Ito na ang itinakdang oras para baguhin lahat ng kamaliang nagawa ko noon.
"Kyle samahan mo nga ako sa paghatid kay Dave," Hiling sa akin ni Maine.
"Pasensya na nasira kasi ang kotse ko kahapon," Sumang-ayon naman ako sa hiling niya.
Wala naman akong ginagawa sa bahay at hindi pa ako kailangan sa kumpanya.
Bago namin ihatid si Dave ay dumiretso muna kami sa isang coffee shop para mag-agahan.
'Stark's Coffee Shop'
Bakit naman dito pa ako dinala ng pinsan ko?
Maganda yung shop. Napaka-relaxing ng ambiance. Umaga palang pero abala na ang mga staffs dahil marami na agad ang mga costumers.
Bilib ako kay Kate dahil napatakbo niya ito. Bigla naman akong nalungkot dahil hindi niya ako kasama sa pagtupad nito.
"Tito, gusto ko po ng Frappuccino saka Velvet Cake," Yugyog naman sa akin ni Dave.
Sinunod ko ang gusto niya at nag-order na. Hinahanap ko si Kate pero mukhang wala naman siya dito.
Sinerve na ang order namin at kumain na.
Habang si Charmaine naman ay nagkukwento kung gaano kakulit tong si Dave at bigla naman kaming nagtawanang tatlo dahil hindi pa siya pumapasok ay napakadungis na niya.
"Kyle, favor ulit bukas ah, pwedeng ikaw na muna ang magsundo sa kanya sa school? Ako naman ang magsusundo sa kanya mamaya dahil bukas OT ko," Lingon niya kay Dave.
"Sige lang, ayos lang naman. Alam kong busy kayong mag-asawa," Assured ko sa kanya.
"Salamat."
Pagtapos namin kumain ay hindi ko na talaga nasilayan si Kate. Umalis na kami para ihatid si Dave.
Kinaumagahan ay nakatambay lang ako sa bahay. Yung mga pamangkin ko galing Canada ay nagenroll at si ate ang kasama nila bago siya pumunta sa company para matuto na mag-handle. Sila Maine ay hinatid si Dave kasama ang kanyang asawa na si Angelo.
Nagswimming nalang ako mag-isa tutal wala naman akong gagawin magdamag. Naalala ko sa pool si Kate. Nagswimming din kasi kami sa kanila noon at nalunod siya.
Bigla naman akong nangiti sa ala-alang naisip ko. Sana maibalik pa ang dati naming pinagsamahang dalawa.
Hintayin mo ako Kate gagawa na ako ng paraan para makausap kita.
Hapon na at uwian na ni Dave kaya nagtungo na ako sa school nila. Minaneho ko ang isa kong kotse dahil pinacarwash ko ang isa. Nakakamiss dito sa Pilipinas. Kahit mausok at masikip mas gusto kong dito manirahan.
Nakarating na ako sa school ni Dave at nakita ko na siyang nakikipaglaro. Iniwan ko muna siya doon dahil ayos naman ang lagay niya. Sabi ko may ichecheck lang muna ako sa sasakyan dahil kanina kasi parang mawawalan na ng gas. Hindi ko naman napansin agad at hindi ako nakadaan sa gas station.
Bago ko pa man macheck ay naririnig ko na ang iyak ng isang bata.
Si Dave yon at tinatawag niya ako.
Dali-dali akong tumakbo papalapit kay Dave at laking gulat ko na kaharap niya si Kate.
Hindi ako makapaniwalang ngayong araw ang pinakahihintay ko. Ilang buwan din akong naghintay na mangyari ang araw na ito.
Nginitian ko siya habang siya ay nakatulala lang. Mas lalo kong nakita ang kagandahan niya. Mas lalo ko siyang namiss.
Biglang may yumakap sa kanya isang cute na bata. Anak niya kaya yon?
Hinila na ako ni Dave sa malayo na mayroong upuan at pinatahan ko na siya. Tinanong ko din kung ano ang nangyari at kinuwento naman niya. Aminado siyang kasalanan niya at siya din naman ang umiyak noong pinagsabihan siya ni Kate.
Dinala ko nalang siya sa ice cream parlor para hindi na siya umiyak. Kung ano ano lang ang pinagkukwentuhan namin ni Dave.
Napansin kong pumasok din sa store si Kate at ang batang kasama niya. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa matapos silang kumain ng ice cream. Kinakausap nga ako ni Dave pero tango lang ako ng tango.
Bigla namang may lumapit sa aming bata na kasing-edaran ni Dave. Naalala ko na. Siya yung batang kasama ni Kate kanina. Bigla tuloy akong natauhan dahil lumapit na si Kate dito.
"Hi Dey, nandito ka din pala hindi mo nalang ako inaya kanina na pumunta dito para sabay nalang tayo," nagulat naman ako sa sinabi niya pero ang cute.
"Sorry Xie, hindi ko naman alam na gusto mo mag ice cream ngayon e," Aba ang loko mukhang may crush na.
"Meet my tita Joy, Dey. She is the sweetest tita ever," ah pamangkin pala niya.
Akala ko wala na akong pag-asa akala ko may anak na siya.
Umupo na si Trixie, yan pala name niya at nakipagkwentuhan na kay Dave. Binigyan ko naman si Kate ng mauupuan sa tabi ko dahil kanina pa siya nakatayo. May nakikita akong inis sa mukha niya. Ayaw na niya akong katabi?
Buti nalang napilit siya ng mga bata.
"Meet my tito Kyle din, Xie. Kauuwi lang niya galing Canada a week ago," Hays ang daldal ng batang to. Alam na ni Kate kung saan ako galing. Okay lang, malalaman pa rin naman niya.
Nagkukwentuhan ang dalawang bata habang ako naman ay naattract sa kagandahan ni Kate. Mas lalong gumanda. Mas lalo kong minamahal.
Pagkauwi namin ni Dave ay naisipan kong ito na ang tamang oras para makapagusap kaming dalawa. Gumawa ako ng account para sa kanya at para ma-message siya. Binura ko ang account ko dati. Masyadong naging toxic ang social media sa akin noon. Kaya nawalan ako ng update kay Kate.
Kanina pa ako naghihintay ng reply niya pero wala. Basta pupunta ako sa tagpuan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...