Grabe ang saya ko ngayong araw. May libangan na ako dito sa bahay. Tara samahan mo ako? Bili tayo ng gamit niya and dalhin na natin siya sa vet for vaccine."
"You're welcome love, basta para sayo gusto ko lang naman maging masaya ka palagi. Sure sagot ko na din mga gamit nya," Napangiti naman ako, this man loves me so much.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...