KABANATA 17

186 12 0
                                    

( Kabanata 17 )

Imbis na kaba o takot ay galit ang naramdaman ni Miracle nang makarating sa palasyo. Tanaw nya na ang napakaraming Mandirigma na sumalubong sa kanila. Lahat ng ito ay gulat ang ekspresyon habang nakatingin sa kanya. Ang ibang mamamayan naman na naroon rin ay halatang hindi makapaniwala. Hindi matukoy ni Miracle kung ano ang nasa isip ng mga ito, ang tanging alam nya ay narito sya upang kunin ang kapatid na si Miriam.

"Buksan ang pintuan ng palasyo, narito na ang bihag!" sigaw ng isa sa mga Mandirigma.

Walang nagawa si Miracle maging sina Isaac, Elinor at Simon kundi hintayin ang pagbukas ng pinto. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa kanya ang pamilyar na lugar. Pamilyar ang mababang entablado na nasa pinaka dulo. Pamilyar rin ang mga mamamayan ng Sulbidamya na nakapaikot sa buong lugar. Mas lumakas ang tibok ng kanyang puso nang marating nya ang mismong gitna nito. May mga ala-ala na nang sumagi sa kanyang isip ngunit hindi nya matukoy kung bakit.

"T-Totoo ba ito?"

"N-Natupad nga ang sumpa ng tagapagligtas..."

"S-Sya ang ikalawampung henerasyon na tinutukoy nnsa propesiya?"

Iyon ang bulongan ng mga tao sa kanyang paligid, bagaman malayo ang mga ito ay nakapagtatakang dinig nya ang pinaguusapan nito. Lalo pa nang lingonin nya ang bawat sulok ng napakalaking palasyo, lahat ng tao ay mas lumakas ang bulongan. Maya-maya pa ay naglakad na paakyat sa mababang entablado ang isang lalaki na may magarag kasuotan, may gintong bakal na nakapaikot sa ulo nito.

"Kung gayon ay totoo nga na kawangis mo ang tagapagligtas ng Sulbidamya noon." malalim ang boses nito.

Hindi sumagot si Miracle. Galit ang ipinakita nya sa lalaki. Kung tama ang kanyang hinala ay ito ang Pinuno ng Sulbidamya, sa tindig palang nito ay halata na ang kapangyarihan. Sunod-sunod rin ang pagdating ng iba pang mga lalaki, maging ang tatlong may edad nang babae, lahat sila ay magagara ang kasuotan.

"Sila ang Echelons." bulong ni Simon sa likuran.

Bahagyang napatango si Miracle. Kung ganon ay ang mga hayop na ito ang syang balak pahirapan ulit ang kabataan ng Sulbidamya. Malalim ang pag buntong hininga ni Miracle dahil sa galit. Hinahanap na ng kanyang mga mata ang nakababatang kapatid, hindi nya ito makita. Tuloy ay umusbong na ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi nya na maipaliwanag ang nararamdaman, nais nyang malaman ang kalagayan ni Miriam.

"Heto at manalamin ka, Miracle." anang Pinuno ng Sulbidamya.

Isinenyas nito ang isang tela na nakatakip sa isang bagay. Nakapatong iyon sa isang kahoy na nagsisilbing alalay sa ano mang tinatakpan ng tela na iyon. Lumapit doon ang Pinuno ng mga Mandirigma na si Eduardo saka nya tinanggal ang tela. Doon ay tumambad ang imahe ng isang babae na ipininta.

Bigla ay nangunot ang noo ni Miracle. Wala syang ibang ingay na narinig sa paligid kundi ang pintig lang ng kanyang puso. Hindi nya maialis ang tingin sa painting na iyon. Ang nakapinta doon ay ang babaeng nakausap nya noon, ang babaeng panay ang bulong sa kanya. Ngayon nya lamang napansin ang pagiging magkamukha nila, dahil noong nakita nya ito ay bata pa sya. Mariing napapikit si Miracle saka nag-iwas ng tingin.

Sina Isaac, Elinor at Simon naman ay gulat narin ang naramdaman nang mapagtanto na talagang magkamukha nga si Miracle at ang babaeng ipininta. Nilingon nila si Miracle, nakayuko na ito at bahagyang napapailing. Gusto man nila itong lapitan ay hindi nila magawa dahil hawak sila ng nga Mandirigma.

THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon