( Kabanata 27 )
Ang panginginig ng mga tuhod ni Miracle at ang kaliwa't kanang sugat sa kanyang katawan ay pinanghihina sya. May mga pagkakataon na nabibitawan nya ang kanyang espada dahil sa labis na panghihina. Pinilit nyang itayo ang sarili mula sa pagkakayuko, hindi sya maaaring manghina. Itinukod nya ang espada, nang mabawi ang bigat ng katawan ay muli nyang ipinwesto ang kanyang espada. Tagaktak ang pawis mula sa kanyang katawan, ang pawis na nagkukulay dugo nang dahil sa kanyang mga sugat. Huminga sya ng malalim saka pumikit ng mariin.
"Ha!" agad na sumugod si Miracle sa isa sa mga Mandirigma.
Ito na lang ang natitira sa humigit kalahating Mandirigma na iniharap sa kanya ni Demilo. Sinipa nya ito sa dibdib saka muling sinipa nang makaikot si sya sa ere. Mariin ang kapit ni Miracle sa kanyang espada saka nya ito iniamba sa Mandirigma ngunit hindi ito tinamaan. Muling huminga ng malalim si Miracle, paulit-ulit sya sa pagsalag ng espada ng kalaban. Hanggang sa hindi inaasahang nabitawan nya ang sariling espada. Napayuko sya nang agad na mapaluhod sa sahig.
"M-Miracle!" dinig nyang sigaw ni Melissa.
Nag-angat sya ng tingin rito. Tumulo ang mga luha sa mata ni Miracle, hindi nya alam kung sa paanong paraan nya pa ililigtas ang Ina, sarili at ang Sulbidamya. Ang inasahan nyang pagpaslang sa kanya ng Mandirigma ay hindi natuloy nang maglakad palapit sa kanya si Demilo. Binawi ni Miracle ang hininga habang nakaluhod dahil sa panghihina. Piniliy nyang tumayo, iniangat nya ang kanang tuhod ngunit agad rin syang napaupo sa lupa. Labis na ang kanyang panghihina. Ang katawan nya ay labis na ang pagod.
"Bibigyan kita ng pagkakataong mamili, ang iyong sarili o ang Sulbidamya?" tanong ni Demilo.
Ni ang tumingin kay Demilo ay hindi magawa ni Miracle, nakapikit nyang ininda ang pagod at sakit na nararadaman. Gustohin man nyang magpagulong-gulong dahil sa sakit ay hindi nya ginawa, pinilit nyang palakasin ang sarili. Iniangat pa ni Demilo ang kanyang mukha saka rin nito iniluhod ang kanang tuhod sa sahig at ipinantay ang tingin nya kay Miracle. Sa isang iglap ay napaubo si Miracle sa lakas ng sampal na iyon ni Demilo sa kanya.
"Kung pipiliin mo ang Sulbidamya, ngayon pa lang ay umalis ka na." banta ni Demilo, "Hindi ako magdadalawang isip na paslangin ang iyong Ina." talagang gigil na sambit nito.
Wala syang sagot na natanggap mula kay Miracle. Nakaramdam pa sya ng sobrang galit nang makita nya itong ngumisi habang nasa sahig ang paningin, tila ginagawang katatawanan ang kanyang sinabi. Muli nya itong sinampal sa kaliwang parte ng mukha, sa ginawa nyang iyon ay hindi parin natinag si Miracle. Hindi ito sumagot, ni ang magangat ng tingin ay hindi nito ginawa.
"Aalis ka o Papaslangin ko ang iyong Ina at mga kaibigan? mamili ka Miracle." muling galit na tanong ni Demilo.
"H-Huwag kang u-umalis, M-Miracle." sambit ni Melissa, "I-Iligtas mo ang S-Sulbidamya!"
Si Miracle ay agad na nilingon ang Ina nang sa isang iglap ay dumampot ng pana at palaso su Demilo at agad na patamaan sa dibdib si Melissa. Ang mundo ni Miracle ay muling tumigil, ang pintig ng kanyang puso ay tila huminto. Ang sakit na kanyang nadarama ay hindi na mapantayan. Naipikit nya ng mariin ang kanyang mga mata, naguumapaw ang galit sa sistema nya ngunit hindi nya magawang gumalaw upang lumaban. Wala syang lakas upang paslangin si Demilo sa kanyang harapan. Wala syang lakas upang takbohin ang distansya sa pagitan nya at ng kanyang Ina upang yakapin ito at kausapin sa huling sandali. Nang lingonin nya ang Ina ay nakita nyang bumuka ang bibig nito, 'Sulbidamya' Iyon ang sinabi nito bago tuloyang ipikit ang mga mata.

BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Historical FictionThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...