Bumisita sila ni Kyle sa coffee shop na nilang dalawa.
"Successful na successful to love ah! Bilib din talaga ako sayo napakasipag mong tunay, kaya mahal na mahal kita," Papuri na may kasamang tawa ni Kyle.
"Hindi yan magiging successful kung hindi mo ako iniwan noon," Banat ni Kate.
"Grabe naman sa iniwan love, magfocus tayo dito sa new branch mo. Opening palang a month ago pero ang dami nang costumers."
Napangiti naman si Kate dahil totoo nga. Nandito sila ngayon sa coffee shop niya sa South.
Lumuhod naman si Kyle at hinalikan ang malaki nang tyan ni Kate.
"Babies kayo magmamamana ng lahat ng ito ha? Kaya be good to your mommy," Kausap niya sa anak niya.
Napatawa naman si Kate dahil napakabuting asawa ni Kyle.
"Tara na love umuwi na tayo dahil mapapagod ka, saka kaya na ng mga staffs mo yan," Aya ni Kyle sa asawa.
Tumango naman si Kate at naglakad papunta sa mga staffs niya na busy.
Inalalayan naman siya ni Kyle maglakad.
Naghabilin siya ng mga bagay na dapat gawin bago tuluyang magpaalam sa manager.
"Okay na love, let's go?" Tanong ni Kate.
"Sure love, why not?"
Nagtawanan naman silang dalawa.
Habang nagmamaneho pauwi si Kyle ay naguusap lang sila about random topics.
"Love, tutulungan ko na nga pala si ate about sa company namin," Baling niya sa asawa.
"Good, business man ka na lalo. Mana ka na sakin," Tawa naman ni Kate.
Bukod kasi sa tinutulungan na siya ni Kyle sa shop niya ay siya na ang magmamay-ari na ng kumpanya nila. Ituturn over na. Habang ang ate naman nito ang aalalay sa kanya.
"Si Dustin ba kamusta?" Tanong ni Kyle sa kanya.
"Busy na sa farm, tinalikuran na din ang pagiging doktor dahil mas masaya daw sa farm which is totoo naman. Masaya doon at relaxing plus magiging kamukha na niya ang mga hayop doon," biro ni Kate at nagtawanan naman sila.
"Nagresign siya?" Tanong ni Kyle sa kanya.
"Yes, last month lang," Sagot ni Kate sa kanya.
"Kung ganon naman pala bisitahin natin siya kapag may time. Makalanghap man lang ng sariwang hangin."
"Sure, matutuwa yon at makikita ka niya," masayang wika ni Kate.
Pagkauwi nila ay pinaghanda na ni Kyle ng makakain si Kate. Hinatid niya ito at pinagpahinga muna sa kwarto.
Pagtapos ng kasal nila at magkasama na sa bahay ay siya na ang umaasikaso dito.
Mas inasikaso niya ito simula noong nagsimula siyang magspotting at ngayon ay madalas na kaya nag-aalala siya sa asawa.
Mahal na mahal niya si Kate kaya aalagaan niya ito hanggang sa makakaya niya.
Pag-akyat niya sa kwarto dala ang pagkain ay nakatulog na pala ang asawa. Dala na rin siguro ng sobrang pagod.
Itinabi nalang ni Kyle ang pagkain at nahiga sa tabi ng asawa.
"I love you, Kate," Sambit niya habang pinagmamasdan ito.
"I always do," Dagdag pa niya at hinaplos ang pisngi nito pagtapos ay hinalikan na ang asawa sa noo.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na rin siya habang yakap yakap ang asawa.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...