Ang ikinatatakot kong magtagpo ang landas nating dalawa ay dumating na.
Another day dito sa coffee shop, ang sarap makita lahat ng nai-pundar ko. Naka-upo lang ako ngayon at nagmamasid sa mga costumers. Katatapos ko lang kasi mag-work sa office buti nalang at lumalago tong coffee shop at may limang branches na.
Mag-aanim pa nga sa susunod, talaga namang nakakatuwa. Napatingin tuloy ako sa pangalan ng coffee shop ko. 'Star K's Coffee Shop' natawa na naman ako dahil yang pangalan na yan ay napag-usapan naming dalawa noon.
'Kapag naka-graduate na tayo tutulungan kitang magpaggawa ng coffee shop mo. Nandito lang ako palagi para samahan ka sa lahat ng achievements mo'
'Talaga love? Thank you! Ano naman ipapangalan natin?'
'Star kasi star ka ng buhay ko na nagniningning sa mga mata ko''Kahit kailan ang korni mo. K!' Kunwaring pagtatampo ko.
'AHA may naisip na ako, korni pa rin ito pero sana magustuhan mo,' Pagmamalaki niyang sabi.
'Ano naman?' Tanong ko.
'E 'di Stark, at kapag may shop ka na ang nakalagay ay Stark's Coffee Shop.' Naweirduhan ako pero siguro okay na din yon. Sakanya naman nanggaling e.
'Ang weird mo, saan mo naman napulot yan?' Pagtatanong ko.
'Sa puso ko, ay joke lang pero sa puso ko talaga. Star kasi sabi ko tapos nag K ka kaya naging Stark tuloy.'
'Ah gets, pero sige pagbibigyan na kita. Ambag mo yan sa soon coffee shop ko,' Napangiti naman kaming dalawa sa kaweirduhan namin. Dinamay ko na pati sarili ko wala naman akong choice.
Hindi ko din alam kung bakit sinunod ko pa kahit wala na kami noong pinapagawa ko ang pinakaunang branch ng shop. Ganon siguro talaga kapag di agad nakapag-move-on.
Ayoko naman nang ibahin dahil baka maguluhan ang mga costumers ko.Sa kasagsagan ng pag-iisip ko bigla nalang akong natauhan muli dahil doon sa mga taong pumasok sa shop. Nagulat ako sa nakikita ko, napakabilis ng pagpintig ng puso ko. Gulat na gulat ako sa mga nakikita ko ngayon.
Nakaupo sila sa table dahil kao-order lang nila ng tatlong Frappuccino at isang round ng Velvet Cake. Hindi niya ako nakita kasi nasa gilid ako noong umorder siya kanina.
May kasama siyang babae na kasing edad niya at isang batang lalaki na limang taon na yata ang edad.
Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan na parang isang masayang pamilya.
Si Kyle.. Si Kyle ang nakita ko hindi naman ako magkakamali dahil yun pa rin ang tindig nya. Ang pabango na gamit nya at ang mga ngiti niya na nagpatunaw sa puso ko noon. Siya pala talaga ang nakita ko sa flower shop. Pero bakit? Sino yung kasama niya? May pamilya na ba siya?
'Saan mo gustong magpakasal Kate?'
'Kahit saan naman basta kasama ka''Love ilan gusto mong anak?'
'Isa lang para matutuon natin yung atensyon sa kanya'Umalis na sila at naiwan na naman akong nag-iisip. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Wala na akong pake sa kanya o sa buhay niya.
Kinaumagahan ay nagtungo ako sa kindergarten school ng pamangkin ko. Bibisitahin ko lang siya kasi nakaka-miss siya. Anak siya ng pinsan ko na si Kelly at siya ang pinakapaborito kong pamangkin. Tumawag naman na ako kay Kelly at pumayag naman siyang makapagbonding kami ng anak niya.
Habang naglalakad ako sa hallway napansin ko ang pamilyar na batang lalaki. Nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan. Pero di bale na, baka costumer ko din ang parents niya, marami naman akong costumer dito sa school na ito saka umiiyak kasi siya kaya dapat lang na pagaanin ko ang loob niya.
Pumunta na ako sa bata at inalo siya.
Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak at tinuro niya yung umaway sa kanya.
Ang sabi niya ay laruan niya ang hawak-hawak nung batang lalaki na tinuro niya. Pinuntahan ko yung isang bata na pamilyar din sa paningin ko at pinagsabihan ko siya habang hawak ko naman ang isa.
Nagulat ako dahil umiyak din siya nung kinuha ko ang laruan na hawak niya. Di naman sa kanya yun e doon yun sa bata.
Grabe wala naman akong ginagawa sa kanya baka awayin ako ng parents niya.
Pinatahan ko na yung bata pero tinatawag niya yung tito niya. Baka naman maskulado tito niya at bugbugin ako dito? Naku ayaw ko na aalis na ako.
Hinila ko na yung bata at aalis na sana kami pero naistatwa ako sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...