Chapter 30: MOMENT OF TRUTH PART 1

65 21 0
                                    

After so many years of waiting, Now I will marry the Man whom I love and shared my whole life with.

After 3 months of waiting this is the day. Ikakasal na ang dalawa sa napili nilang simbahan.

"Are you ready anak?" Tanong ng mama nito kay Kate.

Ngumiti sila sa isat-isa at nagyakap.

"Baby ko ikakasal ka na. Mamimiss ka ni mama, dati ay sanggol ka pa lang tapos ngayon ikaw na ang ikakasal baby."

Hinalikan niya ang anak sa noo.

"Wag ka nang umiyak ma, masisira ang make up natin nyan. Sige ka hulas na mamaya," biro nito sa kanyang ina.

"Mamimiss ko kayo ni papa at ni Dustin. I can't ever imagined this," saad nito habang pinipigilan ang luha.

"Basta anak be the best wife that you can be and also be the best mother. Hihintayin ko ang mga apo ko," bilin nito sa anak.

"Ma naman, matagal pa yun," natawa si Kate sa sinabi ng mama niya.

Pumasok naman ang papa at kapatid niya at narinig ang kanilang pag-uusap.

"Anong matagal pa? Gumawa na kayo mamaya after ng kasal. Kailangan ko na ng tagapagmana," biro ng papa niya. Pero may point.

"Yes, para naman may makulit na bata na akong pipisain," may halong panggigigil ni Dustin.

"Hoy Dustin umayos ka sa magiging anak ko. Tito ka pa man din isip bata ka pa rin."

"Sino ang isip bata ate? Parang nagkakamali ka yata na ako 'yon."

Nagtawanan naman sila sa kakulitan ng dalawa.

"Ano ba naman kayo ang lalaki niyo na pero para pa rin kayong bata na pinapalaki ko noon. Nag-aaway pa rin kayo."

"I love you mama and papa." Sabi naman ng dalawa at nag group hug sila.


Sa kabilang banda ay nakaayos na din si Kyle.

"Im so proud of you anak. Ikakasal ka na basta hihintayin ko ang mga apo ko ah. Dati tinuturuan palang kitang manligaw tapos ngayon. Hays ang bilis talaga ng panahon," Tinapik naman siya ng kanyang daddy.

"Anak mahalin mo ang asawa mo wag mong pasasakitin ang ulo niya at wag kang magmamana sa daddy mo. Sakit sa ulo ko yan."

"Grabe naman sa sakit sa ulo mommy," Sabi naman ng ate niya.

"Hindi ako sakit sa ulo ng mommy niyo dahil ako ang stress reliever niyan," Sabi naman ng daddy nito.

"Naku magtigil ka nga Danilo. Basta anak bigyan mo kami ng apo. Gusto ko maraming chikiting ang bibisitahin namin sa bahay niyo ni Kate."

Natawa naman si Kyle sa mga magulang niya at apo na agad ang iniisip.

"Hay nako mom and dad pinepressure niyo naman ang kapatid ko," Sabi naman ng ate niya.

"Hayaan mo ate, ibibigay ko ang gusto ng parents natin. Malakas to! Kayang kaya mamayang gabi."

"Iyan ang anak ko!" Bilib na sabi ng daddy niya.

"Oo nagmana talaga sayo Dan."

Nagtawanan naman sila at nag group hug din. Habang hinihintay ang nalalabing oras.

Ang pinakahihintay nila na kasal.



Dumating na ang oras na kanilang hinihintay at kailangan nang pumunta ni Kate sa simbahan dahil nauna na doon si Kyle.

Pagbaba ni Kate ay nandoon na ang mga brides maid, flower girls, ring bearer, groomsmen, mga ninong at ninang namin sa kasal na nakapila sa labas. Nandoon na din si Stacy ang maid of honor ko.

"Kate! This is the day and ang ganda mo today. Enjoy this moment. Congratulations Mrs. Hernandez!" Bineso naman siya nito.

"Thankyou Gab, ang ganda mo din." Ngiti ko sa kanya.

Nakasarado na ang pinto at malapit nang mag-umpisa ang wedding ceremony kaya inaayos na ito ng organizer.

Nginitian siya ng mga tao sa labas at ngumiti din siya pabalik.

Narining niya na kinocongrats na siya ng mga tao kaya nag thank you siya pabalik.

Nagready na ang lahat dahil nakaayos na rin sila.

"Congrats anak, Ikakasal ka na talaga baby ko," Sabi ng mommy niya.

"Melinda wag ka na mag drama dyan. Maglalakad na tayo papuntang altar oh!"

Natawa naman ako sa kanila. Halatang may pinagmanahan kami ni Dustin.

This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon