( Kabanata 6 )
"Ate?"
Nagising si Miracle sa boses na iyon ng kapatid nyang si Miriam. Nang bumangon ay nasa bahay na ulit sya ng kanyang kinikilalang pamilya, nakita nyang palapit sa kanya ang ina na si Mildred na may dalang pagkain. Inilapag nito ang pagkain sa higaan ni Miracle.
"Nawalan ka ng malay ayon sa mga kaibigan mo, hinatid ka nila rito kanina." nagaalalang balita ni Melissa sa anak, "Ayos ka lang ba? kamusta ang iyong pakiramdam?"
"Ayos lamang ako, wala kayong dapat ipag-alala." bahagyang ngumiti si Miracle.
"Ate? bawal ka pang maglaro?" bigla ay nagtanong si Miriam, napangiti si Miracle.
"Pwede naman." tugon ni Miracle saka tumayo.
"Anak? baka mapano ka?"
"Ayos lang ako, Ina. Gusto ko ring makalaro si Miriam."
"Sigurado ka?" paninigurado ni Melissa, tumango si Miracle, "Oh sige, basta mag iingat kayo ha?" bilin nya.
"Opo, Ina." magiliw na tugon ni Miriam.
"Huwag pasaway kay Ate, ha?" bilin ni Melissa sa bunso.
"Oo naman po, promise!" sigaw nito na nakapanata pa ang kanang kamay.
"Mukhang naturoan mo sya ng mabuti." nakangiting nilingon ni Melissa si Miracle, "Oh sya sige na."
Agad na lumabas ang magkapatid. Nakaabang na ang mga bata na syang parating kalaro ni Miriam. Si Miracle naman ay nakangiti lang habang pinapanood ang kapatid na yayain ang mga kalaro upang maghabulan.
"Miracle!"
Narinig ni Miracle ang boses nang nakatatandang kaibigan na si Elinor, agad nya itong nilingon. Nakita nya si Elinor na kasama si Simon at Isaac, sandali pang napako ang kanyang tingin kay Isaac saka nagiwas ng tingin.
"Miriam." tinawag ni Miracle ang kapatid, agad naman itong tumakbo palapit, "Kayo muna ang maglaro ha?"
"Saan ka pupunta, Ate?"
"May kakausapin lang."
"Babalik ka ha?"
"Oo naman, sige na."
Tinanaw ni Miracle ang kapatid na agad nakihalubilo sa mga kalaro nito, saka sya dumiretso sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Nakangiti syang sinalubong ni Simon at Elinor, habang ayon si Isaac at seryoso parin ang tingin sa malayo.
"Kamusta na ang iyong pakiramdam?" tanong ni Elinor.
"Ayos lang ako, napagod lang siguro ako kanina." tugon ni Miracle saka naupo sa katapat ng bato na kinauupoan nila.
"Bakit lumabas ka agad? kailangan mong magpahinga."
"Hindi masama ang pakiramdam ko, kaya ayos lang."
"Ang tigas ng ulo mo kahit kailan." bwelta ni Isaac bagaman wala kay Miracle ang tingin, "Hindi na kita bubuhatin ulit kapag humandusay ka na naman d'yan." inis na sambit nito.

BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Tarihi KurguThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...