A year later....
"Love gising na, sabi mo mageexercise tayo ikaw naman tong di gumigising!" Pagtatampong sabi ni Kate sa asawa niya.
Nakabihis na kasi siya't lahat lahat ay tulog pa rin ito.
"Hello misis ko, ang ganda mo sa umaga," Bati ni Kyle.
Nag-inat siya at tumayo na pagtapos ay inamoy ang asawa.
"Ang bango naman," Ngiti niya sa asawa.
Sinimangutan siya ni Kate.
"Ikaw ang panget mo sa umaga, magtoothbrush ka na don saka maligo! Ang daya mo nakabihis na ako oh."
Turo niya sa sarili.
"Ito na nga po kamahalan, hintayin mo ako."
Hinalikan niya si Kate sa pisngi at dali-dali siyang pumasok sa c.r ng kwarto.
Nasa Condo sila ngayon nakatira. On-going pa kasi ang bahay na pinapatayo nila.
Pumunta na si Kate sa kitchen at naghanda muna ng makakakain. Mukhang mamaya pa sila makakapagworkout dahil nagcracrave siya sa pancake at gatas ngayon.
Habang kumakain si Kate ay katatapos lang maligo ni Kyle.
"Oh akala ko magwoworkout? Kumakain ka naman love," Sabi naman nito.
"Love, favor please? Bili mo ako ng atis sa supermarket. Natatakam ako ang sarap kasi."
"Love tinatamad akong lumabas tas nakaworkout attire pa ako. Nakakahiya sa mga tao na ganito ang suot ko sa supermarket pa talaga. Noong nakaraan din ganyan ka."
"Sige na love, bilis na, please? Hiya o sapak?"
"Sige na nga, lugi naman ako sayo. Hintayin mo ako dito ha? I love you," Bago makaalis ay hinalikan niya sa noo ang asawa.
Napansin naman ni Kate ang pabago bagong appetite niya sa pagkain naisip niya na baka buntis siya.
Naalala niyang may nakatabi pa siyang isang box ng pregnancy test kit sa drawer dahil nga doctor siya, kaya nagtry siya ng dalawa.
Nagulat siya at pagtapos ay natuwa.
Dalawa yon at parehong positive.
Buntis nga siya.
------------------
"Love naiirita ako sayo, dun ka nga!" Sabi naman ni Kate habang tinutulak ang asawa palayo dahil nakayakap ito sa kanya.
"Ano ba yan love naglalambing lang e, ganyan ba kapag buntis?" nguso ni Kyle sa asawa.
"Oo kaya manahimik ka na lumayo layo ka. Patawag nga si Dustin namimiss ko na ang kapatid ko tapos ay papuntahin mo na dito. Magdinner na kamo siya dito."
Napanganga sa gulat si Kyle.
"Nakakapanibago ka naman, aso't pusa kayo noon tapos lalambingin mo naman dito? Nakakaselos ka love. Dapat ako lang," Pagtatampo ni Kyle.
"Naglilihi lang nag o.a ka na dyan!" Sabi naman ni Kate.
"Ayoko ngang maging kamukha ng anak natin ang kapatid mo!"
"Harsh mo naman love. Baka nakakalimutan mo kamukha ko din yon kasi kaptid ko yon, I love you love, tara na nga dito nagtatampo ang mahal ko. Kiss kita bilis."
"Talaga?" Excited na tanong ni Kyle.
"Oo, tara!" Pagmamadali ni Kate.
Lumapit na si Kyle pero hindi naman siya kiniss ni Kate. Siya nalang tuloy ang kumiss sa asawa at sa umbok na tyan ng asawa.
Hanggang sa nag-inisan silang dalawa.
---------------
"Good morning mahal ko, I love you," Gising niya kay Kate.
Iminulat naman ni Kate ang mga mata niya.
"Good morning love, I love you more."
Ngiti nito.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Nagspotting ka na naman ba?" Pagaalalang tanong ni Kyle.
"Medyo ayos na love. Buti nga at tumigil ang sakit kagabi kaya nakatulog tayo."
Hindi din kasi matutulog si Kyle kapag hindi pa nakakatulog ang asawa. Pauunahin niya talaga ito dahil nag-aalala siya dito.
"Nandito lang ako palagi no matter what. Mahal na mahal kita Kate."
Inalalayan na niya ang asawa at kinuha na ang pagkain dahil naghanda na ito kanina.
Lumuhod siya at kinausap ang malapit na niyang lumabas na anak.
"Good morning din mga babies namin, be good to your mommy ha? I love you."
At kiniss na niya ang tyan ni Kate.
Nakangiti naman si Kate habang pinapanood ang asawa. Hindi siya nagkamali dito dahil napakabuti nitong asawa sa kanya at ama sa magiging anak nila.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...