( Kabanata 4 )
"Ayusin mo ang paggamit ng espada, Mircale." utos ni Simon.
Narito sila ngayon sa isang malawak na lugar, hindi nalalayo sa kanilang bayan. Dito sila nagsasanay isang linggo na ang nakalilipas. Parati nang magkakasama ang apat, agad nilang nakagaanan ang loob ng isa't-isa. Ngunit ang tanging hindi magkasundo ay sina Miracle at Isaac.
"Ang lamya mo." ayun na naman si Isaac.
"Ang bigat kaya!" sigaw ni Miracle rito, "Stop commenting as if you know how hard it is for a girl like me." maarteng sambit ni Miracle saka muling iniangat ang espada at inihampas sa malaking pakwan sa harap nya.
"Dami mong sinabi ikaw lang naman ang nakakaintindi." singhal ni Isaac, nagpapahinga ito sa malaking bati sa gilid.
"Huwag mo nga ako niaasar, eespadahin kita dyan!" banta ni Miracle.
Natawa lang si Isaac, kung makabanta ay akala mo ubod ng galing, ni hindi nga nito matamaan ang pakwan.
Inis na nagtuon ng atensyon si Miracle sa pagsasanay. Naroon si Elinor na patuloy syang inaalalayan upang hindi sarili ang masugatan ni Miracle. Si Simon naman ang syang nagtuturo sa kanya ng mga dapat nyang gawin. Habang si Isaac ay ayon at nagpapahinga, walang naiambag sa buong linggo ng pagsasanay ni Miracle, puro pang-aasar lang.
"Marunong bang humawak ng espada si Isaac?" tanong ni Miracle sa dalawa.
"Kung hindi mo naitatanong ay hindi lamang sa espada magaling 'yan." bulong ni Elinor.
"Yeah, sa pang-aasar rin."
"Maliban doon." natawa si Elinor.
"Magaling rin syang umasinta gamit ang pana." umangat-angat ang kilay ni Simon, "Magpatuloy ka na sa pagsasanay." utos nito saka naupo rin sa katabing bato na kinauupoan ni Isaac.
"Really?" taas kilay na tanong ni Miracle, "Nagsasanay ako dito tapos kayo nakaupo dyan? you've gotta be kidding me."
"Huwag ka nang maraming angal at ritual dyan, magsanay ka nalang." banat ni Isaac.
"Ritual?"
"Iyang mga sinasabi mong hindi namin maintindihan, ritual ang tawag dyan."
"Lol, so funny."
Natawa nalang sina Simon at Elinor sa pagaasaran ng dalawa. Hindi na muling nagreklamo si Miracle, nagpatuloy sya sa pagsasanay, ngunit may sama ng loob. Kailanman ay hindi nya nakita ang sarili na gumamit ng espada. Kahit kailan ay hindi nya nakita ang sarili na magsanay sa ilalim ng araw. Gusto nya nang sumuko at gumising nalang ngunit ang paulit-ulit na bulong ng hangin sa kanya ay kinukumbinsi sya sa ginagawa.
Para sa Sulbidamya, kapayapaan para sa bansa...
Ang bulong na iyon ay hindi lamang mula sa iisang tao. Ang bulong na iyon ay tila mula sa napakaraming grupo ng mga kabataan, tila susugod sa digmaan. Sa isang iglap ay napakalakas na hangin ang pumukol sa kanyang katawan. Ang tatlo nya pang kasama ay nailibot ang paningin sa paligid, nagtataka kung saan nagmula ang biglang pagsulpot ng malakas ta malamig na hangin.
Habang si Miracle ay seryosong nakatingin sa himpapawid. Sinusundan ang malakas na hangin na tila umiikot sa buong katawan nya, nakaramdam sya ng kakaiba. Ang hangin na iyon ay dala ang napakabigat na pakiramdam para kay Miracle. Hindi nya rin alam kung bakit sya napapikit, pinakikiramdaman ang lamig ng hangin.
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
HistoryczneThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...