( Kabanata 7 )
"Ina?" tawag ni Miracle kay Melissa.
Isang linggo na ang nakalipas at patuloy parin sa pagsasanay si Miracle. Ngayon ay nagpapahinga na sya sa kanilang tahanan matapos magsanay.
Nilingon sya ni Melissa habang ito ay naghahanda nang kanilang pananghalian. Huminga ng malalim si Miracle, pilit sinisigurado kung handa ba syang marinig ang sagot ng Ina sa kanyang itatanong.
"Ano iyon?" tanong ni Melissa sa anak, "Tila balisa ka, may problema ba?"
"Gusto kong malaman kung ano ang totoo, kung sino ba talaga ako? kung ano nga ba talaga ang naranasan ko sa dati kong buhay? iyon ay kung dati na nga ba akong nabuhay?" kunot noong tanong ni Miracle habang nasa kawalan ang paningin, "Napakaraming ala-ala na pumapasok sa isip ko, lahat ng 'yon ay pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung bakit." saka sya nagangat ng tingin sa Ina.
"Maaari mo bang isaad ang mga ala-ala na pumapasok sa iyong isipan?" tanong ni Melissa sa anak.
Huminga ng malalim ai Miracle saka mainam na tiningnan ang Ina. Matagal nya itong tinitigan saka nagiwas ng tingin at muling nagbalik tanaw sa mga ala-ala na pumasok sa kanyang isip kamakailan lamang. Ikinwento nya ito kay Melissa, walang labis, walang kulang. Lahat ng mga ala-ala na nasa isipan simula sa pagsasanay hanggang sa pagkamatay ng kung sino-sino na nagdudulot sa kanya ng bigat sa kalooban ay ikinwento nya.
Si Melissa ay nagiwas ng tingin bagaman nakikinig. Si Melissa ay nagmula sa pamilya ng mga manghuhula, na syang may kakayahang makakita ng kung ano mang maaaring mangyari sa hinaharap, at kung ano ang mga nangyari na sa nakaraan. Sa lahat ng ikinwento ni Miracle ay alam na ni Melissa ang sagot, tiningnan nya sa mga mata si Miracle.
"Ikaw nga." ngumiti sya sa anak, "Ikaw nga, Miracle. Tama ang nasa aking isip."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Ikaw si Miracle, ang babaeng nabuhay noon at nagligtas sa Sulbidamya ay ikaw." mas matamis na ngumiti si Melissa, "Ang dapat mo lang gawin ay damhin ang iyong puso at kaluluwa, totoo ngang nagbalik ka." hindi naiwasan ni Melissa ang maluha.
Ang mga nakikita ni Melissa noon sa kanyang isip ay hindi nya pa napapatunayan. Ngayon ay nalaman nyang totoo nga ang kanyang mga itinuran sa kanyang mga kakilala, muling magbabalik ang tagapagligtas, muli itong bumalik upang muling isalba ang Sulbidamya.
Si Miracle ay nailipat ang tingin sa kawalan. Doon ay sinimulan nyang pakinggan ang puso at isip, saka nya pinilit pakiramdaman ang sarili. Bata pa man ay napapanaginipan nya na ang mga ganitong pangyayari, kaya siguro ganoon nalang ang interes nya sa kwento ng kanyang Lola. Huminga ng malalim si Miracle saka tinanaw ang Ina na paalis upang sundoin ang kapatid na si Miriam.
Sa isang iglap ay binago ng katotohanang iyon si Miracle. Tila may dalang sumpa ang ihip ng hangin na pumupukol sa kanyang katawan. Lumakas ang loob ni Miracle, kung sya nga ang nagligtas noon sa Sulbidamya ay hindi sya magdadalawang isip na gawin itong muli. Handa syang iligtas muli ang Sulbidamya kung iyon ang nakatadhana, hindi nya ito uurongan.
"Ate? hindi ka ba kakain?"
Nang bumalik sa reyalidad ay nalaman nyang kumakain na ang Ina at kapatid. Ngumiti si Miracle kay Miriam saka nya kinain ang pagkain na nasa kanyang plato, napakarami nang isda ang nakapatong sa tinapay na naroon, siguradong si Miriam ang naglagay non.
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Historical FictionThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...