Chapter 9: I REALLY DON'T KNOW

114 52 0
                                    

Ngayon alam ko na kung bakit ka bumalik, para ayusin ang puso ko o para saktan na naman ulit? Yun ang hindi ako sigurado.

Pumunta na kami Trixie sa ice cream parlor na favorite niya. Sa di inaasahang pagkakataon ay natanaw ko si Kyle at ang pamangkin nya sa loob.

Bigla akong bumaling kay Trixie na nakangiti pa.

"Ahhhh Trixie pwedeng sa ibang ice cream parlor nalang tayo?" Tanong ko kay trix with puppy eyes.

"Bakit po tita?" Mukhang iiyak na siya, paano ba ito?

May choice ba ako? Kun'di piliin nalang ang pamangkin ko kesa sa kaartehan kong ito.

"Ay wala, sige tara na nga," aya ko sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ay napansin kong nakatingin ng malagkit sakin si Kyle. Hinanapan ko muna si Trix ng mauupuan namin sa kasamaang palad sa kaharap pa talaga na table nila Kyle ang free. Hindi ko na pinansin si Kyle alam ko namang masasayang lang ang oras ko sa kanya. Dumiretso na ako sa counter at nagorder.

2 cookies and cream ice cream

Pagbalik ko sa table namin ni Trixie ay nakangiti pa rin siya. Napangiti din tuloy ako dahil ang cute niya.

Cuteness overload!

Dumating na yung order namin at nakita ko namang masaya siya sa nilibre kong ice cream sa kanya.

Pagtapos kong kainin yung icecream ay tumayo siya.

"Alis na tayo Trix?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Kinuha ko tuloy yung bag ko at tumayo na din.

Hinila niya ako sa kabilang table kung saan nandoon sila Kyle.

Ano bang ginagawa ng batang ito?

"Hi Dey, nandito ka din pala hindi mo nalang ako inaya kanina na pumunta dito para sabay nalang tayo," nanlaki naman ang mga mata ko sa mga sinasabi ni Trixie dun sa bata na Dave naman ang pangalan.

"Sorry Xie, hindi ko naman alam na gusto mo mag ice cream ngayon e," Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Dey.

May sarili pa silang tawagan ah.

Alam ko kasi Dave ang pangalan ng batang ito base sa pagkakarinig ko kanina. Dahil sinusuway siya ng tito niya dahil naglilikot.

Puppy love ba sila? Babata pa nila pero I found it cute. Bigla naman akong napangiti.

Cuteness overload!

"Meet my tita Joy, Dey. She is the sweetest tita ever," Tuluyan nang naupo si Trixie at nakitable kila Kyle.

Wala naman na akong magagawa hindi na ako makakatakas sa mga batang ito. Anong choice ko? Ano ba yan Trix nilalagay mo ako sa panganib.

Pero nakatayo lang ako dahil hindi ko mapigilang hindi mainis sa lalaking nasa harapan ko.

"Meet my tito Kyle din, Xie. Kauuwi lang niya galing Canada a week ago," Nagulat na naman ako. So sa Canada pala siya galing? All this time?

"Upo ka po tita," aya ni Trix na parang siya yung may-ari ng table.

Wala naman nang upuan. Tatayo nalang ako dito.

Bigla ko namang napansing tumabi ng kaunti si Kyle. Anong ibig niyang sabihin magtatabi kami? No way!


Nagkukwentuhan ang dalawang bata habang kami naman ni Kyle ay walang imik. Nakakairita naman tong lalaking to hindi sa pag-aassume pero kanina pa talaga siya tingin ng tingin sa akin.

No choice ako kanina dahil pinilit ako ng dalawang bata. Magkatabi tuloy kami ngayon! Kainis.

Naiilang ako sa presensya niya. Tutal wala din naman kaming maayos na closure noon at hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan yung sinabi niya balang araw maiintindihan ko kung bakit niya ako iniwan. Ano namang ginawa niya sa Canada?

This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon