( Kabanata 18 )
"Hindi ba't matapang ka? bakit ka lumuluha?" nakakalokong tanong ni Demilo.
Napayuko si Miracle sa paghihinagpis, saka tumayo mula sa pagkakaluhod. Wala na syang pakealam sa kung ano mang mangyayari. Nilapitan nya si Miriam na ngayon ay nakadapa sa sahig at wala nang buhay. Inihiga nya ito sa kanyang hita saka niyakap. Ang dugo na nagmumula sa dibdib nito ay mas pinanginginig ang katawan ni Miracle. Labis ang galit na kanyang nararamdaman ngunit hindi nya magawang kumilos.
"Ang tagapag ligtas na hindi nagawang iligtas ang kanyang kapatid." ngumisi si Demilo.
Ibinaba ni Miracle ang katawan ng kapatid. Sa huling luha na pumatak mula sa kanyang mga mata ay isinumpa nya ang katarungan para sa lahat. hinugot nya ang espada sa kanyang bewang saka isinaksak sa Mandirigmang pumaslang sa kanyang kapatid. Pinugotan nya rin ng ulo ang isa pang mandirigma sa kanyang tabi ngunit agad syang napaluhod nang maramdaman ang pagtama ng isang pana sa kanyang likuran, agad syang napaluhod sa sakit.
"Miracle!" sigaw ng mga kaibigan nya.
Si Isaac ay halos magwala na, pinilit nyang makawala sa kamay ng mga Mandirigma ngunit pinanghihina sya ng mga pangyayari. Sya ang nasasaktan para kay Miracle. Ang panang nakabaon sa likuran nito ay ang nagdaragdag sa kanyang galit. Ayaw nyang makitang nasasaktan si Miracle, ngunit ngayong nasasaktan na ito ay wala syang magawa.
Sina Elinor at Simon naman ay labis rin ang panghihina. Lalo pa nang sabay-sabay silang hampasin sa likuran ng kanilang mga tuhod dahilan upang mapaluhod sila, ganoon rin si Isaac na nasa kanilang tabi. Nanginginig ang kanilang mga binti sa lakas ng pagkakahampas na iyon. Pinilit nilang hindi ito indahin upang hindi mag-alala ang si Miracle na ngayon ay lumuluhang nakatingin sa kanila.
"Papipiliin kitang muli, Miracle." muling naglakad palapit si Demilo kay Miracle, "Aalis ka, o papaslangin ko ang lahat ng natitira sa iyong pamilya?" tanong nito.
"H-Hayop ka." hirap na tugon ni Miracle, "Papatayin kita." muling banta ni Miracle.
"Hanggang banta ka na lamang, bata, hindi mo ako mapapaslang kailanman." mayabang na tugon ni Demilo, "Huwag mong hintayin na mainip ako sa kahihintay kung alin sa dalawa ang iyong pipiliin, Miracle."
"Wala!" sigaw ni Miracle.
"Kung ganon ay pahirapan ninyo ang tatlong iyan hanggang sa makapili ang huwad na tagapagligtas!" sigaw ni Demilo.
Agad na nagsimulang sipain ng mga Mandirigma sina Elino, Isaac at Simon. Ang tatlo ay napapadaing. Si Miracle ay hindi na maipaliwanag ang nararamdaman, hinugot nya ang pana na nakabaon sa kanyang likuran saka iyon pwersahang ibinato sa isa sa mga Mandirigmang bumubugbog sa kanyang mga kaibigan, agad na nagdugo ang ulo nito. Ngunit mas natigilan sya nang tutokan na ang mga ito ng espada sa leeg. Pinilit nya ang sarili na tumayo.
"Aalis ako ng Sulbidamya!" sigaw ni Miracle, "Aalis ako!" naluluha nyang dagdag.
"Mabuti." napatango si Demilo, ngiting tagumpay, "Kung ganon ay tigilan na ninyo iyan, at hayaan silang makawala." anunsyo nya sa mga Mandirigma.
Nahihirapan man ay pinilit nina Isaac, Elinor at Simon ang makatayo. Nakatayo ang dalawa ngunit si Isaac ay napaluhod na sa pagod at sakit na nararamdaman. Hindi nya maalis ang tingin kay Miracle, tinanggap nya ang sakit sa katawan na natamo ngunit hindi nya magawang tanggapin ang sakit ng sinabi ni Miracle.
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Исторические романыThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...