Ang sakit pa rin pala, nandito pa rin hindi naghilom ang sugat sa puso ko na siyang dinulot mo.
Napansin ko na papalapit ang tito niya. Bigla kong nabitawan ang laruan na hawak ko. Si Kyle ang tito niya? At siya din yung batang nakita kong kasama niya kahapon sa shop.
Napayuko ang tingin ko ng bitawan ako ng batang hawak ko at kinuha niya ang laruan niya bago magpasalamat sa akin.
Kami nalang tatlo ang natira dito. So hindi pala anak ni Kyle ang batang ito. Pero sino yung babaeng kasama niya kahapon? Baka kasintahan niya.
Nginitian niya ako at ganon din ako sa kanya. Natunaw muli ang puso ko sa simpleng ngiti niya. Napakaganda kasi at napaka amo ng mukha niya. Nakakagaan ng loob ang maaliwalas niyang aura.
'Hi miss bakit ka nag-iisa dito?' Tanong sakin ng lalaki na may nakakatunaw na ngiti at may napakagandang labi at mga mapupungay na mata na mayroong matatangos na ilong. Napakalinis niyang tingnan at maamo ang mukha.
'Kilala ba kita para tanungin mo ako ng ganyan?' Napangiwi ang lalaki sa tanong ko. Mali nga siguro ang naging tanong ko. Kaya binawi ko ito.
'Ah hinihintay ko kasi yung kapatid ko di pa sila dismissed e. Ikaw ba?' napatango naman ang lalaki sa sinabi ko.
'Ah wala lang nakita kasi kitang nagiisa,' smile nya.
'Kyle nga pala,' dagdag niya.
'Im Kate, nice to meet you. Nandito na pala yung kapatid ko, Bye mauuna na kami. Salamat sa approach mo.'
Bigla namang may yumakap sakin kaya natauhan na naman ako, si Trixie lang pala ang pamangkin ko. Pininch ko ang cheeks niya.
"Saan mo gusto ngayon Trix?" Bati ko sa kanya.
"Sa ice cream parlor po tita," excited niyang sabi.
"Hmmmm, sige tara na!" Pero mas excited ako.
Namalayan kong nakalayo na sila Kyle at hila-hila siya ng pamangkin niya kaya hindi na din kami nakapag-usap. Sabagay, para saan pa? Matagal na kaming walang komunikasyon sa isat isa.
----------------------------------
Niyakap ko si Kyle pagdating ko saka kiniss sa pisngi
'Mag-usap tayo.'
'Ano bang gusto mong pag-usapan natin love? baka pwede naman sa restau para makakain na din tayo?'
'Kate maghiwalay na tayo.'
Walang emosyon niyang sabi. Nagulat ako dahil bigla-bigla siyang naging ganito at wala naman kaming problema.
'A-ano? B-bakit?'
Nanlalamig na ang mga kamay ko at nanginginig na ang mga tuhod ko pero hindi ko nalang yon pinansin.
'Dahil hindi na ako masaya. Ayoko na gusto ko nang maging malaya.'
Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya at ramdam ko din ang sakit ng puso ko sa mga sinasabi niya.
'Naririnig mo ba yang sinasabi mo Kyle?'
Dahil hindi ako makapaniwalang makikipaghiwalay siya sakin ng walang dahilan. Nakakapagtaka dahil bigla nalang siyang naging ganito. Maayos naman ang huling pagkikita namin.
'Nakapagdesisyon na ako.'
Napailing ako bigla.
'Ah, nagdesisyon ka na naman ng wala ako? Kyle, girlfriend mo ako! Wala na ba akong karapatan sayo?'
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...