( Kabanata 15 )
Makalipas ang ilang minuto ay umahon na ang magkakaibigan. Hindi na sila gaanong nagtagal. Baka abutan sila ng takip silim at mahirapang aninagin ang daan kapag dumilim na.
Marahan silang naglalakad. Pansin nila ang pananahimik ni Dwight. Si Miracle naman ay malalim rin ang iniisip. Lahat sila ay nagkanya-kanya ng mundo. Walang pakealamanan, ang tanging ginawa nila ay maglakad ng tahimik, at paganahin ang kanya-kanyang imahinasyon.
"Lumilipas na ang maraming taon, ano ba talaga ang dahilan ng pagsasanay ninyo?"
Sa katahimikan ng paligid ay boses ni Dwight ang nangibabaw. Talagang nagtatanong ang tingin nito sa kanila. Kung ano man ang dahilan ay hindi nila maaaring sabihin, ngunit ang pagod sa katawan ni Miracle ay hindi rin sya pinahihintulotang sumagot, siguradong dadami lang ang tanong sa oras na magsalita sya kaya hinayaan nya na ang mga kasama.
"Pansariling depensa." tugon ni Elinor.
"Hindi nyo naman na yata kailangan non." nagtatakang tanong ni Dwight.
Ngunit ayon na si Miracle at malalim ang iniisip. Batid nyang anak ng isang Mandirigma si Dwight na syang makakalaban nila. Kailanman ay hindi nya pinagdudahan si Dwight, maayos ang pakikitungo nito sa kanila. Kaya kung ano man ang dahilan ng pagtatanong nito ay siguradong nagtataka lang sya.
"Kailangan 'yon, lalo na't hindi natin alam ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw, o sa mga susunod na segundo o minuto." si Isaac ang nagsalita, "Hindi narin mahalaga kung bakit namin ito ginagawa, ang importante ay hindi naman nito naaapektuhan ang lungsod." dagdag pa ni Isaac.
Magkatabi sina Elinor at Simon. Habang si Miracle naman ay napapagitnaan ni Isaac at Dwight. May kaunting tensyon ang namamagitan kina Isaac at Dwight sa tuwing magkakasama silang magkakaibigan, at walang nakakaalam sa dahilan non.
"Pagod na ang mga paa ko." inda ni Elinor.
Agad namang naupo si Simon sa lupa at tinapik ang sariling likod. Agad namang niyakap ni Elinor ang braso sa batok ni Simon saka sya nito inangkas patalikod, piggy back. Naalala tuloy ni Miracle noong parati iyong ginagawa ng Daddy nya, kung minsan pa nga ay sa balikat sya ng Ama umuupo sa tuwing maglalaro sila ng Mommy at Daddy nya.
I miss them...
Namuo ang luha sa mga mata ni Miracle ngunit agad nya ring pinawi. Huminga sya ng malalim saka nagpigil ng emosyon. Nagtaka pa sya nang mapansin na nasa kanya na ang tingin ni Isaac at Dwight.
"Ayos ka lang?" sabay na tanong ng dalawa.
Nagtataka pang nangunot ang noo ni Miracle saka pinangunahan sa paglalakad ang dalawa, hindi sya sunagot sa tanong ng mga ito.
"Hoy!" dinig nyang tawag ni Isaac, "Ayos ka lang ba?" humabol ito sa kanya.
Gulat rin sya nang makitang humabol sa kanya si Dwight at hinawakan sya sa braso. Agad nya naman iyong binawi at saka inis na tumingin sa dalawa.
"Pagkatapos maligo, karera naman?" natatawanh tanong ni Simon saa nanguna na sa paglalakad pasan si Elinor sa kanyang likuran.
"Kayo ang dapat kong tanongin, ayos lang ba kayo?" inis na tanong ni Miracle, "Anong problema ninyo?"
"Gusto ko lang masigurado na ayos ka." si Dwight ang sumagot, "Napansin ko kase yung luha sa mga mata mo."
"Ayos lang ako." tugon ni Miracle.
"Mas pinili pang sagotin yung bagong kilala lang kesa dun sa walong taon nya ng kilala, ayos." ibinulong iyon ni Isaac sa paraan na naririnig parin ni Miracle at Dwight saka sya naglakad paalis.
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Miracle si Isaac na ngayon ay paalis na. Napailing sya saka naglakad narin. Sabay silang naglalakad ni Dwight sa likuran, si Isaac naman ay nangunguna sa kanila, nagmamartsa ang bawat yapak nito. Natawa ng palihim si Miracle.
"May gusto ka ba kay Isaac?" tanong ni Dwight, nagaalinlangan, "Pasensya na kung naitanong koㅡ"
"Wala." diretsing tugon ni Miracle, "Ayos lang." aniya saka seryoso muling naglakad.
"Kailan ka huling umibig?" tanong ni Dwight.
Nagugulat man ay huminga ng malalim ai Miracle, "Hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng karelasyon."
"Maganda ka, bakit hindi?"
"Hindi lang naman ganda ang basehan para matukoy kung dapat bang ibigin ang isang tao." tugon ni Miracle, "At saka, masyado pa akong bata para dyan."
"Hindi ka na bata para mag-asawa." natawa si Dwight, "Dito sa panahon na 'to ay angkop na ang trese upang payagan kang maikasal." dagdag ni Dwight.
Sandaling natigilan si Miracle dahil sa katotohanang alam na ni Dwight na mula sya sa ibang panahon. Ngunit wala syang nararamdamang pangamba, alam nyang mapagkakatiwalaan ito.
Parang Romeo and Juliet lang? ang kaso ay hindi sila ikinasal.
Huminga lang ng malalim si Miracle saka ngumiti. Nasa maling panahon sya at sa panahon nya ay alam nya ang nararapat na edad upang maikasal. Hindi nya masisisi ang ganitong kinalakihan ng mga mamamayan dito dahil hindi ito kagaya ng makabagong panahon na halos lahat ng problema sa isang lungsod ay binibigyan ng batas.
Hindi na mauling nagsalita pa si Miracle. Tinanaw nya si Isaac na paulit-ulit sa paglingon sa kanya. Hindi ito mapakali, kung tama man ang iniisip ni Miracle ay nais nitong sabayan sya sa paglalakad, ngunit halatang naaalibadbaran ito kay Dwight. Palihim na natawa si Miracle. Ilang minuto pa ay narating na nila ang bayan.
"Miracle! Miracle!"
Natigil si Miracle nang makita ang isang batang lalaki na papalapit sa kanya, hinihingal ito dahil sa mabilis na pagtakbo. Seryosong tumingin sa kanya si Miracle. Ang batang lalaki ay inayos muna ang paghinga.
"Si Miriam po..." muli itong huminga ng malalin.
"Anong nangyari sa kapatid ko?" seeyoso kong tanong.
Agad na lumapit sina Isaac, Elinor at Simon. Si Dwight ay nanatili sa gilid ni Miracle. Kunot noong hinintay ni Miracle ang isasagot ng bata.
"Dinukot po!" muli nitong balita, "Dinukot po ng mga naka itim na lalaki!" dagdag nito.
Hindi pa man alam ang buong kwento ay agad nang tumakbo si Miracle patungo sa kanilang tahanan. Naabutam nyang umiiyak ang Ina na si Melissa. Agad itong yumakap kay Miracle, hindi narin alam ang gagawin. Hindi alam ni Melissa kung paano babawiin ang anak lalo pa't ang nakatakda ay nakatakda. Walang sino man ang makakabago nito.
"Nasaan si Miriam?" mariing tanong ni Miracle.
"Kinuha nila si Miriam, Anak." tugon ni Melissa saka tuloyang nanghina at umiyak.
_______________
QUANTIARA, 2020.
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Ficción históricaThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...