Prologue

762 24 3
                                    

The 20th Generation will come and save you... Again.

"Myrlia? ang ganda naman ng pangalan mo!" papuri ni Miracle habang nakay Myrlia ang paningin. "Your name is familiar, naging classmate na ba kita?"

"Hindi." ngumiti si Myrlia, "Pamilyar ako sayo dahil minsan na kitang naging kapatid, ngunit hindi mo na iyon maaalala dahil iba na ang iyong anyo at pag-iisip, ang busilak na puso lamang ang hindi nagbago sayo." matamis itong ngumiti.

"Really? paano kita naging kapatid?"

"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon."

"Oh, okay."

"Gusto mo bang maging matapang?" muling tanong ni Myrlia.

"Paano ba ang maging matapang?"

"Sumama ka sa akin."

"Saan tayo pupunta? baka hanapin ako ni Mommy ko eh."

Hindi naalis ni Myrlia kay Miracle ang tingin. Maging si Miracle ay ganoon rin. Ilang minuto silang nagtitigan, tila kinikilala ang isa't-isa sa pamamagitan ng tinginan.

"Ipinanganak ka para iligtas muli ang Sulbidamya." muling nagsalita si Myrlia.

"Sulbidamya? nastory sa akin 'yan ng Lola ko!" natutuwang sabi Miracle, "Pupunta ba tayo sa Sulbidamya?" malaki ang pagkakangiti ni Miracle, nagagalak.

"Oo, iyon ay kung nais mo." tipid lamang na ngumiti si Myrlia.

"Oo naman, to see is to believe! gusto ko rin makita kung anong itsura ng Sulbidamya."

"Iiwan mo ng matagal na matagal ang pamilya mo kapag sumama ka sa akin."

Nilingon ni Miracle ang pintoan ng kwarto ng Lola nya, maging ang kwarto ng Mommy at Daddy nya. Tsaka sya nagbalik ng tingin kay Myrlia. Hindi nya alam kung gaano katagal ang sinasabi nito ngunit nais nya talagang magpunta sa Sulbidamya.

"Makakabalik pa naman ako, right?"

"Oo naman."

"I'll go with you, Myrlia."

"Hindi parin nawala ang pagmamahal mo para sa Sulbidamya."

"Yeah, minahal ko ang Sulbidamya dahil sa stories ng Lola ko."

"Huwag kang magalala, sa oras na makatungtong ka sa Sulbidamya ay tiyak magugustohan mong tumira doon."

"Talaga?"

Hindi na napigilan ni Miracle ang labis na tuwa. Iniisip pa lamang nya ang sinasabi ni Myrlia ay hindi na sya makapaghintay na makarating doon. Hindi nya alam kung paano pupunta doon, kung sasakay ba ng eroplano, sasakyan o ng barko.

Ngunit hindi na mahalaga iyon kay Miracle, ang mahalaga ay marating nya ang lungsod na syang hindi nya magawang makalimutan. Sa murang edad ni Miracle ay tila maagang tumatak sa kanya kung gaano ka miserable ang buhay ng mga kabataan ng Sulbidamya.

"How to go there?"

"Matulog ka."

Natigilan pa si Miracle sa sinabi ni Myrlia. Bahagya nyang natabangi ang ulo dahil sa pagtataka.

THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon