Chapter 6: YOU'RE HERE

135 62 0
                                    

Akala ko tapos na ang nararamdaman ko para sa'yo. Lahat na itinapon ko, pero bakit ganon? ang nararamdaman ko pala para sayo ay hindi kailanman nai-alis sa puso ko.

Pagkauwi ko sa bahay hindi na ako nakapagdinner. Mas gusto kong matulog nalang kahit kinakatok ako ni mama upang kumain. Sinabi ko nalang na pagod ako at kailangan ko ng sapat na tulog.

Hindi din naman ako gutom. Ang isiping bumalik siya ay isang batong mabigat na dala-dala ko. Isang bangungot na naman sa buhay ko. Nararamdaman kong may di mangyayaring maganda sa pagbabalik niya. Hindi ko alam pero kinukutuban na ako.

Alas-dose na ng umaga at hindi pa rin ako makatulog kaiisip sa kanya. Sabi ko hindi ko siya iisipin dahil wala naman na akong pake sa kanya. Pero bakit ganito? Hanggang ngayon natatamaan pa rin ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya.

Lalo na ngayon na nandito na ulit siya. Kailangan kong maging maingat para maiwasan ang presensya niya. Hindi naman pwedeng hindi ako lumabas ng bahay. Kung anu-anong naiisip ko at sana hindi ko nalang siya makita pa. Ayoko nang magtagpo pa ang landas naming dalawa.

Kapag bored ako at hindi makatulog nakikinig nalang ako ng music. Yung chill lang para nakakarelax. Exhausted ako sa trabaho kanina dahil maraming nagpacheck-up. Mga buntis na nakakain ng pakwan na buo. Joke lang!

Kinaumagahan ay natulala muna ako sa kisame ng kwarto ko. Buti naman at nakatulog ako kagabi kahit hindi maayos. Sabog ang mukha ko ngayon at kulang na kulang sa tulog. Mga apat na oras lang yata ang itinulog ko. Sabi ko pa naman kay mama ay kailangan ko ng sapat na tulog pero kabaliktaran pa ang nangyari. Ano ba naman 'to hindi na fresh pag pasok! Idadaan ko na naman sa make up ganon?

Whatever.

Dumaan muna ako sa jewelry shop dahil magbibirthday na si mama bukas. Hindi ko masyadong napaghandaan kaya ito nalang muna ang bibilhin ko para sa kanya. Ito na din naman ang una kong naisip bilhin para sa kanya. Bagay na bagay to kay mama.

Silver ang binili ko na may pendant na krus. My mom always loves this lalo na kapag related talaga kay God. Religious kasi siyang tao kaya perfect siya para sa regalo ko.

Napangiti naman ako dahil alam kong magugustuhan niya ito.

Pagtapos ko sa jewelry shop ay naglibot-libot muna ako sa mall dahil konti palang naman ang mga tao dahil kabubukas palang kasi nito.

Hindi na ako dadaan sa shop ko at late na din naman ako sa hospital. Alam ko namang nandon na si Stacy. Kasalanan ko kung bakit ako late dahil late na nga akong nakatulog kagabi.

Napadpad ako sa flower shop. Trip ko lang kasi madaming fresh roses. Ang ganda kasing tingnan lalo na yung white.

Napatigil naman ako bigla.

I saw a familiar man standing there. Bumibili siya ng bulaklak at hindi ako nagkakamali dahil si Kyle yon. Nagtago ako sa gilid dahil gusto kong makasigurado kung siya nga talaga 'yon. Nang makasigurado ako ay dali-dali akong umalis dahil ayokong makita niya ako. Kung saan-saan ako naglakad at hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako napadpad pagkabalik ko sa kotse ko. Ang alam ko lang ay ang bilis ng takbo ng puso ko.

Nagbalik na nga siya.

Nagbalik na si Kyle.

Ang tagal ko siyang hindi nakita at wala pa rin siyang pinagbago. Bukod sa physical appearance niya na naging fine young man na. Bakit kaya siya bibili ng bulaklak at para kanino? Bakit ba ako nag-iisip pa? Hindi na nga pala mahalaga 'yon.

Kinabukasan, may pasok ako kaya hindi ko din makakasama si mama ngayong birthday niya. Bago ako pumasok ay ibinigay ko na sa kanya ang simpleng regalo na nabili ko kahapon.

"Thank you anak," masayang pagpapasalamat niya sa akin. Sabay haplos ng mukha ko.

"You're welcome ma, sorry hindi kita makakasama ngayong araw sa special day mo alam mo naman diba na busy ako sa shop and hospital? Saka naiintindihan mo naman ako e. Best mama ka kaya!"

"Oo naman anak, masaya ako dahil maayos kayo ng kapatid mo. Gusto kong lagi kayong nag-e-enjoy sa trabaho. Gusto ko ay palagi kayong ligtas, Iloveyou both," Sabay halik niya sa noo ko.

"Ang laki na ng pinagbago mo. Dati pinagbubuntis palang kita. You're a lady now my baby," Nginitian ko naman siya at niyakap dahil hindi nagbago si mama. Bine-baby pa rin niya ako.

"Hay nako Amelia papasukin mo na yang si Kate malelate na yan tutok pa naman yan sa coffee shop niya," Singit naman ni papa.

"Ikaw naman Antonio naglalambing lang naman ako sa anak natin," Sabay hampas niya kay papa.

"Tapos ako hindi niyo naman nilalambing. Favoritism talaga kayo," Pagtatampo naman ni Dustin.

2 years lang ang tanda ko sa kanya kaya hindi nagkakalayo ang edad namin. Pero mas isip bata talaga ako sa kanya. Hindi maipagkakaila iyon saka lagi yan napaghahalataang mas matanda kaysa sakin. Kulang nalang tawagin ko na siyang kuya Dustin. Hays porket matangkad.

Hindi na kami nasundan ni Dustin dahil nakunan si mama noon sa dapat ay bunso naming kapatid. Noong mag-ta-try sila ulit ni papa ay hindi na pwede si mama na mag buntis dahil sabi nang doktor ay critical na daw kung magbubuntis pa si mama. Kaya naisip ko ding mag ob-gyne dahil kay mama. Gusto ko maging doctor sa mga soon to be mothers. Syempre para din sa mga magiging baby ko.

"Syempre lalambingin din kita anak, kayo ng ate mo ang kayamanan ko," Maraming kiss naman ang binigay ni mama kay Dustin. Habang si papa naman ay naka-akbay na sa akin. Yumakap nalang ako sa kanya na parang bata.

Nagtawanan kami sa sobrang kulit ng pamilya ko. Dustin gave our mom a bag na 'guess' kaya natuwa na naman si mama and gave Dustin a kiss. Nag-group hug muna kami bago kami pumasok ni Dustin sa trabaho. I love my family so much and I treasure them.

This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon