( Kabanata 31 )
Ang digmaan ay nagsimula. Ang lahat ng mamamayan na nasa loob ng palasyo ay pinalabas. Lahat ng ito ay labis ang takot habang nililisan ang lugar. Labis ang galit ni Miracle sa kataksilan ni Demilo. Ipinagpapasalamay nyang ibinunyag sa kanya ng Matandag babae ang nakatakdang mangyari. Tinulongan rin sya nitong humingi ng tulong sa Lepana na walang alinlangan syang tinulongan.
Ang digmaan na kanyang pinakahihintay ay nangyari sa hindi nya inaasahang pagkakataon. Hindi nilingon ni Miracle ang bangkay ng dalawang kaibigan, maging si Isaac na itinabi nya upang hindi na madamay pa sa gulo. Walang pinatawad si Miracle sa lakas na kanyang ipinakita. Ang galit na inipon nya sa mahabang panahon ay tuloyan nyang ibinuhos. Ang lungkot, pighati, at pangungulila ay hinanapan nya ng hustisya. Sa gitna ng labanan ay naaninag nya si Demilo na nagtatangkang tumakas. Ngunit hindi nya ito pinahintulotan.
Hinugot ni Miracle ang pana at palas sa kanyang likuran. Saka nya itinutok iyon kay Demilo, binitawa nya ang palaso saka iyon tumama sa balikat nito. Sa ikalawang pagkakataon ay muling humugot ng palaso si Miracle at pinatamaan si Demilo sa hita. Naglalakad si Miracle papakapit rito habang kinukuha ang ikatlong palaso at pinatamaan itong muli sa didbib. Hanggang sa kuhain nya ang ikalima at huling palaso saka ito itinutok sa noo ni Demilo.
"Uubosin ko ang lahat ng pana ko at ibabaon ko lahat sa katawan mo." galit na sambit ni Miracle, "Balang araw ay sasariwain ng mundo ang tungkol sa pangyayaring ito, at idedetalye nila kung sa paanong paraan kita papaslangin sa mismong teritoryo mo." saka binatawan ni Miracle ang huling pana at bumaon iyon sa noo ni Demilo.
Nagpatuloy ang digmaan, tinalikuran ni Miracle si Demilo nang tuloyan itong bawian ng buhay. Ngunit bago pa man sya magsimulang lumaban muli ay naramdaman nya na ang pagbaon ng palaso sa kanyang binti, labis ang sakit non dahilan upang mailuhod nya ang mga tuhod sa sakit. Ngunit bago pa man panghinaan ng katawan ay agad nang tumayo si Miracle at kinuha ang pana. Sa pagkakataong ito ay hindi nya na sinayang ang oras. Itinutok nya ang pana kay Eduardo at pinuntirya ito sa dibdib, ngunit tuloyan itong nagpakawala ng palaso na syang hindi inaasahan ni Miracle na lilihis sa kanya.
Nakita nya sa kanyang likuran ang pana na tumama sa dibdib ni Isaac. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Iika-ika syang lumapit kay Isaac saka ito iniupo sa sahig. Tuloyang lumuha si Miracle, muli nyang naramdaman ang sakit na itinago nya sa loob ng mahabang panahon.
"M-Mahal kita." iyon ang sinabi ni Isaac habang nakatingin sa mga mata ni Miracle, "S-Sa susunod kong b-buhay..." hirap nang sabi ni Isaac kaya inilapat ni Miracle ang hintuturo nya sa mga labi nito.
Labis ang pagiyak ni Miracle saka pilit na ngumiti, "Sa susunod na buhay ko... Ikaw parin ang pipiliin kong makasama." sa sinabing iyon ni Miracle ay pumikit si Isaac, saka ito ngumiti.
Ngunit ang ngiting iyon ay hindi na nasundan pa ng kahit na anong galaw. Parang pinipiga ang puso ni Miracle sa nangyayari. Nasalo nya ang katawan ni Isaac nang tuloyang itong bumagsak sa kanya. Ang sakit ay hindi nya na mawari, sobra pa ito sa labis. Hindi biro ang sunod-sunod na mawalan nang minamahal sa buhay. Nanghihina man ay pinilit na tumayo ni Miracle saka hinarap ang natitirang kalaban. Iilan na lamang ang natira sa mga Mandirigma ng Lepana. Agad syang sumugo hawak ang espada at pinaslang ang sino mang madadatnan nya.
Isang pana ang tumama sa tagiliran ni Miracle ngunit hindi nya ininda. Patuloy syang nakipaglaban. Muling bumaon ang isa pang pana sa likuran ni Miracle, ngunit imbis na indahin ay agad nya itong hinugot at tinanggal sa pagkakatarak sa katawan nya, saka nya sinugod ang Mandirigmang pumana sa kanya. Hanggang sa ilabas ni Miracle ang pana at patamaan ang huli at nagiisang Mandirigma na natitira, maraminna itong tama sa katawan ngunit nagawa paring ikundisyon ang pana. Agad na pinalipad ni Miracle ang palaso patarak sa dibdib nito ngunit kasabay non ay ang palaso rin ng Mandirigma na tumarak sa kanyang dibdib.
Napakaraming dugo ang nabawas sa kanyang katawan. Pinilit pang gumapang ni Miracle hanggang sa makarating sa katawan ni Isaac. Umiiyak nyang ininda ang sakit na nararamdaman saka sya humiga sa tabi nito. Sa isip ni Miracle ay labis ang kanyang lungkot at sakit na nararamdaman.
Sa ikalawang pagkakataon ay nawala na naman sa akin ang lahat...
Napapikit sya nang kumirot ang iba't-ibang parte ng kanyang katawan, saka sya muling nagdilat at nilingon si Isaac sa kanyabg tabi. Ang nakapikit at walang buhay nitong katawan ay mas nagpapasikip sa kanyang paghinga.
Napakalungkot... Napakasakit...
Saka nya hinawakan ang malamig na kamay ni Isaac. Nakapikit sya habang pinagsisiklop ang kanyang mga daliri doon. Saka pumatak ang huling luha sa kanyang mga mata bago nya iyon ipinikit.
In my next life... I'll choose to be with you again.
I love you until my last breathe... Isaac.
At ang pagtatapos ng Sulbidamya ay kasabay ng pagkawala ng buhay ni Miracle. Malamig na hangin ang sumibol habang pinupukol ang malamig nang mga katawan ng apat. Walang sino man ang nagakala na ito ang kahihinatnan nila.
Ang mamamayan ng Sulbidamya ay labis na nagpapasalamat kasabay ng labis na kalungkotan at paghingi ng tawad sa kinahinatnan ng apat. Sa kagustohan ng mga ito na mailigtas sila ay ang apat ang napahamak. Sa pagkakataong iyon ay pinuri nila ang apat na bayani ng Sulbidamya.
Binigyan nila ng maayos na libing ang apat. Lahat ng mamamayan ng Sulbidmaya, mayaman man o mahirap, ay dumalo sa seremonya ng pagpapasalamat bago tuloyang ihatid sa huling hantungan ang apat na magkakaibigan.
Ang matatandang mamamayan ng Sulbidamya ay humahawak sa kamay ng apat. Ipinagpapasalamat na sa huling panahon ng kanilang buhay ay nasilayan pa nilang lumaya ang Sulbidamya mula sa mahigpit na paghahari ng mga Pinuno nito. Sa oras na mailibing na ang apat na tagapagligtas ay lilipat na ang mamamayan ng Sulbidamya sa Lepana, sa pamamagitan non ay magsisimula na sila ng panibago nilang mga buhay. Ngunit hindi maalis ng mga ito ang lungkot, ang lungsod na kinalakihan nila ay tuloyan na ngang natapos.
Dumating ang Matandang Babae na syang tumulong sa apat, lahat ay nagulat nang makita ito.
"Reyna Herbosa..."
"Ang sinaunang Reyna..."
May mga luha sa mata nito habang papalapit sa bangkay ng apat, labis ang awa at lungkot para sa kamatayan ng magkakaibigan. Ito na ang kalunos-lunos na istoryang maisasalin-salin sa mga susunod na henerasyon. Istorya ng apat na magkakaibigang ito ang babaunin ng lahat at hindi ang pagmamalupit ng sino mang Pinuno na maghahari sa kanila, istorya na syang magmumulat sa buong mundo.
Hinalikan ng Matandang babae ang noo ni Miracle saka ito pinakatitigan, "Nasaksihan ko ang iyong katapangan, Miracle." hinaplos nya ang pisngi nito.
Saka nilingon ng Matanda ang tatlo pa nitong mga kasama. Pinakatitigan nya ang apat.
"Sa huling pagkakataon ay nais kong makapiling ninyo ang isa't-isa sa panahon kung saan hindi espada, pana at mga palaso ang hahadlang sa inyo." saad ng matanda, "Muli nyong hanapin ang inyong mga sarili, at damhin ang inyong mga puso. Sa susunod ninyong mga buhay ay matatanggap ninyo ang gantimpalang nais kong matanggap ninyo." saka sya ngumiti.
Ang sumpa na binitawan ng matanda ay ipinapangakobnyang matutupad sa takdang panahon...
________________
The end of Sulbidamya...
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Ficção HistóricaThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...