Bakit sinaktan na naman niya ako?
Nagsimula na ang party at nagkakasiyahan na din ang mga tao. Kami naman ay kumakain habang nagkukwentuhan.
Ang mommy nila Kyle ay busy sa guests pati na din ang ate nito.
"Kate, you're here! You're so beautiful," Speaking of.
Bineso ako ng ate niya sabay niyakap.
"Thank you ate Sam, You're beautiful also."
"I miss you, bihira ka nalang mapunta sa bahay!"
"Sorry ate, busy sa work alam mo naman."
"Okay lang, miss ka na din ng mga anak ko."
"Bawi ako next time."
"Sure?"
"Sure!"
"Ate tigilan mo na nga si Kate ang kulit mo kahit kailan," Pigil ni Kyle sa ate niya.
"Ang o.a mo naman nag-uusap lang naman kami. Gusto mo palaging masolo yan si Kate!"
Natawa naman ako sa kanila dahil mukha na silang aso't pusa na nagbabangayan.
Pagkaraan ay umalis na din ang ate niya dahil may inaasikasong bisita.
Si Kyle naman ay hindi ako iniiwan. As usual sinasabi niyang hindi pa naman siya ang hahawak ng company nila.
Alam ko naman yon kaya dapat pa rin niyang matutunan. Yan ang sinasabi ko sa kanya pero ang kulit niya. Ayaw niya talaga akong iwan dito kahit kaya ko naman.
After an hour ay nagpaalam muna sa akin si Kyle na pupunta lang siyang restroom.
Binilangan ko siya ng ilang minuto dahil ang tagal niyang bumalik. I think 15 minutes.
Tumayo na ako dahil medyo malapit lang naman ang c.r sa table namin.
Hinanap ko si Kyle pero wala siya sa c.r buti din at walang tao doon dahil baka mapagkamalan naman akong namboboso.
Iniikot ko ang paningin ko para sana ay masumpungan siya.
Ngunit wala kaya lumabas na ako sa event hall.
Pagtalikod ko sa kinatatayuan ko ay nandon siya.
Si Kyle ba yon?
Anong ginagawa niya dito?
Nakatalikod siya at parang may kaharap na babae.
Nagtago ako sa mga halaman para hindi ako makita.
May kaharap nga na babae.
Pero sino yung babae?
Lumapit ako ng kaunti dahil hindi ko alam kung anong ginagawa at pinaguusapan nila.
Parang sinaksak ang puso ko nang makita ko silang naghahalikan.
Totoo ba tong nakikita ko? Kahalikan niya si Cindy?
Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Tumayo na ako para umalis pero natabig ko ang paso na nakatabi sa akin.
Tinignan ko sila at natigil ang halikan nilang dalawa.
"K-Kate, mali ang nakita mo," Sabi ni Kyle.
Tiningnan ko si Cindy na nakangisi sa akin.
Lumapit sa akin si Kyle pero bago siya makalapit ay tumakbo na ako papalayo.
Hindi nga siya ulit umalis pero sinaktan na naman niya ako. Iba nga lang ang naging dahilan.
Kyle...
Bakit mo ako sinaktan ulit?
Palabas na ako sa hotel bago niya ako maabutan. Hindi na ako nakapagpaalam kila tito at tita pati na rin kay ate.
Alam kong busy sila at ayaw ko na din silang pagalalahanin pa.
Paglabas ko sa hotel ay natapilok naman ako.
"Ouch!"
Ang sakit ng pagkakatapilok ko. Pero mas masakit ang ginawa ni Kyle.
"Miss okay ka lang?" Tanong sa akin nung lalaki na sa labas umiinom ng alak.
"Tingin mo?" Natawa naman siya at tinulungan na akong tumayo.
"Ang sungit mo naman. Im John and you are?" Lahad niya ng kamay pagtapos kong makatayo.
"Kate."
"Anong ginagawa mo dito? Hindi pa tapos ang party ah?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sayo?"
"Wala lang boring sa loob at mas gusto kong mag-isa. Ikaw ba?"
"Kailangan ko nang umuwi kasi may aasikasuhin pa ako sa bahay," Palusot ko para hindi na siya maraming tanong.
"Ah kaya pala, okay fine," Sabay inom niya ng wine.
Umalis na ako pero parang hindi ko kayang maglakad.
"Are you alright? Do you need help?"
Tinry ko pa ring maglakad pero masakit talaga
"Tara, tulungan na kita."
Hinayaan ko naman siyang tulungan niya ako. Inakbayan niya ako para alalayan at bumaba sa hagdan.
"Thank you!"
"Gusto mo bang ihatid na kita? Mukhang hindi safe ang mga taxi ngayon."
"Hindi okay lang ako."
Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin siya umaalis kaya napatingin na ako sa kanya.
"Walang dumadaan na taxi kaya mas lalong hindi safe." Sabi naman niya.
"Ano magtitiwala ka ba sa akin?" Dagdag niya.
"As if may choice ako," Gusto ko na ding umalis dito.
"Kukunin ko lang ang kotse ko hintayin mo ako dito," Nag-alinlangan naman ako dahil baka dumating si Kyle.
"Sasama ako," Nagtaka naman siya.
"Kaya mo ba?"
Oo kakayanin.
Pero nakakadalawang step palang ako ay hindi ko na kaya.
"Tara na nga bubuhatin na kita. Baka abutin tayo ng siyam-siyam dito."
Binuhat naman niya ako na parang pang-kasal.
Natulala ako dahil sa ginawa niya.
Mas natulala ako dahil ang gwapo niya.
Pero mas gwapo si Kyle.
Pero galit ako sa kanya.
Nakarating na kami sa sasakyan niya kaya ibinaba na niya ako. After that ay pinagbuksan na niya ako ng pinto.
Inistart niya ang kotse at umalis na kami. Nagkwentuhan lang kami buong byahe at doon ko siya mas nakilala
John Vincent H. Ortiz, 28 Years old, Business Man
"Ah dito nalang, salamat sa paghatid mo naabala pa kita John."
"No worries. You're welcome. Sa susunod ay mag-iingat ka na," Ngumiti ako sa kanya at bumaba na ako ng kotse niya.
Hinintay kong maka-alis siya bago ako pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...