KABANATA 10

217 18 0
                                    

( Kabanata 10 )



"Miracle? Anak?"

Nagising si Miracle sa boses nang Ina na si Melissa. Agad syang bumangon at nag-inat ng katawan, pagkatapos ay tumayo at nagpunta sa Ina.

"Bakit po?" kinusot pa ni Miracle ang mga mata.

"M-May naghahanap sayo." may bahid ng kaba na balita ni Melissa.

Nawala ang natitirang antok sa diwa ni Miracle. Sa ganito kaaga ay may naghahanap sa kanya, siguradong hindi ito ang mga kaibigan nya dahil tanghali pa sila nakatakdang magkita-kita. Kunot noo lang na lumaput si Miracle sa pinto, ngunit agad syang hinawakan ni Melissa sa braso, dahilan upang hindi matuloy sa paglabas si Miracle.

"Nariyan ang Pinuno ng mga Mandirigma, may nagawa ka bang kasalanan sa kanila?" kabado paring tanong ni Melissa, "Madalang silang bumisita sa tahanan ng kung sino rito sa Sulbidamya, Miracle. Lalo pa't narito tayo sa pinakamahirap na parte ng Sulbidamya. Sigurado ako na hindi ganoon kagaan ang sadya nila sayo." may bahid ng babala na ani Melissa saka binitawan si Miracle.

Hindi agad nakasagot si Miracle. Huminga lang sya ng malalim saka tuloyang lumabas. Doon ay nakita nya ang Pinuno ng mga Mandirigma. Naniningkit na ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya, ngunit hindi iyon alintana ni Miracle. Lumabas sya ng tuloyan saka hinarap ang Pinuno maging ang kumpol ng mga mandirigma.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Miracle sa mga ito.

"Nais kang makausap ng Pinuno ng Sulbidamya." seryosong tugon ng Pinuno ng mga Mandirigma.

Imbis na tumugon ay mainam na tinitigan ni Miracle ang lahat ng mandirigma. Lalo na ang Pinuno ng mga ito. Naalala nya ang ikinwento sa kanya ng kanyang Lola. Ang tungkol sa pagtakas sa sanggol na si Miracle dahil balak syang patayin ng dating Pinuno ng Sulbidamya. Hindi nya batid kung bakit naisip nya ang pangyayari na iyon dahil sa sinabi ng Pinunong Mandirigma.

"Anong dahilan?" seryoso parin si Miracle.

"Nais ka nyang makilala, humanga sya sa tapang na ipinakita mo noong huli tayong nagkausap, ibinalita ko iyon sa kanya kaya nya nalaman."

"Kung nais nya akong makilala ay sya ang pumunta sa akin, marami pa akong gagawin, paumanhin."

Hindi na muling lumingon si Miracle. Hinintay nyang makaalis ang mga Mandirigma at ang Pinuno ng mga ito. pagkatapos ay umupo na sya sa hapagkainan upang lamanan ang tiyan.

Si Melissa ay hindi na maialis ang paningin sa itinuring nya nang anak na si Miracle. Kakikitaan nya na ito ng tapang at lakas, mukhang ginagabayan na nga ito ng kanyang nakaraan. Seryoso nyang pinanood si Miracle na kumain, saka lamang ito ngumiti nang makita ang kapatid na si Miriam, papalapit na ito sa mesa.

"Ate!"

"Miriam, kain na."

Napangiti si Melissa nang makita kung gaano na kalapit sa isa't-isa ang dalawa. May mga pagkakataon nga na kay Miracle na tumatabi sa pagtulog ang bunso imbis na sa kanya. Halos hindi na rin sya pansinin ng dalawa sa tuwing naglalaro na ang mga ito.

"Ina, magsasanay na po ako." paalam ni Miracle matapos kumain.

"Sige, Anak." ani Melissa, "Magiingat ka."

THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon