Hindi ko maintindihan ang puso ko, basta ang alam ko hindi pa ako handa na magmahal kahit pa sayo.
After that night bumalik na ako sa dating gawi ko. Hindi na ulit siya nagparamdam after a week. Sabi ko na nga ba hindi totoo ang lahat at hindi na siya babalik. Ang tanga ko napaniwala ako ng medyo slight.
"Maam, may nagpadeliver po sa inyo nito."
Napatingin naman ako sa isang staff ko. Hindi na bago sa akin ito dahil marami namang nagpapadala sa akin. Iniabot na niya sa akin ang isang box na maliit lang. Kinuha ko na iyon at binuksan.
"Bulaklak? At bracelet?" Tanong ko sa sarili ko. Bracelet na nasa box na maliit ang nakalagay sa box. Meron ding bracelet na silver na maganda ang design.
May napansin akong papel na nakadikit sa box. Binasa ko ang nakasulat dito.
'Hi Kate, sana ay naging maganda ang gising mo ngayong araw. Masaya akong malaman na masaya ka.' -K
Ang weird naman ng tao na nagpadala nito. Itinabi ko na ang box at nilagay sa drawer ko. Itatambak ko lang naman to dito. Pero it's nice. Pagiisipan ko kung iuuwi ko.
Lumipas na naman ang isang linggo pero nagulat ako dahil si Kyle ang bumungad sa office ko.
"Sorry maam hindi ko po siya napigilan. Hindi pa po open ang store pero nandito na siya," Sumenyas ako sa staff ko na okay lang kaya umalis na siya.
"Hi Kate, sorry kung natagalan. May inasikaso lang ako pero ito nga pala may binili akong bulaklak para sayo."
Iniabot niya sakin yon. Nagtaka ako dahil ganon din ang bulaklak na bigay sa akin last week pero iniuwi ko sa bahay.
Hindi ako nagkakamali dahil natitigan ko pa ang bulaklak na yon. Hindi ko nalang pinansin hindi naman na din mahalaga.
"Kyle diba sinabi ko naman na sayo na wala pa ulit sa isip ko ang mag ganito?"
Gusto ko munang mag-focus talaga sa career ko at hindi pa rin talaga ako sigurado kung seryoso siya sa pagbabalik niya.
"Kate, ginagawa ko to para palitan ang nga pagkukulang ko sayo noon. Wala akong pake kung nakafocus ka sa career mo. Tutulungan kita basta hayaan mo akong mahalin ka at iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga."
Pumasok na ako sa office ko at tinuloy ko ang ginagawa ko na asikasuhin ang mga papeles na kailangan para sa pinatayo kong branch sa south as their request. Hindi ko na inasa sa mga staffs ko dahil mas maraming costumers ngayon.
"Sige na umalis ka na, marami din akong gagawin at pagtapos ko dito tutuloy na ako sa hospital."
Hindi sa pagtataboy pero hindi matigil ang nararamdaman ng puso ko sa kanya. Kailangan ko munang pag-aralan ang puso ko kung kaya ko ulit magtiwala sa kanya.
"Sige Kate, I need to go na rin. I love you," At umalis na nga siya pagtapos niyang halikan ang mga kamay ko.
Yung I love you niya ang kahinaan ko. Bakit ba ganito ang puso ko? Pilit ko namang pinipigilan ang nararamdaman ko.
Ilang buwan ang lumipas ay ang dami nang nangyari at hindi siya tumigil para makuha ulit ako. Ilang buwan na din ang pagsuyo na ginagawa niya sa akin. Hindi niya ako tinigilan hanggat hindi ko pinapansin ang kanyang nararamdaman.
Pumupunta siya lagi sa bahay tuwing free time niya. Marami din naman siyang inaasikaso lalo na sa company nila. Bumibisita din siya minsan sa shop or sa hospital just to check me.
Pagtapos ko kumain ng agahan ay nagtungo na ako sa shop ay nagtungo na ako sa hospital. As usual marami pa ring pasyente. Araw-araw naman ay may nanganganak at nagpapacheck-up.
"Hindi mo pa rin ba papansinin ang nararamdaman ni Kyle para sayo?" Bungad sakin ni Stacy.
Mangiinis na naman ito kaya hindi ko nalang siya sinagot. Wala din naman akong balak pansinin si Kyle talaga.
"Ano ka ba Joy? Ilang months mo nang pinapahirapan yon. Baka mamaya makahanap na yun ng iba," Pagbabanta naman niya sa akin.
"Ilang months? Ilang years din siyang hindi nagparamdam. Deserve niya yon Stacy. Kung makakahanap man siya ng iba e 'di hindi totoo ang nararamdaman niya para sakin. Bumalik lang siya para manggulo ulit."
"Bigyan mo siya ng chance Joy. Diba yan din naman ang gusto mo noon? Ang makita ulit siya na successful na. Ang bumalik siya dito sa Pilipinas," Pangungumbinsi niya sa akin.
"Ewan ko."
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...