Nagkakamali ka sa pagaakala mo. Sana naman ay pakinggan mo ulit ako.
THIRD PERSONS POINT OF VIEW
Pag-uwi ni Kyle sa kanilang bahay ay nagpakalasing siya. Kaharap na naman niya ang alak na nagpapakalma sa sistema niya.
"Sana bukas ay ayos na tayo Kate, pupuntahan ulit kita sa inyo," Ang sabi niya sa sarili.
Maya-maya pa ay nakauwi na ang pamilya niya galing event.
"Hoy, Kyle! ano bang ginagawa mo? Bakit ang aga niyong umuwi ni Kate kanina? Hinahanap ka ng mga guests and business partners natin doon. Ang usapan ay sa hotel tayo matutulog diba? Hindi na tuloy kami tumuloy dahil nag-aalala kami sa inyo," Sabi ng kanyang ate.
"Tawag din ako ng tawag sayo, anak," Sabi naman ng mommy niya.
"Tama na yan Kyle. Matulog ka na," Saway ng daddy niya at kinuha na ang bote ng alak.
"Anong problema anak?" Tanong ng mommy niya.
Umiyak si Kyle at naupo naman ang pamilya niya upang makinig at damayan siya.
"Galit sa akin si Kate."
"What?" Sabay na sabi ng mommy at ate niya.
"Anong nangyari?"
Kinuwento na ni Kyle ang buong nangyari.
"Intindihin mo muna siya Kyle, kung ako din naman ay magugulat sa nangyari. Balikan mo nalang siya ulit bukas baka malamig na ang ulo niya pagbalik mo. Kakausapin ko nalang si Cindy kung bakit niya ginawa ang bagay na yon."
"Tama ang ate mo anak, magpahinga ka na makakasama din sayo ang pag-inom ng maraming alak," Payo ng mommy niya.
"Maglinis ka na dyan at tumayo. Hindi ka pwedeng magmukhang may hang over sa alak bukas. Nakakahiya yan kay Kate," Sabi naman ng daddy niya.
Hinalikan siya ng mommy niya at hinatid na sa kwarto.
"I know, Kate will understand you."
Gumaan naman ang loob ni Kyle sa sinabi ng mommy niya at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto pero bago yon ay nagpasalamat muna siya.
Kinaumagahan ay pagkagising na pagkagising palang ni Kyle ay hindi na siya nag-atubiling puntahan si Kate sa bahay nila. Dala-dala na niya rin ang singsing at balak na niyang magpropose dito pero hindi muna niya kinancel ang mga decoration na binili niya online noon. Just in case lang na baka mapapayag niya si Kate magpakasal sa kanya ngayon.
Nasa byahe na si Kyle papunta sa bahay nila Kate.
Habang si Kate naman ay nasa kwarto niya at kausap ang kanyang kaibigan na si Stacy through call.
[Girl, baka naman kasi magpapaliwanag yung tao pero hindi mo pinakinggan?] Sabi ng kaibigan niya sa telepono.
"Yun na nga eh, nasaktan ako syempre. Hindi naman siya hahalikan ni Cindy kung wala siyang motibo. Ano pang ipapaliwanag niya? Sinaktan na naman niya ako!"
Alam ni Stacy na dapat ay ikakasal si Kyle kay Cindy kaya naiinis din naman siya dito.
[Yung bruha talaga na yon napakalandi. Linta kung makakapit. Nakakainis! Oh anong balak mo ngayon?]
"Hindi ko alam, baka hindi ko muna siya kausapin. Kailangan kong makapag-isip."
[Ikaw ang bahala pero kapag kailangan mo ako tawag ka lang ha?]
"Yes, sure. Salamat sa comfort Gab bff talaga kita. Sige na baka may gagawin ka pa ibaba ko na to."
Buti nalang ay may Gabriella Stacy R. Ygrubay sa buhay niya.
Sa kabilang banda ay sinusugod naman ng ate ni Kyle si Cindy na nasa labas ng Hernandez Company dahil hinihintay si Vin.
"Hoy Cindy! Ano bang ginawa mo sa kapatid ko? Nag-aaway sila ni Kate ng dahil sa kalandian mo!"
"Bakit ako? Nanahimik ako dito at labas ako sa away nilang dalawa," Tawa pa niya.
"Baliw ka ba? Hinalikan mo ang kapatid ko at nakita yon ni Kate! Bakit mo ginawa yon?"
"So? Kasalanan ko bang nakikinig siya sa usapan namin at nakita ko siya sa likod ng mga halaman? Gusto ko lang naman siyang pagselosin."
Sinampal siya ng ate ni Kyle.
"How dare you? Wala kang karapatang halikan ang kapatid ko! Dahil sa ginawa mo ay galit ngayon si Kate sa kapatid ko." Sabi ni Sam. "Kapag hindi pa sila nagkaayos ay gagawin kong impyerno ang buhay mo!" Dagdag pa nito at nagpatuloy nang pumasok sa kumpanya nila.
Nakarating na si Kyle sa labas ng bahay nila Kate. Kumatok na ito at lumabas ay ang papa ni Kate.
"Pasok ka Kyle, bakit nga pala napabisita ka?" Ngiti at tanong ng papa nito.
Nakakutob si Kyle na hindi pa nagsusumbong si Kate.
'Buti naman' ang sabi niya sa isip niya.
Nagtungo na sila sa sala ng bahay.
"Para po kamustahin kayo saka si Kate."
"Ganon ba? Hindi pa kasi bumababa si Kate ng kwarto. Kilala ko ang anak ko kapag ganon yon ay may problema siya," Sabi naman ng papa ni Kate.
"Nag-away ba kayo ni Kate, Kyle?"
Biglang kinabahan si Kyle dahil baka magalit sakanya ang papa nito.
"Ah hindi po tito, konting misunderstanding lang."
Napatango naman ang papa ni Kate.
"Alam mo Kyle, kaisa-isang babaeng anak ko si Kate. Bilang magulang niya ayokong makikita ko siyang nasasaktan. Mahal ko ang anak ko Kyle. Nakikita ko rin na mahal na mahal ka niya at sana ganon ka din sa kanya."
"Oo naman po tito, gagawin ko ang lahat para kay Kate. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."
Tumayo na ang papa ni Kate.
"O sya sige. Umaasa ako na paninindigan mo yan. Aalis muna kami ni Melinda at may aasikasuhin kami. Ikaw muna ang bahala sa anak ko dahil nasa trabaho si Dustin. Nandon siya sa kwarto at katukin mo nalang."
"Salamat tito, mag-iingat po kayo."
Nagpaalam na ang papa ni Kate papuntang kotse at pababa naman nga hagdan ang mama niya.
"Hi tita!" Bati ni Kyle.
Hindi na bago sa mama ni Kate na madalas na nasa kanila sk Kyle.
"Hello Kyle, magiingat kayo ni Kate dito. Kailangan na naming umalis."
At nagbeso naman sila at tuluyang naghiwalay ng landas.
Bumusina na ang kotse sa labas tanda na nakaalis na ang mga magulang ni Kate.
Akala ni Kate ay siya nalang ang natira sa bahay kung kaya ay nagulat siya dahil may kumatok sa pinto
Sa pagkakaalam niyang wala nang tao ay kinabahan siya at nagtalukbong ng kumot. Naisip niyang hindi nga pala naka-lock ang kanyang kwarto kaya dali-dali siyang pumunta sa pinto at bigla naman itong bumukas.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...