( Kabanata 24 )
Agad na tinakbo ni Miracle ang likuran ng punong pinagpa-pahingahan. Kinuha nya ang lahat ng kanyang mga palaso, inihanda nya ang pana. Napansin nya ang magkakasunod na kaluskos mula sa kung saan-saan. Doon ay alam nyang marami syang makakalaban, sana lamang ay hindi nakasalubong ng mga kaibigan nya ang mga ito. Agad na pinalipad ni Miracle ang palaso, kasabay non ay ang pagtumpa ng kung sino mula sa malayo. Paulit-ulit nyang iniwasan ang lahat ng mga palaso na nagliliparan sa ere, kada iwas nya ay sya ring pagpapalipad nya ng palaso at pagtama nito sa katawan ng sino mang nakapalibot sa kanya.
Nang matigil ang pagpapalipad ng pakaso ay agad na kinuha ni Miracle ang espada at diretsong tinahak ang daan kung saan nya narinig ang huling kaluskos, saka nya naabutan doon ang isang Mandirigma. Agad nitong sinugod si Miracle, agad ring sinalag ni Miracle ang espada nito. Paulit-ulit nyang pinaulanan ng hampas at sugat sa katawan ang Mandirigma bago nya pa kitilin ang buhay nito. Saka nya nilingon ang likuran, nasalag nya ang espada na sana ay tatama sa kanya. Nakipaglaban si Miracle sa lahat ng Mandirigmang sumugod. Hindi nya inasahan na mauubos ang lahat ng sya lang mag-isa, kakaiba iyon para sa kanya at kanyang edad. Mabuti na lamang at isang hiwa lang sa braso ang kanyang natamo, hindi iyon gaanong malala.
Iika-ikang bumalik si Miracle sa kaninang inuupoan, napurohan ang kanyang kanang binti dahil sa hampas ng isa sa mga nakasagupa nyang Mandirigma. Pinilit nyang pisilin iyon upang sanayin ang sarili sa sakit, pinunit nya ang parteng iyon ng kanyang itim na pantalon, nang makita ang parteng iyon kung saan nya nararamdaman ang sakit ay pansin nya ang halos kulay berde at itim na kulay nito, talagang nalamog ang bahaging iyon ng kanyang binti. Kumuha sya ng tela saka ibinalot iyon sa kanyang binti, kailangan nyang itago ang sakit na nararamdaman.
Lumusong sya sa ilog at hinugasan ang sugat. Pumitas sya ng mga dahon at inilagay iyon sa kanyang sugat bagaman hindi nya alam kung gagaling nga ba ito nang dahil doon. Pinilit nyang tiisin ang sakit habang mariin na itinatali ang tela sa kanyang braso. Ang kanyang binti naman ay sinanay nya sa paglalakad ng maayos, paulit-ulit syang naglakad sa buong lugar, halos ikutin nya iyon upang masanay lamang ang kanyang binti. Ayaw nyang mag-alala ang mga kaibigan kung iika-ika sya sa paglalakad, ayaw nya ring matagalan ang ganoong kundisyon ng mga binti sapagkat kagaya ng nangyari kanina ay may mga sitwasyon na hindi inaasahan, maaaring muli silang lusobin rito kaya kailangan nyang ayusin ang sarili.
"Miracle!" rinig nyang sigaw ni Helen.
Hawak na nito ang isang espada. Kunot-noong naglakad si Miracle palapit. Si Helen naman ay bamumutla na, tila naubosan ng dugo nang dahil sa panang bumaon sa kanyang likuran. Nang makalapit si Miracle ay agad nyang sinipa sa dibdib si Helen, natumba ito sa lupa ngunit pinilit paring bumangon. Nang makabangon ay sinipa ni Miracle ang kamay nito upang mabitawan nito ang espada. Saglit pang nilingon ni Helen ang espadang tumalsik mula sa kanyang kamay. Saka nya hinarap si Miracle at walang takot na nakipaglaban. Nasipa ni Helen si Miracle sa tiyan, napaatras si Miracle ngunit hindi natumba. Lumapit muli si Miracle ngunit ang biglaang pagsipa ni Helen sa kanyang binti ay hindi nya inasahan. Agad syang napaluhod sa sakit non, talagang napakasakit.
Naiangat ni Miracle ang kanang tuhod, ngunit ang matalim na dulo ng isang espada ang nagpigil sa kanyang pagtayo. Hawak na ito ni Helen, nakatutok ito sa kanyang leeg. Napalunok si Miracle nang maramdaman ang tulis ng espada sa kanyang leeg, mahapdi na ang parteng iyon ng kanyang leeg kaya sigurado syang may sugat na ito.
"Totoo nga ang sabi nila... Matibay ka." ani Helen saka mas inilapit ang espada sa leeg ni Miracle.
"Buti naman at napatunayan mong matibay nga ako." tugon ni Miracle.
Bahagyang natawa si Helen, "Sayang nga lang at mukhang ito na ang huling araw mo." idiniin ni Helen ang espada sa leeg ni Miracle.
Napapikit si Miracle sa sakit at hapdi non. Pinilit nyang huwag lumunok dahil mas lalo lang masusugatan ang kanyang leeg kapag ginawa nya iyon. Napansin nya na ang pagbwelo ni Helen, ngunit bago pa man nito magawa ang pinaplano ay agad na itong natumba. Doon ay nakita ni Miracle si Isaac na hawak na ang pana at nakatutok sa kaninang pwesto ni Helen. Wala na ang palaso sa pana nito, doon nya napagalaman na ito ang pumana kay Helen.
Agad na tumakbo pakapit sa kanya si Isaac saka sya inalalayan patayo. Napansin ni Isaac ang pamumutla rin ni Miracle, nakaramdam sya ng kaba. Kagagaling pa lamang nito sa sakit, ngunit pansin nya na ang pagod nito. Inilibot nya ang tingin sa paligid, may mga katawan na nakahandusay sa lupa, saka nya nilingon si Miracle, doon nya nakita ang pagod sa itsura nito. Iyong uri ng pagod na hindi lang dahil sa natagtag ang katawan kundi dahil sobra narin ang nararamdaman nitong emosyon.
Sumagi sa isip ni Isaac ang mga panahon kung saan bagong salta pa lamang si Miracle sa Sulbidamya. Naalala nya kung gaano ito kalamya noon, at ikinumpara sa kung gaano na ito kalakas at katapang ngayon. Ngunit hindi nya maiwasang malungkot, hindi ito ang buhay na pinapangarap ni Miracle, alam nya 'yon. Alam nyang hindi ito ang buhay na sumagi sa bawat panaginip ni Miracle, at nalulungkot sya sapagkat isa sya sa mga humiling na ipagpatuloy ni Miracle ang ginagawa. Ramdam nya ang pagod ni Miracle sa lahat, ramdam nya ang sakit at pangingulila nito sa totoong pamilya at sa pamilyang nakasama rito sa Sulbidamya.
"Ayos ka lang?" tanong ni Isaac kay Miracle.
"A-Ayos lang." tugon ni Miracle saka naglakad patungo sa tambayan at doon naupo.
Lumapit si Isaac saka pinanood itong ayusin ang sarili. Napansin nya ang napakaraming sugat sa katawan ni Miracle. Sa sobrang dami non ay hindi nya na ulit makita sa dalaga ang kinis ng kutis nito noon. Nay mga peklat narin ito sa katawan, ang ibang peklat nito ay hindi magandang tingnan, ang iba naman ay normal na peklat lang. Pansin nya rin ang nagdudugong gilid ng labi ni Miracle, maging ang pamumugto ng mga mata nito dahil sa pagod. Tiningnan ni Isaac ang kabuoan ni Miracle, malaki ang naibawas sa timbang nito kesa noong nagsisimula pa lamang itong magsanay.
Nakaramdam sya ng pagkahabag, sinisi nya ang sarili dahil sa paulit-ulit nyang paghiling kay Miracle na huwag syang iwan. Ngunit hindi nya man lang naisip kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito rito. Hindi nya nais na makitang ganito si Miracle, hindi lubos maisip na ganito pala kahirap ang misyon na kanilang gagampanan. Napapikit si Isaac saka bahagyang napailing. Naupo sya sa tabi ni Miracle. Doon nya nakita ang mga tela na nakabalot sa binti at braso ng dalaga, hindi man aminin ay alam nyang itinatago iyon ni Miracle. May dugo rin na bumabakat sa tela na nakatali sa braso nito. Saka nya nilingon si Miracle, nag-angat rin ito ng tingin sa kanyam Hinaplos ng kung anong pakiramdam ang puso ni Isaac nang makita nya ang mga mata ni Miracle, puno iyon ng sakit, napakaraming sinasabi.
"Kaya mo pa ba?" hindi rin alam ni Isaac kung bakit nya iyon itinanong.
Napakurap lang si Miracle ngunit hindi sumagot. Lumunok ito saka nag-iwas ng tingin. May sugat rin ito sa leeg, at dumudugo iyon. Hindi na maipaliwanag ni Isaac ang nararamdamang awa, naguumapaw ang awa nya para sa minamahal.
"Kakayanin." nakangiti at seryosong sagot ni Miracle.
"Iwan mo na kami." nangilid ang luha ni Isaac.
Marahan syang nilingon ni Miracle.
"Ang sakit sa pakiramdam na makita kang ganito ka pagod, hindi ka dapat nandito." huminga ng malalim si Isaac, pinipigilan ang mga luha na umagos mula sa kanyang mga mata.
Hindi nakasagot si Miracle. Pinanood nyang tumulo ang mga luha ni Isaac. Hindi nya napigilan ang sarili, lumapit sya rito saka yumakap. Hindi nya malaman kung ano ang mararamdaman, ang tanging alam nya ay pagod na sya, ngunit kakayanin nyang lumaban para sa mga kaibigan, pamilya at para sa Sulbidamya.
_______________
QUANTIARA, 2020.
![](https://img.wattpad.com/cover/226039444-288-k998264.jpg)
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Historical FictionThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...