Chapter 14: DECISIONS

86 35 0
                                    

Hintayin mo ang pagbabalik ko. Ultimo isang segundo ay hindi ko palalagpasin basta sisiguraduhin ko na ika'y magiging akin.

Nakalapag na ang eroplanong sinakyan namin. Si Leo ay tulog na tulog sa biyahe. Buhat-buhat siya ni Carl at ang maleta naman nila ay buhat ni Andy na pangalawang anak ni ate.

Kumain muna kami sa fastfood chain bago tumuloy sa bahay namin na ngayon ay tinutuluyan ng pinsan ko at ang nag-iisa niyang anak.


Pagka-uwi namin ay malinis pa rin ang bahay na kinalakihan ko noon. Nandito pa rin lahat at parang walang binago si Charmaine. Nandito pa rin ang pictures namin ni ate Sam pati na rin yung family picture noon.

Nakakamiss naman tong bahay. Ang tagal ko na rin palang hindi nakauwi dito. Still wala pa ring nagbago ito pa rin yung bahay na tinatambayan namin ni Kate noon. Ang bahay na kinalakihan ko.

"Wala akong binago dito Kyle, inalagaan ko ang mansion niyo. Saka malapit na din naman kaming umalis dito dahil nakapag-pagawa na din kami ng bahay ni Angelo. Para na din kay Dave, sa anak namin," Biglang sabi ni Charmaine.

Napansin siguro niyang manghang-mangha ako sa bahay. Nginitian ko naman siya.

"Yung kwarto mo, papa at mama mo, at ng ate mo ay hindi namin ginalaw. Tanging sa guest room lang kami natutulog."

"Ang tagal niyo na dito Maine, hindi naman na kayo iba sa amin. Nasaan nga pala sila mom and dad? Dito ba sila tumuloy?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo pero nasa company pa sila. Doon na nga din sila yata natutulog sa office. Tutok na tutok sila sa negosyo niyo."

Ang mga magulang ko talaga. Kinabahan naman ako bigla dahil kami nang dalawa ni ate ang mamamahala sa susunod. Malapit na kasi i-take over sa amin ni ate ang kumpanya.



Kinaumagahan ay hindi na ako nagsayang ng oras para hanapin si Kate. Malapit lang naman ang bahay nila sa bahay namin.

Pero nautusan ako ni Maine na ihatid muna si Dave dahil hindi daw niya madadaanan ang school nito papuntang trabaho.

Si Maine ay Engineering ang tinapos ang asawa naman niya ay nasa trabaho din at Architecture ang tinapos. Meant to be.

Pagkahatid ko kay Dave sa nursery school niya ay dali-dali akong nagpunta sa bahay nila Kate.

"Nandito kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko.

Nagdoorbell na ako pero mukhang wala namang tao.

"Ay iho, mga nasa trabaho ang mga tao na nakatira dyan. Bumalik na nalang mamayang gabi," Sabi nung isang ale na kasambahay ata at nagwawalis sa tapat ng bahay ng amo niya.

"Ganoon po ba? Saan po ba sila nagtatrabaho?" Tanong ko naman sa ale.

Napag-alaman kong nagtatrabaho si Kate sa isang kilalang private hospital. Kaya pinuntahan ko agad yon pero sarado pa ito dahil masyado pang maaga. Pero may mga doktor nang sa loob.

Napansin kong may isang cafe sa tabi ng hospital. Papasok palang ako sa cafe ay may nakita akong isang pamilyar na babae.

Hindi ako nagkakamali at si Kate yon. Papabalabas na siya buti nalang ay naka hoodie ako at nagtakip ako sa ulo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil palabas na siya.

Hindi pa ako handang makita niya ako. Mukha naman akong magnanakaw kung tatayo lang ako dito kaya sinalubong ko siya.

Nakita ko ang hitsura niya at mas lalo siyang gumanda. Mas gumanda siya ngayon kumpara noon.

Gusto ko siyang yakapin pero hindi pa ito ang tamang panahon para doon.

Pagpasok ko ay nawalan na ako ng gana kumain dahil biglang nagkaroon ng kaba sa puso ko. Natuliro ako nung makita siya.

This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon