Ngayon malalaman mo na ang tunay na dahilan at kung paano ako nasaktan noong kita ay iniwan.
Kyle Kennedy V. Hernandez
28 years old
Doctor of Medicine (Pediatrician)
Business ManNakaupo ako ngayon sa terrace namin dito sa Canada. Kasama ko dito ang ate ko at ang mga pamangkin ko. Sila mommy ay kauuwi lang ng Pilipinas at babalik nalang dito ulit para sa bakasyon nila.
Hindi ko mapigilang hindi maisip si Kate. 10 years na ako dito sa Canada pero siya pa rin ang laman ng puso ko. Dapat ay noon palang nakauwi na ako pero nanghinayang ako, mas gusto kong tapusin na dito ang pag-aaral ko. Para malaki na ang maipagmamalaki ko kay Kate kapag bumalik na ako.
Sana lang ay wala pa siyang asawa ngayon. Dahil sisihin ko talaga ang sarili ko. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko kay Kate ay biglang bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala naming dalawa. Simula highschool hanggang college. Hanggang dumating sa punto na kailangan ko muna siyang iwanan sa Pilipinas. Ayoko man pero mas kailangan ako ng ate ko dito.
---------------------
Wala naman akong gagawin sa bahay kaya tatambay muna ako dito sa school. Nag-iisa lang naman ako palagi doon sa bahay dahil palaging wala si mom and dad. As usual busy sa business namin. Pinapalago kasi nila ang restaurant na pinundar nila. Si ate naman ay late na umuuwi sa bahay dahil college na.
May nakita akong isang babae. Ang ganda niya ang sarap pagmasdan ng maaliwas niyang mukha. Ang kinis at ang puti ng kutis. Pink ang mga labi, mahaba ang buhok, medyo katangkaran, matangos ang ilong. for short maganda talaga siya at disenteng tingnan. Nilapitan ko siya dahil ayokong aksayahin pa ang oras.
"Hi miss bakit ka nag iisa dito?" Lapit ko sa kanya. Halatang nagtataka siya dahil gwapo ang nasa harapan niya.
"Kilala ba kita para tanungin mo ako ng ganyan?" Napangiwi ako sa sinagot niya. Akala ko hindi maldita mukha kasing anghel na ipinadala sa akin mula sa langit.
"Ah hinihintay ko kasi yung kapatid ko di pa sila dismissed e. Ikaw ba?" Napatango ako. Akala ko naman susungitan pa rin niya ako.
Hindi siguro makapaniwala sa kagawapuhan ko.
"Ah wala lang nakita kasi kita nagiisa," smile ko sa kanya.
"Kyle nga pala," dagdag ko pa. Iniabot ko ang mga kamay ko sa kanya at iniabot din niya naman ang kanya. Ang lambot alagang-alaga naman ng parents niya ito.
"Im Kate, nice to meet you. Nandito na pala yung kapatid ko, Bye mauuna na kami. Salamat sa approach mo," bigla nalang siyang umalis.
Hintayin mo ko Kate, bukas na bukas din ay kikilalanin na kita.
-------------------
"Love college na tayo ang saya naman, pagtapos ay makaka-graduate na tayo. Mabilis nalang yun dahil kasama kita," sabi ko sa kanya.
Excited na kasi ako sa magiging takbo ng buhay ko kasama siya.
"Oo naman love, marami akong plano para sa ating dalawa. Kaya wag mo kong iiwan, kakatayin talaga kita."
Nagtawanan naman kaming dalawa sa mga sinabi niya. Mahal na mahal ko talaga 'tong babae na to kahit sadista.
"Kakatayin mo ko? Hindi mangyayari yon dahil hindi naman mangyayari na iiwanan kita. Baka ako pa nga ang iwan mo," napasimangot naman siya sa sinabi ko.
"Hindi din mangyayari yon Love itaga mo pa sa bato. I love you," Sabay yakap at halik niya sa pisngi ko ng madami.
--------------------
"Ang ganda naman dito Kyle bakit nagsayang ka pa ng pera sa first date natin?" Tanong sa akin ni Kate.
Nakikita kong masaya siya kaya masaya na rin ako. Napakaganda kasi ng mga ngiti niya kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
"Ano ka ba? Syempre first anniversary natin ito kaya dapat lang na paghandaan ko," Pagmamalaking tugon ko sa kanya.
Mukhang nahanginan din siya sa mga sinabi ko. Ang cute talaga ng babaeng to.
Katatapos lang namin kumain at wala akong tigil sa pagkukwento sa kanya. Kung paano ako natae sa shorts noong bata. Saka kung paano ako paluin ni mama ng kung ano-anong mga bagay noon. Nakwento ko nga din yung natuli ako.
Sa tuwing kasama ko si Kate nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Siya ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko at siya din ang babaeng pinakamamahal ko bukod sa pamilya ko. Balang araw pakakasalan ko tong babae na to. Gagawin ko ang lahat para lang mag-stay siya sa buhay ko.
May ibibigay nga pala ako sa kanya.
"Ipikit mo ang mga mata mo Kate, bilis," Excited na sabi ko sa kanya.
"Ano na naman ba to Kyle?" Inis na excited na sabi niya sa akin.
"Wag ka nang mag-inarte dyan, Ito na idilat mo na."
Napanganga siya sa gulat dahil sa laking teddy bear na nakaharap sa kanya ngayon. Ang laki nito at parang hindi ko na rin kayang buhatin ng matagal. Pero worth it naman na nakikita ko siyang masaya ngayon.
"Hindi ko naman kailangan ito e. Ikaw lang sapat na sa akin," Panghihinayang na saad niya.
Hindi talaga siya materialistic na tao at isa ito sa nagustuhan ko sa ugali niya.
"Pasasalamat ko yan sayo love. Hindi mo ako iniiwan palagi at lagi mo akong inaalagaan. I love you," Niyakap ko nalang siya at hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
Lãng mạnKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...