Hindi ko na kailangan pang balikan ang nakaraan, para saan pa? Para masaktan lang ulit?
"Anak, kamusta dito sa bahay natin?" Nakauwi na nga pala sila mama at papa galing sa farm namin a week ago. Pero ngayon lang kami makakapagusap dahil off ko.
Monday morning ngayon kaya nag-breakfast kami ng sabay. Si mama lang ang nandito dahil si papa mukhang natutulog pa. Hindi ko pa naman kasi siya nakikita ngayong araw.
"Okay naman ma, 'di namin nalilinis ni Dustin ang bahay dahil sobrang busy namin sa work. Kapag ganito namang off ko nagpapahinga lang ako. Si Dustin makikita ko lang kapag gabi kapag hindi pa din tulog."
Totoo naman kasi nakakapagod pa rin kahit off ko. Saka wala rin naman kaming kasambahay dito dahil kaya naman namin kumilos sa bahay kapag pareho naming off ni Dus saka aksaya lang sa pera 'yon.
"Okay then," ngiting wika niya. Nakakamiss din makakwentuhan si mama.
"Yung farm pala ma, kamusta?" Tanong ko sa kanya.
Ilang years na din kasi akong hindi nakakabalik sa Bulacan. Last time I checked marami na kaming hayop doon. Kung pwede nga lang doon nalang ako dahil masaya doon.
Mahangin at maaliwalas ang kapaligiran.
"Mas lumago, at mas marami na din tayong farmers doon. Balak namin bumili ng papa mo ng panibagong lupa. Lumalaki na din naman kasi ang kinikita ng farm kaya naisip namin 'yon."
"Good for that ma, sayang din kasi ang opportunities saka mas marami tayong matutulungan na farmers," Ngiting sabi ko sa kanya "at sana makapagbakasyon na kami ulit ni Dus doon."
Kinagabihan, sabay-sabay kaming nagdinner, nakauwi din ng maaga ngayon si Dustin. Mom cooked sauteed vegetables for dinner kaya sarap na sarap naman kami sa luto ni mama.
"Tanggal ang pagod ko sa luto mo ma," Pambobola ni Dustin kay mama.
Nagkatinginan naman kami ni papa at natawa sa kanya.
"Sige anak, sapatos ba ang kabayaran sa pambobola mo?" Tanong ni mama sa kanya.
Nakita ko naman ang ningning sa mga mata ni Dustin at tinabig ko si papa. Alam na ni papa ang ibig sabihin ng tabig ko.
"Tigilan mo yan bunso, kaya mo nang bumili ng sapatos sa sarili mo."
"Papa naman, iba pa rin kapag galing sa inyo," Malungkot na wika nito.
Dinner went well kaya nabusog kaming lahat ng masaya. As usual nagkukulitan at nagiinisan kami ni Dustin. After that nanood muna kami ng teleserye bago pumunta sa kanya-kanya naming silid upang mamahinga.
Sunday ngayon kaya bago kami pumunta sa work ay dumalo muna kami sa first mass ng church. Convoy lang kami si Dustin sa kotse niya, sila mama at papa ay sa kotse nila at ako naman ay nag-iisa dito sa kotse ko.
After mass, naghiwa-hiwalay na kami for work. Ang alam ko i-dadate ni papa si mama ngayon. Sabi ko pasalubungan nalang nila ako ng favorite food ko para pag-uwi ko nalang kakainin. Si Dustin naman ay nangungulit pa rin sa sapatos niya.
I love my parents chemistry. Yung love na hindi nagbabago at may consistency. Nakwento na nila samin noon ni Dustin ang takbo ng love story nila. Kaya ang love story nila ang gusto ko. Pero lahat naman ay may kanya-kanyang love story. Naghihintay nalang ako ng perfect timing para magkaroon din ako.
Nakarating na ako sa shop, 8AM palang naman at ang oras ko sa hospital ay 10 AM. My staffs greeted me and dito ko na rin naisipang mag breakfast dahil may pancake naman na tinda dito sa shop ko. Dinagdagan ko na din ng Cappucino which is my favorite coffee.
Nabusog naman na ako sa simpleng breakfast ko after that tumungo na ako sa office ko. I checked the new branch in south at malapit na itong simulan.
My 6th branch, nakaka-overwhelmed pinaka-first branch ko yon doon. Napatingin ako sa wall clock ng office ko at pasado 9AM na din pala at kailangan ko nang umalis dito sa shop para magtungo sa hospital.
Nagbilin nalang ako ng mga dapat nilang gawin. Alam ko namang hindi yon papabayaan ng manager and sataffs ko.
Pinark ko na ang kotse at inayos ang sarili ko.
Pagbaba ko.....
"Dra. Caralde!" Naririnig ko si Stacy na kaibigan ko na hindi magkamayaw sa tinis ng kanyang boses. Grabe ang sakit lang sa tenga nakakainis.
"Anong problema mo Dra. Ygrubay? Kadadating ko lang wag moko stress-in," panimula kong patol sa kanya.
"May chicka kasi ako sayo! Nakita ko ang ex mo," nagulat naman ako sa sinabi niya.
Nabalitaan ko noon na umalis siya ng bansa pagtapos namin mag-break at hindi ko alam kung saang bansa. Hindi ko din alam kung bakit. Wala na din siyang social media accounts. Hindi ko alam kung blinocked niya ako pero di ko na siya nahanap.
"Si Kyle? Oh ano naman ngayon?" Mataray na tanong ko.
"Oo si Kyle Hernandez, siya lang naman ang naging ex mo no. Simula noong highschool palang tayo hanggang ngayon siya lang ang kaisa-isahan mong minahal."
Bestfriend ko to since then kaya kilalang kilala na niya ako. Pero hanggang ngayon ay chismosa pa din at nakakasakit ng tenga ang boses niya.
"Hay nako tigil-tigilan mo ako. Wala na akong pake sa kanya" totoo naman at nasa mindset ko na ito.
"Hindi ka na ba interesado sa kanya?" Dagdag pa niya
"Syempre, hindi. Saka hindi naman talaga ako naging interesado sa kanya. Maraming taon na siyang nawala at natutunan ko nang hindi magkaroon ng pake sa mga taong iniwan ako ng walang dahilan. Saka baka may iba na rin yon kaya hindi na ako magkakaroon pa ng pake."
"So, kapag wala pang iba, may chance?" Pangungulit niya.
"Ewan ko sayo, Stacy," hindi ko masagot ang tanong niya.
Basta ang alam ko, whatever happens in the future, happens.
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa trabaho ko at hindi na inisip ang mga mangyayari. Hindi naman kasi kami siguro magkikita napakalaki at napakalawak kaya ng mundo. Ano naman ngayon kung bumalik siya? Ano naman ngayon kung meron na siyang iba?
Maraming pasyente ngayon sa delivery room kaya asikasong-asikaso namin sila. This is a private hospital kaya limited lang ang doctors dito pero lahat may specialized naman para yung mga tao ay matutulungan namin.
Ang may-ari ng small hospital na to ay ang friends of friends namin ni Stacy. Si Dustin kasi ay mas gustong sa public hospital magtrabaho kahit pa inalok ko na siya dito.
BINABASA MO ANG
This Kind Of Love (COMPLETED)
RomanceKapag ba iniwan ka ng taong mahal mo ay babalikan mo pa ba? Paano naman kung iniwan ka ng walang sapat na dahilan? Hahayaan mo ba ang puso mo na mahalin ulit siya? Ang pag ibig daw ay kayang hamakin ang lahat Kaya mong ibigay ang pangangailangan ni...